***May's POV***
Finally, nasa last year na ako ng senior high. Next school year ay college na ako. Wahhhh. Excited much! Di pa nga lang ako decided sa course na kukunin ko. Tinitimbang ko ang Architecture at Fine Arts. May kamahalan din kasi ito pareho....
As usual, si bes Lizzy at Edward pa din. Mag-iisang taon na din sila. Pilit ko man silang hindi pansinin pero na-oobserbahan ko ang nangyayari sa kanilang dalawa. Parang sobrang nahulog na ata si Edward kay Lizzy. Dati-dati ay hindi ito umaabsent or nali-late pero ngayong nagsisimula pa lang ang school year ay may magkasunod na
half-day at lates na ito.Hindi na rin siya attentive sa klase. Hindi katulad ng dati na nakikipagkompentensiya pa ito sa akin sa grades. Oo inspirado siya, halatang masaya pero nawala ang kanyang gana sa pag-aaral. Nalaman ko kay Marco na nag-cut ito ng klase upang sumama kay Lizzy na manood ng sine kasama ang mga kaklase nito. Gustuhin ko mang pagsabihan si bes pero nahihiya ako dahil baka sabihin niya na nangingialam ako sa relasyon nila.
Hindi mo rin naman kasi makikita kay Edward na nagsisisi siya sa ginagawa niya. Ang importante sa kanya ay kasama niya si Lizzy.
Tulad ng dati ay nasa section two pa din si Lizzy at mgkaklase at magkatabi pa rin kami ni Edward.
Sa di inaaasahang pagkakataon ay napalapit ang loob ko kay Marco bilang kaibigan. Ganoon din ito sa akin. Dati inakala kong isa itong spoiled brat pero hindi pala. Naghahanap lang pala ito ng atensiyon. At yun nga noong nagka-girlfriend ang bestfriend nitong si Edward ay naging tahimik na rin ito. Dati kasi kahit magka-klase kami ay hindi kami nagpapansinan. Ganoon talaga siguro ang ibang mayayaman, ayaw makihalubilo at ang mahihirap ding tulad ko ay nahihiyang makitungo sa kanila.
Naalala ko ang unang pagpansin nito sa akin. Ika-5 araw iyon ng pasukan ngayong school year.
"Ahm... may kasama ka ba? Pede ba akong maki-share ng seat?" tanong ko sa kanya dahil dito na lang sa may pwesto niya ang nag-iisang bakanteng upuan sa canteen ng mga oras na iyon. Panatag din akong hindi nito kasama si Edward dahil nag-absent nga ito kasama si Lizzete.
"Ah, sure May. Wala namang nakaupo diyan."
"Salamat."
Sa una ay awkward pero nang magtanong ito ng tungkol sa pagkakaibigan namin ni Lizzy ay nakagaaanan ko na siya ng loob. Akala niya rin daw ay suplada ako dahil lagi ko ngang binabara si Edward.
Simula noon ay lagi na rin itong sumasabay sa akin sa break time. Nakikita niya na rin na ako'y nag-i-sketch pero syempre hindi ko ipinapakita kapag ang subject ay ang bestfriend niya.... Hindi na yata mawawala sa sistema ko ang ginagawa kong paggu-guhit sa image nito.
Humanga siya sa aking kakayahan. Gusto niya rin daw mag-drawing pero hindi siya pinapagpala ng ganoong talento. Sabi ko matututunan niya naman iyon kapag ginusto niya.
Isang beses na naglalakad kami ni Marco sa aisle galing sa chinese garden nang tawagin siya ni Edward.
"Bro, laro tayo mamaya." yaya nito kay Marco pero nakatingin ito sa akin. Di yata ito makapaniwala na naging kaibigan ko na ang bestfriend niya.
"Wait, may pupuntahan kasi si May maya at nagpapasama siya, bro."
"Oh come on bro! Kailan ka pa tumangi sa basketball? Tsaka iyan, sasamahan mo? Malaki na iyan, hindi na yan mawawala." sabay sinamaan niya ako ng tingin.
"Sorry talaga bro, nag-promise na kasi ako sa kanya..."
"No, okay lang ako Marco. Ako na lang mag-isa bibili ng mga kailangan sa project natin..... Sige mauna na ako." pagpapa-alam ko sa kanila.
"You're unbelievable, bro! Si payatot sasamahan mo? Yung totoo, may gusto ka sa kanya? Eww!" hindi niya ata alam na hindi pa ako nakakalayo kaya't sapol na sapol ako nang sinabi niya iyon...
***Edward's POV***
"Bro, mabait si May. Yung project natin sa English ang pinagkaka-abalahan niya. You're supposed to be a part of it. Pero ano, may nai-contribute ka na ba?" he's defending her.
"Hayys. Let her do it alone. That's the price she pays for always being on top.... Nagpapa-epal na sa mga teachers eh." Di ko rin alam bakit ko ito nasabi.
"Bro, wag kang ganyan ha. Alam mong hindi totoo iyan. Simula first year kaklase na natin siya and she's doing her best to get the top spot. She deserves it bro, hindi siya basta nagpapapansin lang sa mga teachers.... She's doing it 'coz she needs it."
"So pinagtatangol mo na si payatot? Eh di magsama kayo!"
"Bro, naman eh... 'Bat ka ba ganyan ngayon? May problema ba?"
"Wala...... Nagkatampuhan lang kami kanina ni sweetie..." Yeah this is the real reason.
"Yun! Kaya naman pala!"
"Bro, I got a bit jealous of her male friend. He's getting too close to her. Whenever I go to their room, I always caught them together having an intimate conversation. I don't know bro, but that's how I feel."
"Alam mo, napa-paranoid ka lang. Sa sobrang attachment mo diyan kay Lizette akala mo lahat ng tao aagawin siya sa iyo... Hinay-hinay naman, bro... Baka matulad ka doon sa isang estudyante dito na na 'loco de amor'..."
"I keep on understanding her reasons... almost each day... Pero parang iba talaga eh..."
"Sino ba kasing classmate niya ang tinutukoy mo?"
"Si Paul Eric. Yung matangkad din sa section nila..."
"Ohhh!"
"Bakit, bro? Do you know him?"
"Wala naman siguro.... Pero ang alam ko kasi iyon yung ex-boyfriend niyang sinundan dito. Remember kakatransfer lang ni Lizette last year? Si Paul Eric naman ay noong grade 8 pa iyon nandito at ang balita nga ay sinundan siya ni Lizette..."
"Bakit hindi ko alam iyan?"
"Nagtanong ka ba?"
"Aba, malay ko ba.."
"Yun! kala ko naman updated ka sa lahat ng tungkol sa kanya... Kinulang ka pa rin pala ng impormasyon... But heeeyyyy.... hindi ko kinu-confirm yung sinabi mo kanina ha.... I cannot judge her by that.... Kausapin mo na lang si Lizzete ng maayos about diyan..."
"Shit bro.... I don't know anymore..."
"Ano ka ba! Lahat ng problema may solusyon... That's what all you have to do... Ang hirap talaga may girfriend.. Tss! Buti pa friends lang masaya, wala problema... I'm happy being with May..."
I'm not exactly sure kung nagpaparinig ba ito sa akin dahil naiwan ko na siya simula ng maging kami ni Lizette.
"Nice to hear that, bro... Pero ingat ka doon kay payatot ha... Baka ma-fall ka..."
"We'll let's see. Ang sarap niya kayang kasama. Simula grade 7, bro.... ngayon lang ako nagkaroon ng girl friend... I mean friend na girl... at masaya din pala.. lalo na kapag katulad ni May na super simple... Nakakain ka na ba ng fish ball sa labas? Kwek kwek? Naku bro! Promise... you'll love it. Tinuruan ako kumain ng mga iyon ni May..."
"Enough of her.... lika na... laro na lang tayo... Gusto ko lang i-release to..."
"Tss!"
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)