Chapter 51

1.9K 132 24
                                    

***Marco's POV***

"Kyla, isasama nga pala kita sa Dumaguete next week. May malaking client akong imi-meet doon at sana makuha natin ang project. So please prepare."

"Okay po, boss."

"At makipa-review na din nito kay bestie mo... wala pa din kasi si May hangang ngayon... Siya naman ang itinoka ni May dito.."

"No prob, boss."

"Uhm, Kyla... nga pala.... baka pwede mo naman ako sabayan mag-lunch mamaya? Ilang araw na kasi akong mag-isang nagla-lunch. Nakakawalang-gana kasi.."

"Boss?"

"Ah okay lang kung hindi pwede... Si Luis nga pala kasabay mo..."

"Ay hindi po boss... I mean okay lang naman po... May mga kasabay din naman minsan si Bestie doon sa department nila.."

"Sure ka?"

"Opo... sabihan ko na rin po siya pagbigay ko nito..."

"Okay, salamat..."

Ngumiti naman siya ng matipid.  Dati medyo magaslaw at boyish itong kumilos noong unang mga araw nito sa opisina pero napapansin ko na medyo nagiging pino na ang mga kilos niya... Hindi na rin ito maingay katulad ng dati. Nagiging makulit lang ulit ito pag nakakasama na ang bestfriend niya.

"Boss, baba po muna ako... Pacheck ko na ito kay Bestie.."

"Sige.."

Palabas na siya ng pintuan ng may kumatok.

Binuksan naman agad ito ni Kyla at pareho kaming nagulat sa pumasok sa pintuan...

"Hi hon..."

"What are you doing here?"

"Yan ba ang tamang greeting sa girlfriend na matagal na hindi nakita?" sarkastikong ngiti nito.

"Kyla, come here..."

Pumunta naman si Kyla sa tabi ko as instructed.

Kinuha ko ang kamay nito na ikinagulat niya...

"Lizzy... meet my girl, Kyla.... Kyla, my ex.... si Lizzy."

Parehong hindi sila nakapagsalita agad...

"G-irlfriend mo yan?"

"Yeah. Why?"

"Hon.., if you're trying to push me away... di sa ganitong paraan please... I'm coming back for you.."

"Wala ka ng babalikan, Lizzy... We're done! Remember our deal?.... If we found the person we think we're gonna be with for the rest of our lives ay malaya tayong makikipagkalas hindi ba? And I found her..." sabay tingin ko kay Kyla na hindi na ata makahinga sa pagkagulat.

"What?! Siya?"

"Why not her?"

"Marco... pag-usapan natin ito please..."

"Matagal mong binalewala ang relasyon natin Lizzy... I tried to change everything... dahil akala ko mababago ko ang puso mo... Pero ano? Si Edward pa rin ang pinili mo... or si Paul? I don't know... pero alam ko at nararamdaman kong hindi ako iyon... I felt I was just used, you know... and I don't think I deserve it..."

"Marco please..."

"Makakaalis ka na. Tama na iyong pananakit ninyo sa amin ni May. We don't deserve any of those... May is happy now with Edward. Edward chose her... kaya wag mo na rin silang guguluhin..."

"What?! May and Edward?"

"Oo... sobrang mahal ni Cuz Edward si May, Lizzy... noon pa. He came back for her and NOT for anyone else." Nagulat ako sa biglaang pagsingit ni Kyla.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon