***May's POV***
Hindi ko pa rin makausap ng maayos si Mama sa bahay. Lagi pa rin itong nagkukulong lang sa kwarto. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Papa ay hindi pa rin bumabalik. Gustohin ko mang puntahan ito sa munisipyo ngunit magkapareho ang oras ng trabaho nila at school hours namin. Hindi ako pwedeng umabsent.
Pilit kong nagpapakatatag para sa amin ni Mama. Kagabi nga lang ay wala akong naabutang pagkain pagdating ko. Wala na ding laman ang ref. Hindi ko siya mahingian ng pera kaya napilitan akong bawasan ang ipon ko... Konti na lang iyon... Paano na kaya kami sa susunod... Ano ng gagawin ko?
Isinantabi ko muna ang mga alalahanin ko at nagsimulang magreview.
Finals na namin sa Byernes at graduation na next week. Kailangan masiguro ko ang aking spot sa honor roll. Kakailanganin ko ito sa enrollment sa college lalo pa't sa tingin ko ay mag-isa ko na lang pagsisikapan iyon.
Maaga akong gumising para asikasuhin ang almusal namin ni Mama. Lumabas naman ito ng kwarto pero tila tulala lang.
"Ma, graduation na po namin next week. Sa Friday din po ang finals namin.."
Wala akong nakuhang sagot sa kanya.
"Ma..."
Wala pa rin.
"Ma, please naman. Nandito pa po ako, oh. May anak pa kayo... Hayaan ninyo na iyon si Papa sa kabit niya. We don't deserve him. Please Mama... kailangan din kita... Hindi ko kaya mag-isa ito Ma..." at tuluyan na akong napaiyak. Lumaki akong dependent dahil nag-iisang anak lang ako... Pero ngayon kanino pa ako magdi-depend?
Kahit hilam sa luha ay nilapitan ko ito at niyakap. Lumuluha din siya pero hindi siya nagsasalita. Anong nangyayari kay Mama? Kailangan ko na bang humingi ng tulong? Ngunit wala akong kakilalang kamag-anak namin dito sa Maynila pwera ng isang pinsan niya... Pero malayo ang lugar nila...
Pumasok na ako ng school ng masiguro kong nakakain na siya.
Pagdating sa school ay lutang ako... Buti na lang at wala na masyado discussions. Yung final exam na lang sa Friday ang hinihintay ng lahat. Nawalan ako ng ganang makipag-usap kahit kanino.
Mas pinili kong mapag-isa sa chinese garden. Pag-tunog pa lang ng bell ay dali-dali akong lumabas ng room dahil alam kong kukulitin lang ako ni Marco... Wala akong gana... Nalulungkot ako sa nangyari sa pamilya ko... Bakit pinagdadaanan namin ang ganitong pagsubok.... Bigla kong naalala ang sketchpad ko... Nasaan na kaya iyon? Binalak kong bumili ng bago pero nanghihinayang ako sa pera... Lalo pa ngayon na kailangang-kailangan namin.
Parang lumipas lang ang maghapon ng di ko napansin. Sobrang occupied ang utak ko ng kung ano-ano.
***Edward's POV***
Mag-isa lang ako sa bahay ngayon. Mama left for Germany kaninang madaling araw. Balak niyang sunduin si ate at si Daddy para um-attend daw ng graduation ko next week. May aasikasuhin din daw siya doon bukod dito.
I decided na hindi na lang pumasok... Pinaki-alaman ko ang wine bar sa bahay... I tasted the different wines and liquors na available sa glass cabinet.
Gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ngayon lang ako niloko. Ang sakit sa pakiramdam lalo na yung nag-iisang taong minahal ko pa ang gumawa noon... Saan ba ako nagkulang para gawin niya iyon sa akin... Sumagi sa isip ko si May... Siya... siya ang dahilan ng lahat... Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito...
Naka-ilang bote na nga ba ako ng iba't ibang alak? Di ko na mabilang... Namamanhid na ang pakiramdam ko.
Namataan ko ang susi ng kotse sa di kalayuan... Buti iniwan ito ni Mommy.... A plan was then made in my mind...
Tignan natin Ms Entrata kung magiging masaya ka pa rin sa gagawin ko.....
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanficAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)