***May's POV***
Nagising akong kumakalam ang sikmura.
Nasaan ako? Tila pamilyar ang amoy ng paligid sa akin...
Idinilat ko ang mga mata ko ngunit medyo madilim ang paligid dahil sa dim light lang ang hatid ng lampshade....
Teka, bakit ako nandito?! Tsaka bakit ako ...... may kayakap? Siya pala ang naaamoy ko...
Dali-dali akong bumangon at siya ring pagkagising ng katabi ko.
"Uhmmn..." Nagmulat ito ng mata at inabot ang switch ng ilaw...
"You're finally awake love.... you're probably hungry by now... Kanina pa kita hinihintay na magising... Ang sarap ng tulog mo..."
"Ba't.... b-akit.. katabi kita?? Paano ako napunta rito?!" natataranta kong tanong sa kanya....
"You mean in this room? Syempre kinarga kita... Unless nag-sleep walk ka?"
"Doon ako sa sa---"
"Come on... kain ka na. Nalipasan ka na ng gutom. Malamig na iyong food na niluto ko..."
"Teka... Nagluto ka?? O-kay ka na ba?" bigla kong naalala na may sakit nga pala ito.
"Medyo masama pa pakiramdam ko pero don't worry okay na ako... Bumalik lang kani-kanina fever ko pero nagtake na ako ng meds.. Thank you nga pala."
"Wait.,,, anong oras na ba?"
"Ahm... Past 1am na.. Nga pala tumawag kanina si Tita Lorna... sinagot ko... sabi ko nandito ka.."
"Hala?! Ano sabi? Galit ba si Mama?"
"Nope... "
Ititext ko na sana si Mama kaso lowbat na rin ang phone ko.
"Come on love... kain ka na... initin ko muna yung pagkain mo..."
"Ako na... "
Nagbanyo lang ako at sumunod na rin sa kanya sa kusina.
"Here... kain ka na..." pinagsilbihan niya ako...
"Ikaw?"
"I still don't have the appetite to eat... Sumubo lang ako kanina kasi uminom ako ng meds."
"O lika kain ka na rin..."
"Nope... I'm fine... I'm sleepy na rin... Nagtake-effect na ata iyong gamot na ininom ko."
"Hindi.., kailangan mong kumain..." Hinila ko ang kamay nito at umupo siya sa tabi ko.
"Oh... Open your mouth..." nakita kong namula ang mukha niya ng tangka kong subuan siya ng pagkain.
"Okay na po... I'll eat na po... Ako na po..."
Medyo natawa ako sa itsura nito. Kakain din pala eh... pabebe pa. Tss!
Natapos kaming kumain. Wala nga talaga siyang ganang kumain dahil halos hindi nagalaw ang pagkain sa plato nito.
Sinalat ko ang noo at leeg nito... May lagnat pa rin siya. Sobrang init.
"What time ka ba uminom ng gamot?"
"Ha? Kanina lang.. Like an hour ago?"
"Ba't ang init mo pa rin? Are you sure you're fine? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" nag-aalala kong tanong dito..
Oo nag-aalala ako sa kanya. Natatakot ako sa lagay niya...
Di nga ba't nagkasakit na ito dati? Sana hindi bumalik ang depression niya.... Wag naman.
Kung kailan ako naman ang nag-i-effort na mawala ang hadlang sa amin...
Sinalat ko ulit ang leeg niya ngunit hinawakan niya ang kamay ko...
"Don't worry too much... I'm fi--- urrkkghhh!"
Bigla itong sumuka.
Nataranta ako bigla lalo na nang makita kong hinimatay siya pagkatapos....
Oh my God! Kailangan ko ng tulong!
Inayos ko muna siya at tumawag ako sa guard station para humingi ng tulong...
I brought him to the nearest hospital sa tulong ng gwardiya ng condo na iyon.
God! Sana walang nangyaring masama sa kanya... Hindi ko kayang mawala siya???? Not now....

BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanficAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)