Chapter 44

1.9K 139 22
                                    

***Marco's POV***

Pagkatapos kumain ay kwentuhan lang kmi ng kwentuhan. Tila nakabuo kami ng isang masayang grupo. Ngunit napansin ko ang pananahimik ni Edward.

"Ey bro! Tahimik ah?"

Ngumiti lang sya.

"Wala."

"Musta nga pala? Di na tayo nagka-kausap ah.,, matagal ka na dito sa Pilipinas... ngayon lang ulit tayo nagbonding."

"Yeah. Actually I have a business branch near your place... kaso pare-pareho naman tayo naging busy then yung nangyari pa ngang misunderstanding... kaya ayun... Pero.., Okay na ba kayo ni Lizzy?"

Nabigla ako sa tanong niya..,

"Ahm... actually hindi na kami nagkita o nagkausap simula noong mag-usap sila ni May... Kinabukasan noon hindi na siya bumalik ng trabaho.., Nagnotify na lang ng resignation... Wala din akong nagawa eh..., iba ang gusto niya eh.,," tinignan ko ang reaksiyon niya...

"Why are you looking at me like that? Haven't talk to her either... and again, as what I've said I don't----" naputol ang sasabihin niya ng magpaalam sa akin si May.

"Marco, swimming lang kami..., di ka ba maliligo?"

"Hindi eh... Uuwi din ako agad, May. Dami trabaho sa opisina bukas.."

"Naku... paano yan? Do I have to cancel my leave?"

"Ay hindi.,, samahan mo na lang si Ate Lau... Kami na bahala nina Luis doon bukas.."

Nakatingin lang sa kanya si Edward na tila may gustong sabihin.

"Okay... salamat! Yaan mo babawi ako pagbalik ko... sige dito muna kami..."

"Okay, mag-ingat ka ha! Dami dikya dyan!"

"Takot sa akin ang mga dikya! hahahaha!"

At sinundan niya na ang tatlo sa dagat... nakasunod naman ang tingin ni Edward.

"Ano nga ulit iyong sinasabi mo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Ah yeah... sabi ko I no longer have communication with her either... at wala rin akong balak na balikan siya kaya sana wag mo isipin na inaagaw ko siya saiyo..,"

"Ayoko na rin bro.., Napag-isip isip ko walang patutunguhan iyong relasyon namin... Sana lang maging maayos ba buhay niya... Okay na ako sa ganito.., single... walang inaalala... bukod sa bestfriend na ganoon din ang problema..."

"What do you mean bro?"

"Bro, hindi ko na kasalanan kung torpe ka okay? o manhid ka lang talaga... Binigyan na kita ng pagkakataon... hangang ngayon wala ka pa ring nagagawa?... Ano bang nagpipigil saiyo?"

Natahimik siya... Saka tumingin ng malayo sa dagat...

"Fear maybe... Yes... sobrang takot na I will be declined again..." at saka tumingin ulit ito sa akin.

"Di mo naman malalaman hanga't hindi mo sinusubukan... Sabi ko naman saiyo... okay lang sa akin.,, wag mo lang sasaktan dahil marami kaming makakalaban mo.., at sasalo sa kanya... Kita mo iyon si Luis?..." at napatingin siya sa direksiyon nila...

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa reaksiyon niya. Naniningkit ang mga malalaking mata nito ngayon.., Selos? Eh paano ina-assist ni Luis si May sa tubig.,, Sa akin wala namang issue iyon.., Sanay naman ako kay Luis at may tiwala naman ako sa kanila... Pero etong si Edward..,

"May! What happened?!" bigla nitong sigaw.

Nakita kong paahon ng tubig si May at si Luis...

"Nadale ng dikya..." natatawa pang sabi ni Luis.

"What?! and you think it's funny?" sabay takbo ni Edward sa mga ito. Napasunod na rin ako.

"Hey dude! Chill lang! Dikya lang to, okay... Let me get the first aid... meron doon sa cottage alam ko... Kyla!"

Pinuntahan ko rin agad si May...

"May, okay ka lang?"

"Okay lang ako... makating mahapdi lang... okay lang ako... ayun kukuha naman si Luis ng gamot.."

"O kala ko ba takot saiyo ang dikya?!" Natatawa kong asar sa kanya...

Sumimangot lang kunyari si May...

"Marco, it's not funny... She can be infected with that... May, let me see..." at tsinek nga nito ang sugat ni May na may ilan pang tentacles ng dikya sa legs...

"Aray! Wag mo galawin!" angal ni May sa kanya.

"Sorry, I'm just checking it..."

Maya-maya dumating na ang tatlo at may dala-dalang pang-first aid.

"Oh Dale... I'm sorry... how are you feeling?" si Ate Lau.

"Okay lang ako.. ano ka ba.. malayo sa bituka to no?"

"Oh May eto, hot water muna para mahugasan iyan at mawala iyong sting... then lagyan natin ng ointment..."

"Salamat Luis..."

Si Luis ay Kyla na ang nag-assist kay May...

"Okay na ako.,, ligo ulit tayo?"

"Nope.., maybe we can do that tomorrow again.." si Ate Lau.

Nalungkot naman ang mukha ni May kaya inakbayan ko na lang..,

"Wag na kasi matigas ang ulo..."

At nagpout naman ito... Pa-cute talaga ang babaeng to.,,

"Sige kami na lang ni Bestie muna ang babalik sa dagat... Maya-maya kasi uuwi din kami ng Maynila... may pasok pa bukas..." si Kyla.

"Sabay-sabay na ulit tayo pabalik Kyla..." ang sabi ko kay Kyla.

"Okay, boss!"

"Wag mo nga ako tinatawag na boss sa labas... Lalo akong tumatanda saiyo eh.."

Napangiti naman si Luis at May...

"Ay sige po.."

Bumalik naman ng cottage sina May at si ate Lau at naiwan ulit kami ni Edward.

"Bro... honestly.. nahihirapan ako... I can't even avoid being jealous with you, you know? Ikaw lagi mo siyang kasama... laging kausap, katawanan.. and you're very close with each other.."

"Nasanay lang kami na kami lagi ang magkasama.., so dapat alam mo na ang gagawin mo... "

"I really don't know.., sige... I'll try. Thanks bro!"

"Naku! Pagkatorpe-torpe pero kung makaselos wagas!"

"What?! Di noh!"

"Deny pa!"

"Hayyy. I don't know... I just don't like the feeling of seeing her with other men... getting her attention... call me selfish pero... it pains me pag sobra iyong attention na nakikita kong binibigay niya sa iba.,,"

"Ganyan din ako dati, bro. Kaya nga walang makalapit diyan kay May noong college kami eh.., kahit nga iyan si Luis... he's been courting May since college FYI.., kaya bahala ka... kaw rin..."

"Really?"

"Masugid nga di ba? Eh ikaw ba?"

Edward just sighed... Iba rin tong lalaking 'to...

Somehow kampante na rin akong liligawan niya si May. At least alam kong katulad ko, gagawin ang lahat ni Edward para protektahan at alagaan si May... iyon naman ang
importante... ay meron pa nga pala... dahil alam kong si Edward ang laman ng puso ng kaibigan ko... mutual naman ata sila... nagtataguan nga lang...

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon