Chapter 2

2.2K 125 8
                                    

***May's POV***

Hindi ko maamin sa sarili ko na nagkakagusto na ako kay Edward dahil galit lang din ang ibinabalik ko sa kanya sa tuwing nagpipikunan kami.

Hangang sa isang araw...

Naglalakad ako papunta sa canteen nang madaanan ko sina Marco at Edward na tila may inaabangan sa room ng section 2.

"Bro, sinong sinisilip mo dyan?" ani Marco.

"What's the name again of that beautiful transferee? Yung nanalo pa lang na Ms Intramurals?"

"Aha! Inaabangan mo si Lizette! Kaw ha... Sabagay bro, tsiks talaga yun... Ang dami nating may crush sa kanya.. Ang ganda ng mukha at ang sexy pa.."

"Di ko naman siya crush... I just find her beautiful.."

"Di crush pero you find her beautiful... Galing mo din bro eh noh..."

"Ah basta. Tsaka wag ka maingay ha... Baka mamaya malaman niya na inaabangan ko siya dito..."

Eto ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ako ng kalungkutan ng pagkabigo. Crush niya pala si Lizette, ang magandang transferee na nasa kabilang section.

Nilagpasan ko sila at tumuloy ako sa canteen. Ngayon ako nakaramdam ng panlulumo. Humahanga na nga ako sa kanya kaya nasasaktan akong malaman na may nagugustuhan siyang iba.

Bumalik ako ng room ng mabigat ang loob. Ni hindi ko na masyado naintindihan ang idiniscuss ni Mrs Castillo. Hangang uwian ay dala-dala ko ang alalahaning iyon.

Kinabukasan ay ganoon ulit ang naabutan kong pwesto nila ni Marco sa may puno kagaya ng kahapon.

Lalo pang nasasaktan ang damdamin ko sa tuwing makikita kong napapangiti siya mag-isa sa upuan sa loob ng classroom. In love na ata ito kay Lizette. It's hurting me.

"Ms Entrata, are you listening?"

"Ay sorry po. Ano po yun, ma'am?"

"Kita mo, hindi ka talaga nakikinig. Lumilipad ata ang isip mo Ms Entrata? Baka gusto mong sundan sa labas?" kita ko ang galit ng teacher namin sa Math. Terror teacher pa naman ito.

"Sorry po ma'am..."

Ako nahuli ni ma'am pero yung mokong na mag-isang ngumingiti ay hindi niya napansin. Tss! Well ako lang din kasi siguro ang nakatutok sa kanya.

Pagkatapos ng klase kay Ms Ramos ay dumiretso ako sa chinese garden. Doon ko na lang ibubuhos ang nararamdaman ko. Bitbit ang sketchpad ay naghanap ako ng magandang pwesto na mau-upuan. Dali-dali akong pumwesto at iginuhit ko ang kanyang imahe, kakaiba nga lang ang sa ngayon dahil nakangiti ito na parang nangangarap... Nilagyan ko pa ito ng caption na "That Dreamy Smile..." Pero kumirot ang puso ko dahil alam kong hindi ako ang dahilan ng mga ngiting iyon.

***Edward's POV***

Lagi na akong tumatambay pag free time sa ilalim ng punong ito. Alam ko kasi na dadaan na naman si Ms Intrams. Gusto ko siyang makilala pero nahihiya ako... Baka mamaya ay may boyfriend na ito at mabugbog pa ako. Nako-kuntento na lang ako sa pagtanaw sa kanya.

"Napakatorpe mo naman, bro.. Ano uunahan na kita.." asar na naman ni Marco.

"Try it, brother and I'll kill you."

"Ay grabe! Papatay daw. Eh hindi nga makaporma.. Tss!"

"Just shut up... Ayan na siya..."

Dumaan nga siya sa harap namin and she smiled to me heavenly. Parang nakalutang sa alapaap ang pakiramdam ko... She's so beautiful like an angel... I managed to smile back pero agad akong yumuko...

"Hi!" I was totally shocked ng binati niya ako.

"Hello."

"I'm Lizette. I already know your name, Edward. Crush ka ng mga classmates kong girls and gays sa basketball. They always cheer for you."

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ayoko sana mag-assume pero kasama ba siya doon sa may mga crush sa akin?

"Thank you." yun lang ang tangi kong nasagot sa kanya.

"Nice meeting you, Edward. We'll go ahead. Bye Marco.." and she also knows Marco. Tinignan ko si bro ng masama.

"Bro, she's so friendly. Ikaw lang ang hindi. Naku mauunahan ka talaga ng mga lalaki dito sa school. Buti nga nagpakilala na sayo... Pagkakataon mo na... Oh baka naman gusto mo hintayin na siya ang manligaw sayo, bro.."

"Tss... you're crazy, man! Just watch... She'll be mine, in time.."

"Woahh, sige nga...!"

Napapangiti na lang ako kay Marco... Nabuhayan ako lalo ng loob. Lalo pa ngayon na nakipagkilala na siya sa akin. Hindi na ako mahihirapang lapitan siya. I got totally inspired the entire day.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon