***May's POV***
Napapadalas ang white roses na natatangap ko... Pero hangang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala ang nagpapadala nito...
"In a sea of people, my eyes always search for you..." ang sabi sa maliit na card na nakakabit dito.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kilig sa tuwing masisilayan ko ang mga rosas na ito sa mesa ko... I feel inspired everyday...
"Hmmmnn. Mukhang bigatin ang karibal ko na iyan ah.." si Luis, nakita niya yatang nakatutok ako sa mga bulaklak...
"Di ko nga alam kung kanino galing ito..."
"Architect, pwede ba kitang imbitahan sa isang party? Birthday kasi ng bestfriend ko... gusto ko sanang ipakilala kita sa kanya..."
"Kailan ba iyan? Sa weekend kasi punta ako kila Marco, may gagawin kami ni Tita..."
"Sunday naman iyon.... mga 7pm... sunduin na lang kita sainyo.."
"Sige... ititext kita kung wala akong gagawin sa Linggo.."
"Salamat..."
Naging magaan ang mga araw ko. Nakikipag-usap na rin ulit sa akin si Lizzy tungkol sa relasyon nila ni Marco... Sinabi ko rin sa kanya kung ano ang opinyon ko dito at naiintindihan niya naman daw ako... Ayoko lang kasing masaktan si Marco sa huli.
---
Dumating ang weekend. Sabado nasa bahay ako nina Marco para maka-bonding si Tita. May bagong cake recipe na naman itong gustong subukan.
Napag-usapan din namin si Lizzy. Sinabi ko sa kanyang medyo okay naman sa tingin ko ang nagiging takbo ng relasyon ng dalawa. Sinabi ko ito para mapanatag ang loob ni Tita. Obvious kasi na ayaw nito kay Lizzy.
"Mabait naman po si Lizzy Tita. Sa tingin ko naman ay hindi niya lolokohin si Marco.."
"Sana nga May... ang daling mahulog ng loob ni Marco sa isang iyon... Sana walang mangyaring conflict sa kanila ng dating asawa ng babaeng iyon..."
"Sa tingin ko wala naman po Tita... Di ko na rin po nababalitaan ang tungkol kay Paul... Magkakakilala naman po kami ng mga iyon noon... Di ko nga lang akalain na mangyayari ang mga ito..."
"Eh ikaw May, kumusta naman? Balita ko andami mo raw manliligaw. Buti hindi ka na binabakuran ng anak ko... may iba na kasing binabakuran.."
"Si Tita talaga... Opo may mga nanliligaw na rin po... May isa nga po akong mystery suitor, ayaw pa magpakilala. Araw-araw akong may white roses sa opisina..."
"Buti naman kung ganoon... Nasa tamang edad ka na rin. Bakit kasi hindi ka na lang sa anak ko na-inlove..."
"Tita, mahal ko po si Marco... alam ninyo iyan... pero bilang bestfriend at kapatid. Ayaw ninyo po ba akong maging anak?"
"Anak na nga ang turing ko saiyo di ba? Naiintindihan ko naman May... Di talaga natuturuan ang puso... Hayaan mo darating din ang tamang lalaki para saiyo..."
"Sana nga po Tita..."
---
Dumating ang Linggo... Sa bahay lang ako naglagi. Si Mama ay nasa tindahan niya pa rin...
Maya-maya ay tumawag si Luis.
Nakalimutan ko niyayaya pala ako nito sa isang party... Pagbigyan ko kaya? First time kong pupunta ng party na lalaki ang kasama ko... Si Lau lang ang tanging nakapagyaya sa akin sa party noong nasa Amerika pa ako... Pero mukhang harmless naman si Luis.
"May, ano sama ka ba?"
"Formal ba iyon?"
"Di naman gaano, you can wear your comfy outfit..."
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)