***May's POV***
Sa wakas ay na-release na ako sa clinic ni Sean. Binigyan na lamang ako nito ng mga resetang gamot at vitamins. Kailangan ko rin daw umiwas-iwas sa stress.
Sa ngayon ay hindi naman stressful ang mga araw ko dahil naka-indefinite leave na ako.
Kung ako nga lang ang masusunod ay ayokong mag-take ng leave.
Naaawa ako sa mga tao namin sa kompanya. Hindi rin kasi kakayanin ni Marco mag-isang i-manage ito lalo pa't pagkadami-dami na ng projects.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang sitwasyon. Dapat magkatulong kami ni Marco na maayos ang mga problema sa opisina.
Pero ayoko rin namang isakripisyo ang kaligtasan ng anak ko.
Ginawa ko na lamang ang maitutulong ko sa abot ng aking makakaya. Kahit nasa bahay ako ay tumatawag ako kay Luis. Doon man lang ay masiguro kong maayos ang mga trabaho nila. Pinapadala ko naman ang mga dapat kong pirmahang papeles kay Marco.
Pagkababa ko ng tawag kay Luis ay agad nag-register ang tawag ni Edward. Sinagot ko naman agad ito.
"Love? Sino kausap mo? I've been calling you several times pero busy tone."
"Ahm. Kausap ko si Luis. May pinapa-check lang ako sa kanya, love."
"What?! You're still working? Di ba binilin ni Sean na hindi ka dapat nai-stress? Love naman, baka mapaano ang baby natin."
"Hindi naman stressful iyon, love. Tsine-check ko lang sila. Gusto ko lang naman kasi makatulong kahit papaano. Hindi mo maiaalis sa akin na hindi mag-alala lalo pa't maraming projects ngayon."
"Love, let me tell you this.... I won't let you risk yours and our baby's life with that. Magalit ka na sa akin pero I will ask you to leave that company for good."
"Love naman walang ganyanan. Alam mo namang part owner ako ng kompanya. Malaki ang responsibilidad ko doon. Okay, fine! I'll refrain from doing those things until masiguro kong stable na ang health ni baby. But don't ask me to leave the company."
"Bakit ba? Ano bang meron doon? Hindi mo naman na kailangang magtrabaho. I can provide you with everything you need."
Medyo nainis na ako sa takbo ng pag-uusap namin.
"Hindi mo ako naiintindihan, Edward. Bago pa man naging tayo ay parte na ako ng kompanyang yun. Ginusto kong maging parte dahil malaki ang utang na loob ko sa family ni Marco. They are my family, too. They've been with me during my worst times. Sila ang tanging sumalba sa akin, sa amin ni Mama."
"May, please. We're already married. We should be planning and doing things for our family's future."
"So you're thinking na hindi ako nag-iisip ng para sa future natin?"
"Hindi sa ganoon. Sana naman ay pakingan mo ko. You're just wasting your time working there. If you want, I can build an architectural business for you to manage. At least magiging family business natin iyon. Just let go of Marco's company."
"Huh? Papaalisin mo ko doon at gagawan mo ako ng sarili kong kompanya? It's NOT Marco's company in the first place. It's our company."
"Maiintindihan nila kung aalis ka."
"You're not understanding me, Edward. Ako ang may gusto na pumasok sa company na iyon..... Hay ewan ko saiyo. Dapat pala hindi muna tayo pala nagpakasal. We're not really ready to go into this kind of situation. Ang daming gusto mong mangyari na hindi pwede. Ang dami nating hindi pagkakasunduan."
"May, I'm just thinking about our future."
"And you think I'm not?"
"Okay, love. We'll discuss this some other time. Nai-stress ka na....."
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
Fiksi PenggemarAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)