***May's POV***
Para akong nagising sa sobrang haba ng pagkakatulog.
Namataan ko si Marco sa sofa na natutulog malapit sa kama ko.
Bigla kong naalala ang tawag ni Edward. Hindi ko mapigilang mapaluha. Bakit hindi niya ako maintindihan? Bakit hindi niya ako binibigyan ng chance magpaliwanag?
Nasa ganoon akong ayos nang pumasok sa kwarto si Sean. Agad kong pinahid ang mga luha ko.
"May? Why are you crying?"
"Wala 'to. Ganito lang siguro pag buntis, emotional. Di ba?"
"May, 'wag ka na masyado mag-isip ng mga bagay-bagay. Nakakasama iyan sa baby mo. Naka-ilang tawag na pala ulit si Edward kaso tulog ka... Alam niya na na magiging daddy na siya at di siya magkamayaw sa tuwa, at the same time alalang-alala siya saiyo kanina. Muntik pa sila mag-away ni Marco. Tss! Ano ba kasi pinag-ugatan ng tampuhan ng dalawang iyon? Okay naman kami noon, eh."
Napangiti na lang ako sa isiping iyon. Oo nga pala hindi niya pa alam bago siya tumawag.
Parang nakikita ko na ang mga ngiti ni Edward. Sana makadagdag si baby sa pagbilis ng paggaling niya. Sana makauwi na siya.
"Salamat, Sean."
"Basta ikaw, May. Magiging magkumare na tayo. Syempre ninong na kami ng baby mo. Kaya ingatan mo iyan ha."
Ngumiti lang ako sa kanya. Mabait rin naman ito kahit noon pa.
"Sean, pa-abot naman ng phone ko please... Di ko pa rin pala natatawagan sila Mama."
"Wait.... here."
"Salamat."
Tinawagan ko si Mama.
"Hello, nak? Nasaan ka ba? Ilang araw ka na namang hindi umuuwi? Nag-aalala na naman Papa mo."
"Ma....."
"Bakit? May nangyari ba saiyo? Nak? Dale, sumagot ka..."
"Mama... magiging lolo at lola na kayo ni Papa..."
"Ano?! Totoo ba iyang sinasabi mo?"
"Mama naman eh. Mukha po ba akong nagbibiro?"
"O Diyosko! Matutuwa nito ang papa mo. Nasaan ka ba?"
"Nandito po ako sa isang clinic sa Marikina. Si Marco po ang nagbabantay sa akin."
"Sige at pupuntahan ka namin."
"Wag na po, Mama. Baka bukas po lalabas na rin ako. Dideretso na po ako diyan."
"O siya, sige. Mag-iingat kayo ng apo ko ha. Alam na ba iyan ni Edward?"
"Opo, Ma. Tumawag na po siya.."
"Naku, excited na ako. Malamang ang ganda-ganda o ang gwapo-gwapo niyang apo ko."
"Syempre naman, Mama."
"O siya sige. Magpahinga ka na muna. Basta pag may kailangan ka, tawag ka agad ha. Mag-ingat kayo."
"Sige po Ma."
Napapangiti na lang si Sean.
"Hayyz. Kailan ko rin kaya mabibigyan ng apo si Mommy?"
Nakatitig lang ito sa akin.
"Are you not married, yet?"
Ipinakita nito sa akin ang kanyang kamay. Wala nga siyang singsing katulad ng kay Edward.
"Pihikan ka siguro. Para kang si Marco."
"Hindi iyon. Yung mga babae kasing nagugustuhan namin, taken na."
"Naku, mag-move on na kayo. Maghanap na kayo ng iba. Malay mo nandiyan lang iyon sa tabi-tabi."
"Sana nga, May. Magdilang-anghel ka."
"Sa gwapo mong iyan, maraming magkakandarapa saiyo."
"Binola mo pa ako."
"Eh, totoo naman ah. Kahit iyang si Marco, gwapo din. Ewan ko ba sainyo."
"Kung alam mo lang..."
Biglang tumunog ang cellphone ko... Nagbi-video call si Edward.
"Sagutin mo na..."
Ngumiti naman ako kay Sean bago ko sinagot ang tawag.
"Hi, love. I'm sorry kanina."
"Okay lang iyon. Kasalanan ko din naman talaga."
"How are you and our baby?"
Napaluha ako. Hindi ko maintindihan. Magkahalong saya at lungkot. Pero mas masaya... Ewan ko ba.
"Love? What's that tears for?"
"Masaya lang ako. May baby na tayo.."
"Ako rin, love. I've been dreaming of this for a long time. Ngayon natupad na. I'm so happy."
"Kumusta ka naman diyan? Iyong sessions mo?"
"I talked to Dr. Strauss. Ilang sessions na lang naman din natitira. Pero pinayagan niya na akong umuwi. We can have it online naman pala eh. Like this, video call. Basta continue lang iyong medications. Sabi ko nga sana noon pa eh di na sana ako nag-stay dito ng one month.."
"Okay lang iyon... At least natulungan mo din Daddy mo sa business niyo kahit papaano."
"Yup. Iyon na nga lang din iniisip ko. So don't worry, I'll be there siguro after a week or two... May aasikasuhin pa rin naman ako dito... But! Maya't maya tatawag ako, okay?"
"I love you."
"I love you more, love. Mag-iingat kayo ni baby... Mamimili na ako dito ng ibang gamit... Alam na nina mommy, daddy at sissy. They're so happy. Malamang tatawagan ka noon, ingit iyon si ate. Naunahan ko siya."
Kita ko ang mga ngiti sa kanyang mga mata.
"Kaw talaga inasar mo pa si Lau."
"She's okay. She's more than happy na may pamangkin na siya."
"Miss ko na nga iyon."
"Sige, love. Rest ka na muna. Sino nga pala nagbabantay saiyo diyan?"
"Eh di si Marco, ayun tulog. Kawawa nga. Hindi na nakapagtrabaho. Si Sean din hindi na nakapunta sa hospital nila."
"Okay lang iyon, May!" sigaw naman ni Sean. Pinarinig pa talaga kay Edward.
"Bro! Remember what I said, keep your place!" sigaw na sagot naman sa kanya ni Edward.
"Ano ba iyon?" tanong ko sa kanya.
"Wala iyon, love. But I'm confident that my bros there will definitely take care of you. Kampante naman ako doon."
"Oo sobra silang maalaga. I thank them for that."
"Ganda mo kasi, love."
"Ano daw?"
"Wala... You're so beautiful lalo pa ngayong magiging mom ka na. I find you more beautiful."
"Hmmp. Baka pag nalosyang na ako, maghanap ka na ng iba."
"That will never happen, love."
"Sige na. Pahinga ka na rin diyan. I love you."
"I love you, more!"
Nawala na sa linya si Edward.
"Ang sweet naman."
"Ingit ka naman."
"Oo na, kayo na ang my lovelife. Hahaha. Just kidding!"
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)