***May's POV***
Napapansin kong hindi na ganoon ka-sweet si Lizzy kay Edward pero sa kabila nito ay hindi nagbabago ang pagtingin ng huli. Lalo pa nga ata ito na-obsess sa kaibigan ko.
Minsan nag-confide sa akin si Lizzy...
"Bes... parang masaya ako na hindi na ...sa relasyon namin ni Edward. Oo sobrang caring niya, sobrang faithful niya, over-protective.... Ako ang sentro ng atensyon niya... Pero parang di na ako masaya... Parang nasasakal akong ewan... Mahal ko siya sa mahal pero minsan kasi parang sumusobra na siya sa lahat.... Ni ayaw niya ako makita na may katabing lalaki... Eh syempre mga kaibigan ko yung mga iyon bago pa man kami naging kami.... Basta bes... Di ko na alam iisipin ko....
Ni sa hinagap ay di ko inakalang makakaramdam ng ganoong feeling si Lizette. Kung tutuusin ay swerte niya na kay Edward. Pero di ko rin siya masisisi dahil napaka-possesive nga ni Edward. Sobrang clingy nito kay bes. Ni ayaw na nga humiwalay pag magkasama ang mga ito...
"Bes, mahal ka lang noon. Kaya ayaw ka niyang nakikita na may ibang kasama. Di naman siguro sa sinasakal ka niya or selfish act yun... ayaw ka lang niyang mapahamak... Ganoon talaga ang nagmamahal...." Di ko rin alam bakit ganoon ang lumabas na sagot sa bibig ko..
"Bakit May, nagmahal ka na rin ba?"
Di agad ako nakasagot sa tanong niya... Napipi ata ako. Kung alam lang nito kung ano ang sinasabi niya....
"Hindi mo lubusang masasabi May pag wala ka talaga sa mismong sitwasyon. Oo alam ko namang nakikita mo kung paano ako alagaan ni Edward... pero iba eh... parang wala na akong karapatan sa sarili ko... lam mo yun..."
"Hay, bes. Basta isipin mo mahal ka noon. Ang pagtuunan mo na lang ng pansin yung pag-aaral mo... Malapit na graduation oh. Ilang buwan na lang... San ka nga pala magka-college?" pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Di ko pa rin alam bes, ang sabi ni Daddy baka sa U.S. na ako mag-college. Gusto niya tulungan ko ang kapatid ko sa negosyo namin.... Yun pa ang isang problema ko kay Edward... di ko pa sa kanya nasasabi..."
"Naku hindi na pala tayo magkikita. Sad naman... Hay naku! Wag na natin munang isipin yun... Enjoy na lang natin ang natitirang mga buwan sa eskwelahang ito..." sabay ngiti ko sa kanya.
Ngayon lang uli kami nagkasama nito. Tumambay kami sa bleacher at pinanood ang soccer game nina Edward. Nandoon din kasi si Marco...
***Edward's POV***
I can see my sweetie and May cheering from a distance while we're playing soccer. We'll of course, si Marco ang tsini-cheer ni payatot.
In all fairness, Marco has changed a lot. He's now focused on his studies and of course on her 'friend' May. He seemed to be inspired everyday. Ni hindi na nga ito pumupunta sa bahay para maglaro kami ng video games. May got him already... 'tindi rin ni payatot...
We'll medyo okay na rin sa aking makitang nagiging close na ulit sina May at si sweetie. Kaysa makita kong ibang lalaki ang kasama at kausap nito... lalo na ang Paul Eric na yun... kahit pa nga kay payatot ay hindi pa rin ako kampante... call me selfish pero I don't like anyone to be hanging around with my girlfriend. Ewan ko ba... Maybe I'm just afraid of losing her... I love her that much...
Our relationship continued as time pass... Aaminin kong nagiging cold na minsan ang treatment sa akin ni Lizette but I make sure na ipakita pa rin sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin.... Wala akong ibang niligawan bukod sa kanya.... Never akong tumingin sa ibang babae so I'm expecting the same way from her...
Minsan napapansin ko mas napapadalas na ang pagsasama nito at ni May... minsan nagdadahilan na lang itong may importante silang pag-uusapan. I felt jealous... kahit babae pa si May. Kasi nakukuha niya ang atensyon ni Lizzy unlike me... More so with Marco.... hindi na rin ako nito napapansin....
Hindi kaya may lahi itong wicked witch si payatot at kinulam at ginayuma niya si sweetie ko at Marco... Tss!
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)