Chapter 38

1.8K 125 11
                                    

***Kyla's POV***

Ang suplado naman nito ni boss. Pero in fairness gwapo pa rin siya. Isa siya sa mga naging crushes ko noon sa Green Valley. Bestfriend ito noon ni cuz Edward.

Ang swerte ni Architect sa kanya. Napaka-caring at protective. Simula noong high school nakikita ko na silang magkasama. Hangang college sila pa rin ang nakikita ko pag pumupunta ako kay bestie noon. Di nga makapanligaw si bestie Luis kay Architect dahil sa pambabakod nito.

Haayz sana magkaroon din ako ng boyfriend na katulad niya. Pero ang sabi ni bestie magbestfriends lang daw ang dalawa.... pero I doubt it.

"May kailangan ka?!" Bigla akong natauhan ng sitahin ako boss.

Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Nakakahiya.

"Ay wala po, boss. Iniisip ko lang po iyong mga schedules ninyo sa mga susunod na araw..." palusot ko.

"Hindi mo ko kailangang tignan habang inaayos ang schedules ko..."

"Sorry kung na-conscious po kayo sa akin..."

"Di ako na-conscious! Nakaka-irita lang..."

"Sorry po..."

Tss! Ano ba kasing ginagawa ko? Pangalawang araw ko pa lang dito mukhang masisibak na ako.

Pero hindi bale hindi na lang ako papa-apekto. Pasasaan ba't makukuha ko rin ang loob nito.

***May's POV***

Sumama sa bahay si Lau. Balak niya raw na sa akin makitulog. Di na rin ako tumangi dahil miss na miss ko na rin siya. Gusto niya nga rin daw makilala si Mama.

"Hi Ma! Si Lau nga po pala... Siya iyong naging bestfriend ko sa California..."

"Hi Tita!"

"Hello, iha! Buti naman napasyal ka."

"I just came yesterday, po. Sorry Tita, I don't speak Tagalog much but I can understand..." paliwanag nito kay Mama..

"Okay lang iyon... Ang ganda mo.., Teka parang may kamukha ka?"

Nagkatinginan kami ni Lau...

"Kamukha mo si.... si Edward! Tama parang lalaking version mo iyon."

Ha?! Teka, paano nakilala ni Mama si Edward?

"Do you know him Tita? He's my brother."

"Sabi ko na eh! Oo naman! Ilang beses na iyon nakapunta dito."

Ano raw?! Ba't hindi ko alam?

"Really, Ma? Nakapunta na si Edward dito?"

"Oo, ambait ng gwapong bata na iyon... Una noong nasa California ka pa... Kikitain ka nga daw niya doon para humingi ng tawad saiyo. Hiningi pa nga sa akin iyong address mo. Tapos nitong nakaraan lang... Noong nalasing ka at nawalan ng malay sa bar... Siya ang nag-uwi saiyo dito at nagdala sa kwarto..."

"Ma, ba't di ko alam iyon?!"

"Nagtanong ka ba?" Tss. Pilosopo din to si Mama minsan.

Nangingiti naman si Lau... Alam kong naiintindihan niya ang pinag-uusapan namin ni Mama.

Lakas ni Edward ah! Nakilala at nakausap niya na pala si Mama... Naunahan pa nito si Lau.

"Ba't hindi ninyo pala isinama iyon? Nami-miss ko na rin iyon..."

Ano daw? Namimiss ni Mama si Edward?

"Ah Tita, he's busy at the moment... Maybe some other time po..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lau... Isasama niya dito si Edward? No! Yes! I mean No! OMG!

"Kagwapo ng batang iyon... Friends din pala sila ni Marco..."

"Yes Tita... They're friends..."

Aba at mas updated pa si Mama...

"Tamang-tama pala nagluto ako ng sinigang... Kumakain ka ba noon, iha?"

"Yeah... opo. I learned it from Dale... I miss Filipino food na nga po..." ang laki ng ngiti ni Lau.

"Come on Lau... We'll change clothes first... Saglit lang Ma."

Nasa kwarto na kami ng magdaldal na naman ito...

"Your mom is so sweet! I like her!"

"Yeah..."

"Oh wait, I have to phone my bro!"

"Go ahead!" napairap ako pero di ko pinakita.

Napabuntong hininga na lang ako... Maya-maya magkausap na sila. Panay ang tingin sa akin ni Lau habang kausap niya sa kabilang linya si Edward...

"I'm not coming home tonight, brother! I'm staying with Dale.."

"Okay, brother. Don't worry about me! I love you... Goodnight!" paalam na sana nito....

"Wait! What... you'll fetch me here?"

Ano daw? Susunduin niya si Lau dito? Nooo..

Nasenyasan ko si Lau na wag siyang papasundo...

"Ahm, brother no need! We're going somewhere else tomorrow... I'll just go home there... No need to worry about me.. Bye!"

Nahalata ko ang frustration sa mukha ni Lau. Nabigla lang din naman ako sa reaction ko... Ewan ko ba... Natatakot akong ipakita ang nararamdaman ko kay Edward... Nahihiya ako...

"Sorry Lau..." Nilambing ko na lang ito..

"That's fine... I bet you need to file for a vacation leave... We're going to go on vacation!!!"

"Hahhaha. Oo magpapaalam ako bukas kay Marco..."

"Oh haven't met him yesterday... I forgot... He knows me, too."

"Really?"

"Yeah. You can ask him.."

"We'll that's good. I can have him join us for vacation... You know he needed it right now..." malungkot kong sabi..

"I know..."

Nagulat ako sa sagot niya..

"You know?!"

"Nope.. I mean... Everyone else needs vacation..."

Madaling araw na kami nakatulog dahil sa walang humpay na kwentuhan. Tumawag din si Troy at nangumusta. Bukas si Blake naman daw ang tatawag... Napaka-saya ko ng araw na ito..

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon