Chapter 20

1.9K 123 11
                                    

***Lizzy's POV***

Iba ang naging pakiramdam ko ng makausap ko si May noong isang lingo.

Girl's instinct bang matatawag iyon?

Noong nagku-kwento ako ng tungkol sa nangyari sa amin ni Edward ay parang sobrang apektado siya, yung tipong naging parte siya ng mga pangyayari...

Gusto kong malaman kung anong hindi niya sinasabi sa akin pero nagdalawang-isip ako... Anyway, nakaraan na rin naman ang lahat..

Dito ako ngayon sa mall para kitain si Marco. Simula ng nagkita kami sa grocery ay lagi na itong nangangamusta.

Inaalala niya siguro na sobrang apektado ako ng paghihiwalay namin ni Paul. Actually oo kasi inakala ko na perfect na nga ang pagsasama naming dalawa pero hindi pa pala.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni May noon, na kahit gaano na kayo katagal ay maghihiwalay din kayo, susukuan niyo din ang isa't-isa. Hindi ko alam kung saan humugot ng ganoon si May. Ni wala naman akong nabalitaan na boyfriend nito. Baka palabasa lang talaga siya ng mga pocketbooks o mahilig manood ng telenobela noon.

Nagikot-ikot muna ako sa mall habang naghihintay kay Marco. Actually dapat isang oras pa ang usapan namin... kaso medyo boring sa bahay. Naging plain house wife lang kasi ako simula ng naging mag-asawa kami ni Paul. Well provided pa din naman kami ng pamilya kaya wala pa naman akong financial crisis na nararanasan sa ngayon. Nagbabalak din naman akong mag-apply ng trabaho. At least doon maibubuhos ko ang atensyon ko.

"Excuse me, Miss.." dinig kong may tumawag sa likuran habang nagtitingin ako ng mga magagandang kwintas na nakadisplay.

"Can I see--- " biglang naputol ang pagsasalita nito na ikinalingon ko. Sabi ko na nga ba't pamilyar ang boses nito.

"Edward?" sobrang nagulat ako sa kanya. Sheeeet ang gwapo..... Sobrang laki na ng ipinagbago nito....Mamang mama na ang itsura.

"L-izzy?"

"Edward ikaw nga! How are you? Sino kasama mo?"

"Uhm... I'm... I'm actually alone... How about you?"

"Ah nag-iikot ikot lang ako... I'm waiting for Marco... Nasa construction site pa kasi.."

"Marco?"

"Yup si Marco, bestfriend ninyo ni May... nakalimutan mo na?"

"N-o... Of course not.. Why are you... I mean...."

"Na? makikipagkita ako kay Marco? Hahaha. Hangang ngayon ba naman? Lahat talaga ng lalaki pinagselosan mo.."

"What? No... I'm just curious... how about... ahm... How about May? Is she still with Marco?"

"Si May? Ayun sila pa rin. They're bestfriends daw sabi ni May, kausap ko lang siya last week..."

"You have talked to her? Where is she?"

"Teka, bakit sila ang mga tinatanong mo? Di mo man lang ba ako kakamustahin?" nalungkot ako sa inaasta niya. Dati rati ako ang priority nito. Ako ang sentro ng buhay niya. Ako ang special.... Nasaan na iyon ngayon? Kinalimutan niya na ba ako?

"Ah yeah...how are you and that... Paul Eric?"

"Ahm.. medyo hindi nagwork-out eh... Ayun... we just...separated.." Hindi ko alam ba't bigla akong nahirapan magsalita..

***Edward's POV***

So they didn't end up together...

"Sorry to hear that..."

"Hindi ka ba masaya? I mean..."

"Why? Do I have to celebrate? You chose him, Lizzy... and a lot of things happened after that... a lot of changes..."

"Gaya ng..?"

"Nah! Nevermind! I should be thankful to you... that you chose him over me... I got to realize the most important thing in my life....." and I smiled at her and she was surprised.

"I see..." maybe that's all she could say... I'm seeing sadness in her eyes... Regrets maybe?

"So you're waiting for Marco? Can I have his number?"

"Ah... sure... here.." and she dictated his number.

"Thanks! Ayt Lizzy! See you around.." I left her... Somehow I realized that I totally got over her.

But one odd thing I feel... I should not be asking her about May... I just don't know why...

***Marco***

"Sir, last na buhos na ito dito.... Iyong sa kabila naman po, tatlong beams pa lang ang natatapos... Baka hindi tayo umabot sa deadline.." kinakausap ako ng isang foreman.

May emergency kasi yung isang engineer namin na in-assign ko sa site inspection. Kailangan ko itong matignan ng mabuti at siguraduhing umabot kami sa deadline. Malaking aberya kapag hindi.

"Mang Ben, gawan ninyo ng paraan. Hindi pwedeng ganito... Kailangang matapos ito on or before deadline..." nai-stress na ako.

"Sige po Sir, titignan ko po muna kung anong pinakamagandang gawin.."

"Kaw muna bahala dito, may lalakarin lang ako saglit. Babalik din ako agad.."

"Sige, Sir..."

Agad kong tinawagan si Lizzy, alam kong kanina pa ito naghihintay sa mall.

"Lizzy, sorry papunta pa lang ako..."

"Marco... sa sunod na lang tayo magkita... Umuwi na ako. Sumama kasi pakiramdam ko..."

"Ha? Okay ka lang? Puntahan kita diyan sa bahay ninyo.."

"Ay hindi na.. Itutulog ko lang ito... Sobrang init lang kasi sa labas... Sige.."

"Okay magpahinga ka na. Pasensya na talaga... Di ko maiwan-iwan ang site eh..."

"Salamat Marco... Bye."

"Bye Lizzy. Pahinga ka na.."

Tss! Late na naman ako... Di ko rin kasi talaga pwedeng maiwan ang project na ito ng basta basta.

I don't know pero naaawa ako kay Lizzy. Ba't kasi iniwan ito ni Paul sa pangalawang pagkakataon... Di niya naman siguro deserve iyong ganoon. Bff ito ni May. Kaya malapit na rin ang loob ko sa kanya.

Speaking of my bff... ilang araw na pala kaming hindi nagkaka-usap nito... Sobrang busy niya rin siguro... Matawagan nga.....

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon