***Edward's POV***
Nakikita kong madalas ng sumama si May kay Lizzy kapag may laro kami ng basketball. Syempre, ka-team ko kasi si Marco... I'm seeing her happy with my buddy. Napapansin kong medyo blooming din ito. Pero wala namang nababangit sa akin si Marco na nililigawan niya na ito formally... Sabagay, wala naman akong pakialam sa kanila... Kung masaya sila eh di masaya sila.
Natapos ang laro at nanalo kami versus the grade 11. Dapat lang kasi mas senior na kami kaysa kanila. Sila naman ang magmamana ng trono namin after graduation... Dalawang buwan na nga lang pala at graduation na...
Ambilis ng panahon... I don't have plans yet as of now at hindi ko pa din natatanong si sweetie about it...
Sinenyasan ako ni coach na magpaiwan kaya sumenyas din ako kay sweetie na mauna na siya...
"Bro, I'll go ahead... Magpi-fishball pa kmi ni May. Gusto mo sumama?"
"No bro, tawag ako ni coach eh... Mag-iingat ka sa pagkain ng mga streetfoods..."
"Di mo pa kasi natikman kaya ganyan ka... Sige na una na ako.."
Napansin kong may tila bagay na naiwan sa inupuan nila sweetie. Pinuntahan ko ito bago ako nagdecide na pumunta kay coach..
Hmmnn kanino kaya ito? Tila isa itong sketchpad pero may napakaliit na susian sa gilid. Nakalock ito at di ko makita ang loob. Tila pamilyar sa akin ito... Tama! Eto lagi ang dala-dala ni payatot...
Kinausap ko si coach pagkatapos. Umuwi na rin ako bitbit ang sketchpad ni May. I thought of handing it over to her the next day....
***May's POV***
Pauwi na ako ng mapansin kong parang may kulang sa akin...
Shettt! Nawawala ang sketch pad ko.. Kinabahan ako bigla... Napaka-importante ng bagay na iyon sa akin... Hindi iyon pwedeng mawala.
Halos naiiyak akong bumalik ng gymnasium kahit mag-gagabi na pero nanlumo ako ng makitang sarado na ito... Diyos ko mahahanap ko pa kaya iyon? Ang dami pa namang nanood kanina sa gym...
Ni hindi ako nakakain ng pangabi sa pag-aalala.
Kinabukasan maaga akong pumasok at pinuntahan ang gymanasium pero di ko na ito nakita. Nakailang ikot ako sa loob noon pero wala talaga. Nagtanong na din ako sa janitor pero wala daw siyang napansin na ganoong bagay. Kakalinis niya lang daw ng loob ng gym.
Tulala akong bumalik sa klase. Kulang talaga ang araw ko kapag wala sa tabi ko ang sketch pad na yun. Pero mas nag-aalala ako sa mga laman noon. Halos 60 porsyento ng mga drawings ko doon ay imahe ni Edward... Pano na lang pag may naka-diskubre nito... Madali lang naman sirain ang napakaliit na lock nito sa may gilid.
Umuwi ako ng bahay ng malungkot... Pero lalo pa akong nalungkot ng makita ang itsura ng nanay ko... Nasa sala ito at umiiyak...
Dali-dali ko itong nilapitan...
"Ma? Ano pong nangyari... Bakit kayo umiiyak? Si Papa?"
"Anak... iniwan na tayo ng papa mo... Sumama na siya sa ibang babae..." at nagpalahaw na ito ng iyak.
"Huh?! Paano nangyari yun Ma? Nag-away ba kayo?" naiiyak na rin ako...
"Anak, matagal ko ng napapansin ang panlalamig sa akin ng tatay mo. Naghinala ako sa kanya tapos ayun.... nahuli ko nga siya at ng babae niya.. Taga-munisipyo din... kinausap ko siya... Ni hindi ko siya inaway... Pero mas pinili niya pa rin ang babaeng iyon, nak..." iyak ng iyak si Mama at napaiyak na rin ako ng tuluyan.
Paano na kami ni Mama? Akala ko perpekto na ang pagsasama nila pero hindi pala... Bumitaw din sila sa isa't-isa... Gaanon ba kahirap ang umibig?
Magdamag akong umiyak. Bakit ganoon si papa? Hindi pa ba sapat ang pag-aalagang pinakita ni mama dito? Bakit nakuha niyang magloko. Nakaramdam ako ng galit sa tatay ko... Iniwan niya si mamang mag-isang kakayod para sa amin...
***Edward's POV***
Hinanap ko si sweetie pero di ko ito makita sa room niya. Baka kasama na naman ito ni May... Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon?
Naalala kong ibabalik ko nga pala dito ang sketchpad nito kaso nakalimutan ko sa bahay noong isang araw pa... Hayaan ko na nga lang... Di naman ata ito importante sa kanya... Ni hindi nga nag-attempt na magtanong at maghanap..
Nakita ko nga ang dalawa na magka-usap... Nasa likuran nila ako at di nila ako napansin... Pero dinig na dinig ko ang sinasabi ni May kay sweetie.
"Bes, di na ako naniniwala sa pag-ibig... Kahit gaano pa pala kayo katagal... Maghihiwalay din kayo... Bibitawan niyo rin ang isa't-isa...."
What! Anong ginagawa niya? She's poisoning my girlfriend's mind? Ano bang pakulo ng babaeng ito?
Nakakagigil... No way na mangyari yun sa amin ni sweetie. Hindi kami maghihiwalay at hindi namin bibitawan ang isa't-isa...
Sa galit ko ay tumalikod na lang ako at mag-isang kumain sa canteen. I think May is crossing someone's line. Hindi na maganda ang pakikipagkaibigan nito kay sweetie...
Simula ng araw na iyon ay pasimple kong iniiwas si sweetie sa kaibigan niya... Mahirap na...
Isang gabi ay nasa kwarto ako at nagda-dial ng number ni sweetie...... Nakaupo ako sa study table at napansin ko ang sketchpad na hindi ko pa nai-sasauli. Wala na rin akong balak na isauli ito sa kanya. Nakaramdam ako ng inis at galit kay May.... Lalo pa nang hindi sinagot ni sweetie ang tawag ko..
Sa inis ko ay kinuha ko ang sketchpad at pinagmasdan ito... Naka-lock nga pala ito... Kumuha ako ng matigas na bagay at naisipan kong buksan iyon....
Inisa-isa ko bawat pahina... Ang gaganda ng mga gawa nito.... Napakahusay pala niyang mag-drawing......Akalain mo talented pala ang payatot na yun... Ngunit pagkabuklat ko ng ilan pang pahina ay nagulat ako sa tumambad sa akin....
Anong ibig sabihin nito???
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanficAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)