Chapter 37

1.8K 122 16
                                    

***May's POV***

Hindi na nga pumasok si Lizzy. Pero hindi ko rin kaya ang ang nakikita kong kalungkutan ni Marco...

"Lika na, lunch na tayo!" Inakyat ko pa ito sa 5th floor para ayain.

"Maya na lang ako May... Tapusin ko lang muna ito... Mauna ka na."

Hayzzz. Paano ba ang gagawin ko dito?

"Pede naman iyan mamaya hindi ba?"

"Marami pa akong gagawin mamaya kaya dapat matapos ko na ito.."

"Okay, wag ka ng lumabas... Iti-take out na lang kita ng pagkain mo... Sige una na ako... Sabay na lang ako kay Luis..."

Tinignan lang ako nito sabay yuko ulit at pinapagtuloy ang ginagawa. Marahil nagpapaka-busy nga ito para hindi niya maisip si Lizzy.,, Gawain ko na rin ito noon. Dinadaan sa trabaho ang mga problema... At least di niya sinisira ang buhay niya sa paglalasing... Pasasaan ba't malilimutan niya rin si Lizzy.

Pati ako ay nawalan na rin ng gana. Ang lakas maka-hawa ng kalungkutan ni Marco.

"Okay ka lang, May?" si Luis.

"Ha? Okay lang ako... Kain ka lang diyan.."

"Nagresign na pala iyong magandang sekretarya sa taas?"

"Ah, oo."

"So vacant pa iyong position na iyon ngayon?"

"Yup, bakit?"

"Si Kyla kasi... remember my bestfriend? Naghahanap siya ng trabaho ngayon.... Naging secretary na rin siya sa isang construction firm dati.."

"Ganoon ba? Sige pag-apply-in mo... Sasabihan ko si Marco..."

"Salamat May..."

"Ano ka ba okay lang iyon... Eh kung qualified naman talaga siya why not... Mabait naman si Kyla..."

"Oo pero makulit iyon... Sana lang makasundo niya si Engr."

"Makulit din naman si Marco... Malungkot nga lang iyon ngayon..."

"Sige papuntahin ko bukas si bestie."

***Edward's POV***

Laura and I are heading to our old house... Sinundo ko siya sa airport kanina lang...

"Brother, tell me what's happening now... You haven't updated me yet..."

"Are you not tired?"

"Bro, spill it out!" I just smiled as I see the anticipation in her face.

"She's still angry with me... I don't know... Marco as well... They are thinking that me and Lizzy are back together..."

"Why didn't you clarify with them..."

"I did with Marco... I haven't done it with her.."

"Geez! I wanna see her now. I wanna talk to her..."

"Hey relax... Everything might be ruined... Please sissy, let me take care of this, okay?"

"You're too slow, bro..."

"I should be..."

"Hay naku!" I was surprised by her expression...

"You know how to speak Tagalog ha?!"

"I learned it from Dale. I miss her so much!"

"By the way, do you want to go to granny's house? You'll meet some of our cousins there..."

"Ah yeah... Mom reminded me of that as well. I'll be there in the next two days... I want to see Dale first..."

"Alright!"

***May's POV***

"Architect, may mestiza pong naghahanap sainyo.."

Sino naman kaya iyon? Ang aga naman.... Baka isang kliyente...

Nandito ako ngayon sa loob ng opisina... Kararating ko lang din... Itinabi ko muna ang bouquet na nakapatong sa mesa ko... Mamaya ko na basahin ang nakasulat sa card nito...

Wala pa ding paltos ang pagpapadala ni Edward ng mga bulaklak. Inaamin kong nakakapagpagaan ito ng araw ko... Hindi ko na naiisip ang pinagdadaanan namin ni Marco..

"Sige Chery, papasukin mo..."

Pumasok nga ang bisitang sinasabi ni Chery. Halos hindi ako makahinga ng makilala ko siya..

"Dale!" sigaw nito.

"Lau! You're here!"

Hindi ko napigilang umiyak nang patakbo itong lumapit sakin para humalik at yumakap.

"Oh my God! I miss you so much!"

"I miss you too, Lau! How long have you been here?"

"I just came yesterday... Why do you need to hide, sistah? I was so lonely there..." pinupunasan niya ang kanyang mga luha.

Nangingiti na rin lang akong lumuluha. Napakasaya kong makita itong muli...

"I'm sorry Lau... I know you understand me.."

"Of course... I love you soooo much!" parang bata itong nangigigil sa akin...

"Love you too, Lau..."

"Can you fulfill your promise to me Dale?"

Iniisip ko kung ano iyon...

"You want me to meet your mom and your friends, right? And.... we'll go to the beach!"

"Hahaha... Of course!"

Nagkukulitan kami ni Lau nang biglang pumasok si Kyla, ang bagong secretary ni Marco na bestfriend ni Luis. Kaka-hire lang sa kanya kahapon.

"Excuse me Architect, may papa---" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng makita niya si Lau.

"Cuz?!"

"Kyla? It's you! OMG! You work here?" At nagyakap ang dalawa.

Diyatat magkakilala sila?

"Dale, Kyla is our cousin..."

"Oh!" Iyon lang ang nasabi ko... So pinsan din ni Edward si Kyla...

"Yeah... She's my boss, cuz!"

"I'll be there in granny's house tomorrow cuz... See you there..."

"Sure... I'll wait for you!"

Pinapirmahan sa akin ni Kyla ang papel at umakyat na ulit ito sa opisina ni Marco...

***Marco's POV***

"Boss, eto na po yung pinirmahan ni Architect... Hay sa wakas umuwi din ang pinsan ko!" tila kinakausap nito ang sarili niya.

Tinignan ko lang siya pagka-abot niya ng papel...

Madaldal itong na-hire ni May... Bestfriend daw ito ni Luis kaya kinuha ni May... In fairness, efficient siya... mabilis kumilos... Doble ang nagagawa niya sa mga nagagawa ni Lizzy... Hayyzz ba't naiisip ko na naman iyon... Hinilot ko ang sintido ko...

"Boss, do you want coffee?"

"Ahm.. marunong ka?"

"Syempre secretary ninyo po ako... dapat lang na marunong ako magtimpla ng kape ninyo... Black or with cream?"

"Ah black lang... Thanks."

"Lalalalala lalala..."

Kumakanta ito habang nagtitimpla ng kape... Hayyzzz... maingay! Pero di ko magawang sitahin, baka magsumbong ito kay May...

"Here's your coffee, boss! Do you need anything else?" sabay ngiti nito..

"Wala... sige bumalik ka na sa trabaho mo..."

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon