Chapter 45

2.1K 154 20
                                    

***May's POV***

Bumiyahe nga sina Marco pabalik ng Maynila. Medyo nakonsyensya ako kasi di ko sila matutulungan sa opisina. Nangako naman si Luis na tatawagan niya ako in case may magiging problema.

Gabi pagkatapos kumain ay naisipan namin ni Lau na pumunta ng garden... Ang ganda ng garden ng lola niya. Malawak ito na may iba't-ibang tanim na halaman at sa nilalakaran ay pawang bermuda grass... Kahit sa gabi ay kitang-kita ang kagandahan ng landscape nito dahil sa ilaw na nangagaling sa mga poste.

Naalala ko iyong chinese garden sa school namin noon.... Napaka-gaan ng loob ko pag nasa mga ganitong lugar ako... Parang ina-absorb nito ang lahat ng stress at negativities na nararamdaman ko...

May isang bakal na swinging bench sa garden. Pandalawahang tao ito. Dito kami umupo ni Lau at tumingala sa mga bituin sa langit..,

Bakit kaya pag sa probinsiya kita lahat halos ng bituin? Sa Maynila parang north star lang ata ang maaaninag mo sa gabi... Siguro dahil sa polusyon sa Maynila... Ah ewan...

"Dale! Look at the stars... They're smiling at us!"

"Oo nga... Ang ganda dito noh? Kita silang lahat... Ayun oh! Big Dipper! That's my favorite constellation.."

"By the way Dale, don't you really have any plans on coming back?" pag-iiba ni Lau ng usapan.

"Ha?! Ahmm... di ko pa alam Lau... dami ko pang dapat ayusin... gusto kong ayusin ang buhay ko..."

"Don't get me wrong... Is it still about my brother?"

"Hmmnn... Partly oo... Alam mo naman na ang pinagdaanan ko di ba?.. Pero medyo okay na nga ako ngayon... Unti-unti ko nang natatangap... Maybe time really heals.."

"So you have forgiven him?"

"Sorry Lau pero di ko pa alam eh... Honestly... di ko ma-sort out ang nararamdaman ko... madami... iba-iba... The hate is still there pero di na ganoon ka-intense. Nakita mo naman na I'm treating him casually na... Pero natatakot ako... You're my bestfriend that's why I'm telling you this..."

"You're afraid of...?"

"Sa nararamdaman ko..."

"Do you----" hindi na nito natapos ang tanong.

"Sissy, grandma is looking for you in her room..." biglang sulpot ni Edward.

"Ah alright! Dale, laters! I'll be back... Maybe you two should talk..."

Wala akong nagawa nang palitan niya sa upuan si Lau. Di agad ako nakakilos...

"Would you mind me sitting beside you?"

"Okay lang.., paalam ka pa.,, nakaupo ka na nga..." sarkastiko kong sagot.

Kailangan kong magtapang-tapangan? Kasi kung hindi baka bumigay ako... Baka bigla akong ipagkanulo ng nararamdaman ko...

"Sorry."

"Yan na lang ba ang alam mong sabihin?" bakit naiinis ako...

"What do you mean?"

"Wala..."

Pinili kong manahimik pagkatapos... Pilit kong nilalabanan ang pakiramdam  ko ngayong katabi ko ito... Tila may kuryenteng dumadaloy kapag nasasagi ng katawan niya ang braso ko...

Kampante naman itong umupo at tumingala sa langit.. medyo naalog ang swing kaya napasandal at napatingala na rin ako...

"The evening sky is so beautiful... But this moment with you is much beautiful. I'll treasure this for the rest of my life... " tila nangangarap na wika nito.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon