Chapter 21

2K 135 9
                                    

***Marco's POV***

Weekend. Eto, naglalambing na naman si mommy na tulungan ko siya sa pagbi-bake.

"My, after this may pupuntahan lang po ako."

"Natawagan mo na ba si May?"

"Yesterday po. Tulog pa iyon ngayon. 1am pa lang sa kanila.."

"Kamusta naman ang batang iyon?"

"Ayun may tinatapos daw siyang personal project... kasama na naman yung Blake na iyon.."

"Naku nak, napakaseloso mo. Kilala mo naman ang bestfriend mo... As if naman ipagpapalit ka noon.."

"Minsan na lang din kasing kumontak My..."

"Bakit kaw din naman di ba? Hmmnn kala mo di ko napapansin, ha? Panay ang tawagan niyo ng.. sino nga ba iyon? Lizzy? Nak, di naman sa ayaw ko sa kanya... Pero kaw na ang nagsabi, kakahiwalay pa lang niya sa asawa niya and yet para na kayong nagdi-date. Hindi magandang tignan anak. Kung nandito si May baka binatukan ka na noon."

"Yun nga kasi My, wala kasi siya..."

"Kaya naghahanap ka ng iba? Marco, tapatin mo nga ako... na-in love ka na ba talaga sa bestfriend mo?"

Hindi ko masagot ang tanong ni mommy. Parang may humila sa dila ko.

"You don't have to answer nak.. Kahit noon pa man napapansin na kita... Marco, mahal kita anak... ayokong masaktan ka... I know May is a perfect woman for anyone. Pero napapansin mo naman di ba na hangang bestfriend lang ang turing noon sa iyo? Di mo mapipilit ang puso, nak.."

"Aray My! Oo naman po. Kaso di ko naman mapigilan eh. Kaya nga naghahanap na lang ako ng ibang mapapansin... Baka sakali sa kanya mapunta iyong feelings ko para kay May...."

"But not to that Lizzy?.... I don't know... Parang there's something about her na hindi ko gusto... Forgive me anak, pero I don't really like her for you... Iba na lang please..."

Di ko na sinagot si mommy. Nagpatuloy na lang ako sa pagmix ng mga ingredients sa bowl.

Nang biglang mag-ring ang phone ko... unknown number...

"Hello?"

"Is this Marco?"

"Yes, who's this?"

"Bro! This is Edward! Where are you?"

"Hey! Naks naman lumaki na boses mo bro! Di ko na nakilala! Kumusta? I'm at home... eto nag-aassist kay mommy mag-bake. Wala eh... wala mga friends niya... Wala takas, hahahha!"

"Can I go there?"

"Sure! Mommy would love to see you!"

"Only Tita? You didn't miss me?"

"Hangang ngayon bakla ka pa rin... Lika na! Ipapatikim ko sa iyo ang aking specialty..."

"Okay, I'm on my way!"

"Ambilis ah! Hahaha! Ingat! See you!"

"Ayt bro!"

Anong kayang ginagawa ng lalaking ito dito sa Pilipinas? Somehow na-miss ko rin ito. The old days! Naalala ko iyong naglalaro kami ng play station tuwing weekends... Kaso nag-iba na nga ang lahat...

Thirty minutes lang ata ang lumipas at may nag-door bell na.

"Eyy man! How are you?"

"Naks! Mas lalo ata tayong pumogi ah!"

"Isn't it that you're the gay one here?"

"Hahaha!"

We hugged like the old times.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon