***Edward's POV***
I feel like I slept for days...
I still have the face towel on my forehead but I'm feeling fine now.
I see someone sleeping on a chair beside the couch where I'm lying.
Oh! I forgot that she's here! .. My poor May!
I noticed that the living room has been cleaned and everything is now in order.... She probably took care of the mess. Hayy, this girl!
Another thing I noticed is the shirt and the boxer shorts she's wearing... She might have changed a while ago in my room when she decided to clean?
I bet she got too tired cleaning up the whole unit and at the same time taking care of me...
I found her cellphone vibrating on top of the table and I can see that Tita Lorna is calling.... I don't wanna wake her up but I don't want Tita Lorna to worry for her either...
"Hello." I finally answered the call.
"Nak? Sino to?"
"Hi Tita... This is Edward po... Kasama ko po ngayon si May... Patawagin ko na lang po siya paggising niya. Don't worry about her Tita.... She's safe here po."
"Ano?! Kasama mo ang anak, ko?!"
"Yes Tita. No need to worry po... I won't do anything to her... I promise you that... She just came here a while ago and took care of me... I'm sick right now Tita... I don't know how she learned about it."
"Hay naku... Okay... sige. Basta patawagin mo siya paggising niya. Ingatan mo yang anak ko ha.... Edward."
"Sure thing, Tita. Thank you."
I also texted Kyla that May is still here in case she needs to call her.
May is still sleeping on the chair so I decided to bring her to my room. She deserves comfort.
I let her sleep in my bed.
How I love to see this woman sleep soundly beside me.... I'm looking forward to see this scene each day...
And hopefully her nightmare will vanish forever.
***Lorna's POV***
Hindi na nga nakauwi si May pero hindi pa rin ito nagtitext sa akin?
Sana lang tama ang sinabi ni Edward na nasa mabuti itong kalagayan. Pagkatapos kasi ng pag-amin niya ay parang nabawasan na ang tiwala ko sa kanya.
Naghahanda na akong pumunta sa tindahan nang tumunog ang doorbell. Imposibleng ang anak ko ito dahil may sarili naman itong susi... o kahit pa si Marco.
Lumabas ako para tignan kung sino ang nag-doorbell. Nagulat ako nang makilala ko ang isa sa kanila.
"Laura? Iha! Akala ko nasa US ka na?"
"Good morning!" bati sa akin ng medyo kasing-edad ko ding lalaki. Tingin ko tatay ito ng magkapatid. Mas kamukha ito ni Edward.
"Good morning din po. Pasok kayo."
Ngumiti naman sa akin ang sa tingin kong nanay ni Laura.
Pumasok kami at ipinakilala ako ni Laura sa kanila.
"Mom, Dad... this is Tita Lorna... Dale's mom.. Tita... our parents..."
"Hi Lorna... glad to meet you.,, I'm Kevin... and this is my wife, Cathy."
"Hello Lorna." magiliw na bati sa akin ni Cathy...
"Kumusta kayo? Saan pa kayo galing niyan?"
"Tita I came from US and they came from Germany. We just met at the airport.."
"Oh! Di ba kagagaling mo lang dito?"
"Yes... Tita.. But we have an emergency that we need to take care of.." at tumingin ito sa kanyang mga magulang.
"Uhmn... I think we better discuss this with you, Lorna... since Dale is---"
"Ah Lorna, mare... Kasi ganito... nasa alanganing sitwasyon ngayon ang mga bata... I mean... first of all gusto naming humingi ng tawad sa nangyari... and for telling you late... Actually wala pang isang taon nang nalaman namin iyong nangyari sa dalawa noon.. We let our son settle it alone that's why he came here... Kaso... alam ko naman kung gaano kasakit iyong nangyari lalo na sa parte ninyo...."
"So tungkol ito sa pag-amin ni Edward?"
"Oo Lorna. I know how Dale was hurt. That's why we pushed Edward to resolve it on his own. Pero gusto din sana naming malaman mo na Edward had suffered an axiety disorder dahil sa nangyari.... Sa sobrang guilt na umatake sa kanya noon.... Medyo nawala siya sa katinuan that's why we have him treated sa Germany habang nag-aaral... At iyon ang isa sa mga rason kaya kami napauwi ng biglaan... We're worried with our son that he might suffer the same thing again..." medyo naiiyak na kwento ni Cathy.
Hindi ko alam kung maaawa ako kay Edward pero parang dinurog din ang puso ko nang marinig ko ito mismo sa nanay niya... Napagdaanan ko ang napagdaanan ni Edward kaya naiintindihan ko sila... Hindi ko alam kung bakit napaluha din ako...
"Okay naman sana ang mga bata kung hindi lang sila dumaan sa ganito..."
"Totoo. Alam naming mahal na mahal ni Edward si Dale. Siya rin ang dahilan kung bakit agad siyang nakarecover doon. Therapy niya iyong mga drawings ni Dale na mukha niya... Medyo weird nga eh... kasi gamot din nila ang isa't-isa..."
"So anong plano ninyo?"
"Kaw muna ang tatanungin namin... Are you planning to file a case against our son? I would understand that... Pero sana..." napaiyak na nga si Cathy.
"Cathy... Kevin... Naturally ganoon ang una kong naramdaman nang ipagtapat sa akin ni Edward ang nangyari... Of course masakit.... anak ko iyon eh... Pero noong si May mismo ang nagpakita sa akin ng pagtangap sa nangyari lalo na noong nagkwento siya about nga doon sa dinanas ni Edward... Naawa naman ako sa kanya... dahil dumaan din ako sa pinagdaanan niya noong naghiwalay kami ng asawa ko. Somehow I understand him... Kaya if you're worried of that na ipapakulong ko siya.... You shouldn't... Okay na sa akin. Mapagpatawad ang anak ko... As long as masaya ang anak ko... Doon ako..."
"Salamat! Salamat Lorna!" nagulat ako ng yakapin ako ni Cathy...
"Thanks Tita!" at niyakap din ako ni Laura habang umiiyak...
"You know Tita... They have sacrificed too much for their lovelife... And I don't want them to have a sad ending... I know and I can attest that they both love each other so much... There's just a lot of things that come their way..."
"Ang inaalala namin ngayon ay baka bumalik ang sakit ni Edward pag na-depress na naman siya... Kaya gusto sana naming dalhin siya pabalik ng Germany."
"Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi na mangyayari yan... lalo na't magkasama naman ngayon ang dalawa..."
"What?!" halos sabay pa silang tatlo.
"Hindi umuwi ang anak ko kagabi. Si Edward lang ang nakausap ko... Tulog daw si May nang tumawag ako..."
Nagkatinginan ang tatlo at ang laki ng ngiti ni Laura...
"Oh! They might be staying in the condo, mom... dad!"
"I bet, yes."
"So.. mareng Lorna... sa tingin mo.. kailangan na ba nating pag-usapan ang kasal ng dalawa?"
"I already suggested that to Edward long time ago but he said, he will ask for her hand once she's completely ready to accept her..." si Kevin.
"Nasa tamang edad na rin ang mga bata. Hayaan na natin silang magdesisyon sa bagay na iyan, mareng Cathy..."
"I hope it will be very soon..." si Lau.
Napangiti na lang ako. Natutuwa naman akong malaman na boto ang mga ito sa anak ko...
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanficAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)