***Edward's POV***
Three more days and we're going back to Germany... I feel like I'm going crazy thinking na malalayo ulit ako kay May... But I got no choice...
I need to execute my plan...
"Love... I need you to be with me tomorrow afternoon... Please don't go to work... I'm asking you just this time please...?"
"Bakit? Anong meron?"
"Basta... Secret lang muna..."
"Importante ba yan? Alam mo namang madami kaming trabaho... pero sige... agahan ko na lang pumasok para maisingit natin yan ng afternoon..."
"Thanks, love... Sunduin kita sa office mo bukas... Sa labas na din tayo mag-lunch..."
"Okay..."
"Love, ilang araw na lang aalis na ako... Di ko alam kung kailan ako babalik... Ngayon pa lang... I'm missing you na... Pwede bang dito ka na lang din muna mag-stay sa condo pag-alis ko? At least alam kong you're gonna be waiting for me... or alam kong may babalikan ako..."
"So gusto mo akong mamatay sa lungkot dito? Akala mo ba ikaw lang ang nalulungkot? Love naman... kailangan nating harapin ito, okay? Para din sa atin 'to... Tsaka para namang wala kang tiwala sa akin... Baka nga ako pa ang ipagpalit mo pagdating mo doon eh..."
"It's not gonna happen, okay? Ikaw lang, love... Never kitang ipagpapalit kahit kanino..."
"Then ganoon din ang isipin mo sa akin... Na hindi kita ipagpapalit kahit kanino... at kahit na magkalayo pa tayo ay walang magbabago."
"Okay... let's wait until tomorrow, then.."
"Ano ba kasi iyon?"
"Basta... Lika na, sleep na tayo... Maaga ka pa bukas di ba?"
***May's POV***
Maaga nga akong hinatid ni Edward sa opisina. Nagulat pa ang guard sa office. Pero okay na rin ito, madami akong magagawa kapag wala pang mga istorbo at nag-iingay.
Dumating ang oras ng actual na pasukan ng empleyado. Kasabay nito ang pag-abot sa akin ng isang bouquet ulit ng white roses ngunit may kasama na ito ngayong paper bag na may laman.
Ano na naman kaya ang pakulo na ito ni Edward?
Laman nito ay isang simple white dress at tinernuhan ng isang pares ng white heeled sandals.
'Morning my love... Be ready later. Please wear that dress for me. I love you so much.'-Edward
Napapailing na napapangiti na lang ako.
Maayos kong nagampanan ang trabaho ko. Maya-maya ay tinawagan ko ang opisina ni Marco para sana magpa-alam na magha-halfday ako pero nasa site pala ito dumiretso. Nagbilin na lang ako kay Kyla. Si Luis din ay pinagbilinan ko ng mga dapat gawin.
Magla-lunch time na nang naisipan kong mag-log out na at magbihis. Maya-maya pa ay tumawag na si Edward.
"Ready?"
"Opo. Pababa na po kamahalan."
"Good! Nandito na ako sa harap ng building."
"Okay, love. See you.."
Lumabas ng kotse si Edward at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Humalik ito sa pisngi ko at muli ring sumakay sa driver's seat.
Pagkasuot namin ng seatbealts ay hinawakan niya ang kamay ko.
Ba't ang lamig ng kamay nito?
Kumain muna kami sa isang Italian restaurant. Panay sweet nothings lang ang pinag-uusapan namin at hindi siya nag-oopen ng kahit na anong bagay.... Nakapagtataka.
BINABASA MO ANG
My May, My Enemy (Completed)
FanfictionAnother MayWard Story... 1st of the Barber Series Paano kung ang lihim mong minamahal ang siya palang sisira sa pagkatao mo... highest rank #1 MAYWARD tag #11 FANFICTION category-- 10/12/2018 (photo credit to @sometimesartist)