Chapter 63

2.1K 135 24
                                    

***May's POV***

Sa wakas ay nakabalik na ako sa trabaho. Naawa ako kay Marco dahil ang daming pending na projects at siya lahat mag-isa ang humarap sa mga kliyente namin.

Minabuti kong bumawi at mago-overtime ako para matulungan siya. Tinutukan ko ang mga ginagawa ng mga empleyado namin lalo na sa dati kong department. Alam kong kayang-kaya na ni Luis yun pero I need to make sure na namo-monitor ko din sila. Si Marco naman ay pinipilit ding magpunta sa mga project sites para ma-ensure na matatapos namin ang mga pending projects sa mga itinakdang completion dates.

Sobrang busy kami at halos di na ako maka-pag take ng break. Isang beses na lang ako nag-break at dito ko lang napansin ang missed calls at text messages galing kay Edward. Ni hindi ko na rin pinansin ang bulaklak kanina pagpasok ko. Sinagot ko ang isa sa mga text messages nito at sinabi ko ang sitwasyon.

Bigla itong tumawag nang ma-receive siguro nito ang message ko.

"Love... how are you? Di ka ba nagugutom? Ano gusto mong food? Magpapadeliver na lang ako dyan. Mukhang di ka na makakalabas para kumain..."

"Hello love... oo nga sobrang dami ng kailangang asikasuhin... Okay lang ako wag kang mag-alala. Matatapos din namin ito. Ikaw, kumain ka na? Di ka pwede malipasan ng gutom ha... Yaan mo, mag-uutos na lang ako dito mamaya to buy me food. Easy ka lang diyan..."

Nagkakape lang ako sa pantry. Di pa din naman ako nakakaramdam ng gutom. Mas iniisip ko iyong mga kailangang tapusin.

"Sunduin kita mamaya, diyan..."

"Nope, no need love... Di ko kasi alam what time ako matatapos. I need to do over time. Mga ilang araw ako ganito para lang matapos yung mga pendings..."

"Text or call me once you're done later... Puntahan kita... Lapit lang naman ng ofis ninyo... Ipagpaalam na rin kita kay Tita na dito ka na matulog para malapit ka lang sa office mo... Mata-traffic ka pa sa daan on your way home... Umuulan pa naman..."

"Sige, itext kita mamaya. But I'm not sure kung papayag si Mama. Isang lingo din akong di nakauwi ng bahay nung naospital ka... Nagtatampo na iyon..."

"Basta ipagpapaalam kita..."

"Okay, kaw bahala love... Sige na at babalik na ako..."

"Sige, love. Wag ka masyadong magpapagod ha... and make sure na kumain ka please? I love you, love! Talk to you later.,,"

"Love you, too."

Bumalik na ako ng room ko at nagpatuloy sa trabaho.

Masaya ako at okay na kami ni Edward. Dangan nga lang at sobrang busy talaga kami ngayon lalo na ako. Alam ko naman na naiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Tinext ko na rin si Mama na dito na lng ako malapit sa ofis magpapalipas ng gabi. Ayaw ko rin kasi itong masyadong nag-aalala sa akin.

***Edward's POV***

I'm thinking too much na malalayo na naman ako kay May for my psycotherapy in Germany. Nalulungkot na agad ako wala pa man.

But it seems it's even worse now... She's too busy with her business... nadidito pa ako niyan... how much more kung umalis na ako.., will she bother to contact me? I know she loves me and I'd feel how she cared for me noong may sakit ako...

Tss! Mas maganda pa palang may sakit ako... nandyan siya palagi sa tabi ko...

Hayyzzz. Now that she's my girlfriend... I couldn't help not to demand for her presence... But at the same time ayoko namang masakal siya sa relasyon namin... Pero I just want to spend my everyday with her...

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon