Chapter 76

3.6K 225 59
                                    

***May's POV***

September 24. Ito na ang araw na pinili ni Edward... Wala akong idea sa mangyayari. Sabi niya everything was all set.

Church wedding. Ang pinaka-aasam asam ng mga kababaihan... mararanasan ko na rin... Samu't saring kaba ang lumulukob sa pagkatao ko. Kala mo ngayon lang ako ikakasal. Iba pa rin pala ito... Mas intense ang feeling.

Sa Manila Cathedral daw ito gaganapin ilang oras mula ngayon. Nandirito pa rin ako ngayon sa aming bahay nina Mama habang inaayusan ng mga ni-hire ni Edward. Siya naman ay nasa lumang bahay din nila... Sila Mama at Papa ay naka-ready na. Nagtatanong ako ng mga mangyayari pero wala akong makuhang sagot... surprise nga daw... Pero halatang masayang-masaya sila para sa akin.

Hangang sa inilabas na nila ang trahe de boda...

Napakaganda! Alam kong isang designer gown ito base sa klase ng istilo ng pagkakagawa... pati ang tela nito ay alam kong mamahalin at hindi basta-basta.

Naluluha ako habang sinusuri ko ito...

"Ang ganda ma'am! Super bagay sayo iyan. Pang-modelo iyan eh. Nakita ko na po iyan sa isang fashion magazine ng New York. Ang swerte-swerte ninyo..." ang sabi ng make-up artist ko.

"Talaga? Oo nga mukhang designer gown nga ang isang ito..."

Hangang sa mai-suot ko na ang bridal gown.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. Perfect fit!

"Mukha kayong barbie ma'am... Bagay na bagay talaga sainyo. Ang ganda ganda ninyo po..."

"Salamat."

"Ang ganda ng anak natin, Pa!"

"Syempre mana sa akin iyan eh."

"Ah ganon?"

"Joke lang, Ma. Syempre mana rin saiyo... Anak natin iyan, eh! Pero ang ganda mo talaga, nak..."

"Salamat, Papa, Mama..."

"Nak, mauuna na kami ng Papa mo sa simbahan ha. In any minute darating na ang susundo saiyo... Mag-iingat ka ha..."

"Opo, Ma."

Niyakap nila ako bago sila umalis.

Ganito ba talaga ang pakiramdam? Sobrang saya pero naiihi ako sa kaba..

Maya-maya ay dumating na nga ang sundo ko...

Naks! Isang white limo ang bridal car na may mga bulaklak na palamuti.

Ano pa ba ang hindi kayang gawing sorpresa ni Edward?

Nakarating ako ng Manila Cathedral ng matiwasay. Nagulat ako sa disenyo ng ayos ng simbahan sa labas. Nagmukha itong flower garden sa dami ng bulaklak na nakalagay.

Namataan ko na si Pat at Kyla na papunta sa nakaparadang sinasakyan ko...

"Hi Architect! Ang ganda-ganda mo! Congratulations in advance... Lika na... Pasok na tayo sa loob... Hahaha... Ako nga pala ang made of honor ninyo ni cuz..."

"Kyla... ang ganda ganda mo rin! Kaw din Pat!"

"Syempre naman magpinsan tayo di ba? Lika na at naiinip na ng bonga ang iyong groom. Baka nagwawala na iyon sa loob..."

At inayos na nila ang pagpasok ko sa loob.

Nang biglang may yumakap sa akin...

"Hello there, beautiful!"

"Oh my God! Blake?! You're here!!!"

"O course! I wanna be with you on your special moment... You're so beautiful, Dale! I miss you! Edward is just so lucky."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon