***May's POV***
Hindi ako nakatulog ng buong magdamag.
Siguro nga ay kailangan muna namin ng kanya-kanyang oras para makapag-isip.
Hindi nga pala talaga biro ang pag-a-asawa. Pumayag akong magpakasal kay Edward dahil ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano habang nasa malayo. Dahil gusto kong gumaling siya kaagad. Wala din naman akong minahal na iba kung hindi siya lang pero parang hindi pa iyon sapat para sa kanya. He wanted security so I gave him security.
Pero nais niya pang pagdesisyunan ang mga bagay na pinaghirapan ko. I just couldn't give up my place in the company... that's my life... I just couldn't... Self-fulfillment para sa akin ang maging parte ng kompanyang iyon.
I've been independent all my life at hindi ako sanay ng minamanduhan ng mga dapat kong gawin. Well I can give up anything if it's necessary... pero iyong unreasonable... malabong mangyari iyon. I know exactly how important some things are for me.
Napag-isipan ko na kailangan ko munang magpahinga from all these worries and stress.
Madaling araw ay nag-book ako ng flight online at nag-ayos ng gamit.
Alas-10 ng umaga nang umalis ako ng bahay. Itinaon kong nasa trabaho na sina Mama. Tatawagan ko na lang sila kapag naroon na ako.
---
Hindi pa ako ganoon katagal lumabas ng arrival area ng airport nang namataan ko ang pinsan kong si Patricia.
"May! Dito!"
"Patring! Salamat naman at dumating ka."
"Ako pa ba? Kamusta ka na? Pabigla-bigla naman ata ang bakasyon mo."
"Okay naman ako Pat. Gusto ko lang ng sariwang hangin. Puro polusyon na kasi sa Maynila."
"Pero sabi mo preggy ka di ba? Di ka naman nahihirapan?"
"Di naman. Kayang-kaya ko naman ito."
"Sige, halika na. Mukhang gutom ka na eh. Saan mo nga pala gustong tumuloy? Mamili ka lang. Kila lola o sa amin?"
"Pupunta na lang ako doon sa sainyo at kina lola. Sa ngayon gusto kong sa hotel muna manatili, yung sa tabing-dagat.."
"Naging paborito mo na ang hotel na iyon ah."
"Masarap kasi doon sa tabing-dagat."
"Okay. Sasamahan kitang mag-check in. Nasaan na nga pala si Edward?"
"Ahm nasa Germany pa may mga inaasikasong importante."
"Sana naman nandito siya bago ka manganak. Naku mukhang mahihirapan ka niyan. Panganay ninyo pa naman."
"Natawa ako saiyo Pat. Hindi naman si Edward ang i-ire para sa akin. Ako naman iyon."
"Makakagaan kasi pag may moral support lalo na ng asawa."
"Sabagay. Yaan mo na matagal pa naman iyon. Nagi-enjoy pa si baby sa loob ng tiyan ko. Di pa nga siya halata oh."
"Oo nga. Flat pa din ang tiyan mo. Parang mas buntis pa nga ako saiyo."
Nagkatawanan kami ni Patricia.
Hinatid niya ako sa hotel at tinulungang mag-ayos ng mga gamit. Maya-maya ay nagpaalam na rin ito dahil may pinapagawa daw sa kanya si Tiya, ang nanay nito.
Lumabas ako ng suite at nagpunta sa baybayin. Ang sarap ng sariwang hangin.
Ang dami ko rin palang memories dito noon.
Naalala ko noong magkakasama kaming tatlo nina Lau at Edward. Napakasaya ng mga araw na iyon.
Pero hindi ko mapigilang hindi malungkot pagkatapos ko silang maisip.
I miss them. Lalo na si Edward.
Siguro na-realize niya rin na hindi niya na ako mahal. Or baka hindi naman niya talaga ako minahal. Baka hinihintay niya lang na totally patawarin ko siya sa nangyari noon at pagkatapos ay iiwan niya rin pala talaga ako.
Samo't saring bagay ang pumapasok sa utak ko at lahat iyon ay nagdudulot ng sakit at lungkot sa pakiramdam.
Kapit ka lang baby. Pasensiya ka na. Kaya naman natin ito kahit wala ang daddy mo... Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng dalawang magulang. I won't let anyone hurt you.
Nag-uunahan ang mga luha ko habang naiisip ko ang mga bagay-bagay.
Nakaupo ako sa bench na tinulugan namin ni Edward noon. Nakaharap sa dagat. Napakanda ng tanawin. Pero malungkot. Kasing lungkot ng pagpapaalam ng araw sa hapon... Ang unti-unting pag-alis nito sa paningin ko habang lumulubog sa dulo ng karagatan.
Pagbalik ko ng suite ay maga-gabi na.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong madami ng text messages sina Mama at Papa. Pati na rin si Marco.
Kanina bago ako bumaba ay na-text ko sina Mama na magbabakasyon muna ako. Gusto ko ng sariwang hangin para sa amin ni baby.
Lagi akong nasa tabing dagat sa tuwing umaga at hapon. Nagpabili ako kay Patricia ng gamit sa pangguhit at pagpinta para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Bumabalik ang mga alaala ko sa chinese garden sa tuwing mag-guguhit ako at magpipinta at kasama lagi si Edward sa alaalang iyon.
Lumipas ang mga araw at ganoon lang mga ginagawa ko. Pag nasa loob ako ay internet naman ang pinagkakaabalahan ko. Paminsan-minsan ay tsina-chat ko si Luis tungkol sa lagay ng kompanya. Pinili kong hindi makipag-communicate kay Marco dahil baka makarinig na naman ako ng balita tungkol kay Edward galing kay Kyla. Lalo lang akong masasaktan.
Si Patricia naman ay araw-araw na pumupunta at ngdadala ng mga sariwang prutas at masusustansiyang pagkain para daw sa buntis. Mabuti pa itong pinsan ko at malaki ang pag-aalala sa akin.
---
Nakatayo ako sa dalampasigan at nilalaro ng paa ko ang mga maliliit na alon na umaabot sa paanan ko.
Pinagmamasdan ko rin ang pagsikat ng araw dahil maya-maya lamang ay nasa sketchpad ko na ito.
Kaysarap ng sariwang hangin sa umaga.
Nasa ganoon akong posisyon nang bigla na lamang may pumulupot sa katawan ko. Hindi agad ako nakakakilos ngunit nang makilala ko ang amoy nito ay bigla akong pinanghinaan ng sistema.
My tears rapidly formed and went off my eyes. Hindi ako kumilos o lumingon man lang. Hindi rin ako nakapagsalita. Ang tanging nagawa ko ay mapapikit ng mata para pigilan ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)