***May's POV***
Germany. Ito ang pangalawang bansang napuntahan ko...
Well... parang mga Americans din ang mga tao dito, mapuputi, magaganda at gwapo... Pero masyadong seryoso nga lang ang dating ng mga tao dito compared sa U.S. na medyo may pagka-witty.
May sumundo sa amin sa airport, ang pinsan ni Lau sa mother side. Tinawagan niya lang ito noong nasa airport na kami.
"We're gonna surprise them Dale... They didn't know we're coming today. I'll have Renz bring our luggages to the house.."
"Okay.. Your country is so beautiful Lau... So peaceful. I think I'll love it here..."
"Yeah. I'm the only witty and noisy here... hahahaha!"
"I couldn't agree more, hahaha!"
"Dad is in our office right now so we're gonna go there first.."
"Okay.."
Dinala niya ako sa isang office building na di masyadong kalayuan sa airport. Ang mga building at structures sa lugar na ito ay karamihan modern european architectural styles.
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng isang receptionist.
"Hey Laura! What brought you here?"
"Celine, how are you? Where's dad and my bro?"
"They're both in a conference room right now... having a meeting with a new client."
"Okay, we'll wait in my bro's office then..."
Di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ng mga oras na ito... Dapat ba akong kabahan?
Parang lalabas ang puso ko habang papalapit kami sa isang pintuan. Ito yata ang opisina ng kapatid niya...
Pero not a typical office room... Tila ito isang... museum?... gallery!
"Dale, I'll leave you here for a moment... This is my bro's gallery. Beside this is his office... I'll go check them if they're done with the meeting... Enjoy here... I'll be back later...."
"Okay.."
Pinihit ko ang napakalaking pintuan. Humanga ako sa disenyo ng kwartong ito... Hmmnn.. In fairness, maganda at kakaiba ang taste ng kapatid niya..
Sinimulan kong libutin ng aking paningin ang loob ng gallery...
Unang napako ang tingin ko sa malaking frame na naglalaman ng sketch ng isang waterfalls. Tila pamilyar ito sa akin.... Hmmmn maganda ang pagkakagawa.. Pareho kami ng style ng artist nito...
Teka!
Laking gulat ko nang makita ko ang aking initials sa pinaka-ibaba nito...
P-aanong nangyari to???!
Halos manindig ang balahibo ko nang ilibot ko pa ang aking paningin sa iba pang mga frames na nakadisplay doon. Lahat lifesize kaya kitang-kita ang bawat detalye ng mga ito....
Saan ito nangaling? Paano napunta ang mga ito dito?
Nilapitan ko ang isang frame na may sketch ng mukha... ng kanyang mukha...
Di ko napigilang lumuha nang makita ko ito sa mas malapitan. Samo't saring emosyon....
Hindi ko namalayang hinahaplos ko na pala ang bawat detalye ng larawang iyon... Ito ang kauna-unahang beses na naiguhit ko ang mukha niya noon... Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Bawat detalye..Bawat sulok ng mukha nito...
Malayang umagos ang aking mga luha. Bumalik lahat ng alaala ko sa nakaraan.
Sigurado akong galing lahat ng ito sa nawala kong sketchpad....
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)