Chapter 12

2K 125 10
                                    

***May's POV***

Pinilit ko pa ring pumasok pagkatapos ng nangyari. Kailangan kong magpakatatag kung gusto ko pang mabuhay... May nanay pa kasi akong umaasa sa akin..

Inisip kong pagsubok lamang ang mga nangyari na dapat kong malagpasan...

Pagpasok ko ng room namin ay nakita kong bakante ang upuan ni Edward. Agad na bumalik ang poot na nararamdaman ko para sa kanya...

Ayoko ng umiyak.. Pagod na ako.... Patutunayan ko sa kanya na hindi niya ako kayang masira ng tuluyan tulad ng nais niya... Katawan lang ang nasira niya... Hindi ang pagkatao ko... Ayokong makita niya akong kawawa. I won't give him that benefit. Wala akong kasalanan sa kanya... Siya ang nagkasala sa akin...

"May! Are you, okay?" nagulat ako ng nasa tabi ko na pala si Marco.

"Oo naman... bakit?" pilit kong ngumiti sa harap niya.

"Wala ka bang tulog? Magpahinga ka naman, May! Wag puro aral... Sayo naman naka-reserve ang top1... Walang makaka-agaw saiyo niyan.." sabay tawa nito.

"Grabe ka naman... 'Kaw nag-review ka na? Bukas na ang finals.."

"Syempre... Oh eto, sandwich ulit..."

"Naku si Tita.."

"Hep hep! Ako gumawa niyan... Hindi si Mommy... Gagawa sana siya kaso naunahan ko siya... Hehehe.. Sana magustuhan mo..."

"Nag-abala ka pa talaga... Pero salamat..."

Wala na kaming formal lessons kaya kanya-kanya na ng ginagawa ang mga kaklase ko. Kung pwedeng umuwi na lang ay ginawa ko na. Pinayagan kaming lumabas ng room kaya pumunta na lang ako sa chinese garden...Sumunod naman si Marco.

"May, ano pala ang plans mo?"

"Plans?"

"Plans. After graduation... Saan ka ba mag-aaral ng college?"

"Hindi ko pa alam... Baka nga hindi pa ako makapag-college... Pero pipilitin ko... Bahala na..."

"Bakit?"

Sasabihin ko ba sa kanya ang mga pinagdadaanan ko... Somehow nakita kong makaka-gaan ito kahit papaano ng pakiramdam ko..

"Ahm Marco... kasi... may problema ako sa bahay... "

"Huh?! Bakit di mo sinasabi sa akin?"

"Ayoko namang problemahin mo ang problema ko Marco..."

"May, we're friends... Handa kitang tulungan sa abot ng aking makakaya.."

Tuluyan ng nalaglag ang luha ko. Paisa-isa kong ikinwento sa kanya ang nangyari kila papa at mama at ang kasalukuyang kondisyon nito pati na ang pamumrublema ko sa pagka-college...

Ngunit di ko magawang ikwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Edward.

Niyakap niya ako at hinaplos haplos sa likod... Gumaan naman ang aking pakiramdam pagkatapos...

"Salamat sa pakikinig, Marco." at pilit ko ng ngumiti sa kanya...

"Mamaya ihahatid kita sainyo. Gusto kong makita ang lagay ng mama mo May.... baka may maitulong ako, kami... Psychologist si Mommy... May, don't get me wrong ha... baka alam lang ni Mama ang gagawin sa mama mo.."

"Salamat Marco..."

"Lika na nga... Ngumiti ka na diyan... Nawawala ganda mo pag umiiyak ka... hahahaha...joke lang!"

Bumalik na kami ng room at hinintay na lang ang uwian. Sumabay nga sa akin pauwi si Marco... Dala din nito ang sariling sasakyan.

"Pasensiya ka na sa bahay namin, Marco... Hindi ito kasing-ganda ng bahay ninyo..."

"Ano ka ba May.. Asan pala si Tita?"

"Baka nasa kwarto niya... Saglit at titignan ko..."

Pumunta ako sa kwarto ni Mama at nakita ko siyang nakaupo lang sa kama. Humalik ako dito at niyaya ko siyang lumabas. Sumunod naman ito at umupo sa sala.

"Mama, si Marco po pala..."

Tinignan naman ito ni Mama at nginitian... pero pagkatapos noon ay tahimik na ulit ito..

Pati si Marco ay natahimik... Pinagmasdan niya ang nanay ko ng ilang saglit at saka nagsalita...

"May, okay lang ba na papuntahin ko dito si Mommy sa Sabado?"

"Sa tingin mo kailangan talaga ni Mama?" naiiyak na ako..

"Malakas ang kutob ko May... Don't worry malalaman natin yan kay Mommy.. Sa ngayon magpahinga ka na muna... Lagi mo lang siyang kakausapin May para hindi niya ma-feel na nag-iisa siya.."

"Salamat talaga Marco..."

"Wala iyon, May. Sige mauna na ako.... See you na lang sa school. Wag mo na masyado isipin si Tita... "

At nagpaalam na din ito kay Mama.

Dumating ang final exam... Eto na lang ang hinihintay ko at medyo makakahinga na ako ng maluwag. Isinantabi ko na muna ang mga problema..

Natapos ang buong exam at saka ko lang napansin na hindi pa rin pumapasok si Edward... Guilty siguro... Dapat lang.. Walang kapatawaran ang ginawa niya...

Sabay ulit kaming umuwi ni Marco at binilhan niya pa ng pagkain si Mama. Natutuwa naman ako sa concern na pinapakita nito... Kung wala siguro ito ay ewan ko na lang... Si Lizette din ay di ko na napagkikita. Ni hindi na ito pumupunta sa room namin... Marahil totoo ngang naghiwalay na sila ni Edward... Dapat lang siguro kay Edward yun... Hindi siya marunong magmahal ng tama..

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon