Chapter 75

2.5K 143 15
                                    

***May's POV***

Napakasaya ng mga araw na kasama ko ang asawa ko sa hotel na ito.

Sa ngayon ay nag-aabang kami ng bukang-liwayway sa tabing dagat. Nagpaalam ako sa kanyang magpipinta ako ng sunrise sa araw na ito. Nagpumilit pa rin siyang samahan ako kahit alam kong antok na antok pa siya.

Sa paborito naming bench kami naka-pwesto habang naghihintay na magpakita ang araw.

Ngunit dahil sa maaga pa nga lang ay nasa tabing dagat na kami, muling nakaidlip si Edward habang nakaunan sa aking mga binti. Hinayaan ko na lang siyang matulog.

Hindi na niya nakita ang unti-unting pag-angat ng araw... Nagsimula akong magpinta nang hindi niya namamalayan...

Naisipan kong ibahin ang subject... Dinagdagan ko ito ng imahe naming dalawa na nakapwesto sa bench tulad ng pwesto namin ngayon habang naghihintay ng bukang-liwayway. Nagawa kong tapusin ang painting nang hindi pa rin siya nagigising.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang aking bagong obra. Napaka-romantic. Naisipan kong gawing sorpresa ito para sa kanya.

Hmmnn. Tama... iriregalo ko 'to sa kanya sa Biyernes ng gabi habang nanonood kami ng fireworks display. Sweet!

"Love, mainit na... pasok na tayo..." pilit ko pa rin siyang ginigising. Malamig pa rin kasi ang hangin kahit may araw na kaya napasarap lalo ang tulog niya.

"Uhhhmmmn... love... Oh! There's the sun..."

"Yeah. Hindi ko na tinapos ang painting... Tinamad na ako... Lika na pasok na tayo..."

"Okay... Sorry love, ang sarap ng hangin kasi... I couldn't help but sleep..."

"Doon ka na matulog sa loob after natin magbreakfast."

"Okay..."

Napakiusapan ko si Pat na ipa-frame ang painting lingid sa kaalaman ni Edward.

---

Dumating ang Biyernes.... hindi na ako makapaghintay... Manonood kami ng paborito kong fireworks display mamaya.. at iri-regalo ko kay Edward ang ginawa kong painting.... Iyon lang ang tanging painting na magkasama kami, on one of our sweet moments together... sa paborito naming lugar... and syempre kasama na si baby kahit nasa sinapupunan pa lang siya... It is indeed a very special painting for me...

Hinihintay ko ang pagdating ni Patricia. Tulad kasi ng dati ay magha-hating gabi ang fireworks display gaganapin. Nasa resto bar na kami ng hotel habang naghihintay.

Pero kanina ko pa napapansin na hindi rin mapakali si Edward.

"Love, are you alright?"

"Yeah. Okay lang ako. Nabusog lang ako masyado."

Panay ang text nito at lingon sa paligid.

Medyo nabawasan ang excitement ko dahil sa ikinikilos niya.

Sino ba ang katext niya ng ganitong oras? At bakit parang may hinahanap siyang ibang tao?

"Love, saglit lang. CR lang ako. I'll be back in a bit."

"Huh?!.... Sige.... Okay."

Tuluyan ng nawala ang saya at excitement na kanina ko pang nararamdaman.

Maya't-maya ay tumawag naman sa akin si Pat.

"Dito na ako. Nandyan ba si Edward? Baka makita niya ito."

"Wala bilisan mo habang nasa CR pa siya."

Ilang saglit lang ay nasa tabi ko na si Pat bitbit ang painting na nakabalot. Nilagay ko muna ito sa ilalim ng mesa.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon