Chapter 34

1.9K 119 16
                                    

***May's POV***

"Ikaw ang lalaki sa bar?"

"Yeah.... The one you kissed?.... " at nagawa niya pang ngumiti ng nakakaloko...

Pakiramdam ko naipon lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang kahihiyan...

Dali-dali akong tumayo at iniwan siya. Di ko alam kung papaano ako nakarating sa opisina ko sa pinaghalo-halong kaba at kahihiyan.

"There you are!"

Nagulat ako kay Marco...

"May alis tayo... kailangan ko ng kausap... please..."

Tinignan ko ang itsura niya... animo pinagsakluban ng langit at lupa...

Ano ba ito? Di pa ako nakakarecover... tapos eto may problema pa si Marco...

"Okay ka lang? Anong nangyari sainyo ni Lizzy? Nagkausap na kayo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya..

"Kaw, anong nangyari sainyo ni Edward?"

Kinabahan ako sa tanong niya. Pati tono ay parang iba ang dating sakin... Guilty lang ba ako?

"A-lin ba?" mali pa ata ang sagot ko...

"Hinabol ka niya, di ba? What happen then?"

"Ahh... oo.. yeah.. nagkausap na kami..."

"Ba't mugto iyang mata mo? Sinaktan ka ba niya?" nakita kong kumulimlim ang mukha niya.

"Ahm... hindi... may konting drama lang... nagka-ungkatan lang ng mga tampuhan dati..Yun... napag-usapan lang."

Hindi ko alam kung bakit tila imbestigador tong si Marco kung makapagtanong. Alangan namang sabihin ko sa kanya na naghalikan kami pagkatapos ng dramahan...

"Are you sure you're fine?"

"Oo nga. Kaw nga itong inaalala ko... Kumusta yung kanina.,, nung nakita mo sina Lizzy at Edward na magkasama... nag-usap na pala kayo?"

"Yun na nga eh... Kaya gusto sana kitang makausap..."

---

Sa isang bar kami napadpad ni Marco... sinamahan ko lang siya... Wala akong balak uminom... baka masabi ko lang kasi sa kanya ang nangyari... Tsaka mas priority kong tulungan ang kaibigan ko... Kaya ko naman ihandle ang problema ko..

"May, sabi ko na eh! Di kasi ako nakinig saiyo... eto ako ngayon.., talunan!" habang umiinom siya ng alak. Hinayaan ko lang para mailabas naman niya ang bigat na nararamdaman niya.

"Ano nga kasing nangyari?"

"Wala ngang nangyari.., Di ko na siya kinausap... Pero nakita mo naman di ba? Magkasama na naman sila... Kinumpirma ng tao ko na si Edward nga iyong nakita niyang kasama ni Lizzy sa isang coffee shop..."

"Di kaya napaparanoid ka lang?"

"May? Teka lang! Kanino ka ba talaga kampi..? Ako na nga niloko di ba? Tayo sinaktan di ba?"

"Di ko naman sila kinakampihan Marco..., Ang akin lang, how sure are you na nagkabalikan sila? Sinabi ba ni Lizzy?.... Feeling ko lang ha... Wala ng amor sa kanya si Edward.."

Wow ang lakas ata ng confidence level ko?

"At paano mo naman nasabi?"

"Wala lang... Feeling ko lang..."

Papaano ko nga ba ipapaliwanag ang isang bagay na hindi rin ako sigurado?

Oo nararamdaman ko na partly totoo iyong sinabi ni Edward na he came back for me? To ask for my forgiveness.  Yes. Pero di ko rin sigurado kung parte lang iyon ng misyon niya dito... Malay ko rin kung gusto niya pang balikan si Lizzy after ng misyon niyang mapatawad ko siya....

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon