○Chapter 8●

3.3K 153 10
                                    

Natsumi grabbed me to the different parts of Z.A. I am not touring him and in fact, siya itong nagttour sa sarili niya at hatak-hatak lang ako kung saan kami mapunta. I was the one giving him some informations about the places and the building na pinupuntahan namin. Hindi na ako nakipag-talo sa kanya simula nung kagatin niya yung tenga ko.

Bigla siyang huminto at tumingin sa akin ng naka-ngiti. Ugh. Gusto ko siyang saktan tsk. Masyado talagang nakakabulag ang mga ngiti niya. Para siyang isang crystal ball sa tuwing napipintahan ng ngiti ang kanyang mukha.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sa kalmadong boses na tila walang ginawang kalokohan kanina. Napa-talak ako bago tumango sa kanya at hinayaang hatakin ulit ako sa kung saan. Nang mapansin kong yung nilalakaran naming direksiyon ay papunta sa garden, pinatigil ko siya.

"Teka, sa kabilang way yung canteen. Akala ko pa naman matalas ang memorya mo." Dismayado kong sabi dahil sa maling way ang pupuntahan namin. Kanina kasi pinagmamayabang niya sa'kin na madali lang siyang maka-kabisado ng mga bagay-bagay kaya nga hindi ko siya pinakikielaman eh. Mag-aaway lang kami kung sakali. Bigla niya akong binatukan. Aba't! Nakakarami na'to ah! Tsk. Hinawakan ko yung parte na binatukan niya at hinimas iyon.

"Baka! We'll eat sa garden. May baon ako." Napa-buntong hininga nalang ako. Wala akong panama sa lalaking 'to. Only my harsh words can defeat him.

Habang naglalakad papunta sa paroroonan namin ay hindi maiwasang matutok ng mga old students ang atensiyon nila sa amin especially to me. I can see their glances na tila nag-tatakang may kasama ako. Well, simula ng lumipat ako dito nung highschool ay wala akong kaibigan. Hindi rin ako masyadong nakikihalubilo depende nalang kung required talaga. May mga kaibigan naman ako ang kaso wala sila dito sa Pilipinas at puro nasa ibang bansa. Tsk. Mga imported ang kaibigan ko.

"Here we are!" Sigaw niya at itinaas pa ang kamay na parang bata na tuwang-tuwa sa surprise. At dahil hawak niya ang kamay ko ay naitaas rin ito. Umiling nalang ako at naglakad sa isang lamesa na nasa lilim ng puno. Maaliwalas ang buong paligid, it is so calming. Good thing at kaming dalawa lang ang nandito. Mabilis naman siyang tumakbo pasunod sa akin at nag-lapag ng dalawang lunch box na hindi ko napansing dala niya. Kaya pala may kalakihan yung bagpack niya. Gulat akong napatingin sa kanya,

"S-sandali... kaya mong ubusin lahat yan?" Maang kong tanong at itinuro pa yung medyo may kalakihang lunch boxes sa harap naming dalawa. Umiling naman siya bago ngumiti. There he goes again.

"Nope! The one is for you! Your mom mentioned nung nag-uusap kami na hindi ka kumakain sa umaga." My mouth slightly formed an 'o' shape. Silently impressed na nag-effort pa siyamg alalahanin ako. Well, it is a first time.

He started to serve and pull out the tupper wares kaya tinulungan ko siya. I even pulled out my own water bottle na never kong nakakalimutan. Bawal kasi sa akin ang malamig na tubig na laging benta sa canteen and I don't like the taste of the water na binebenta dito sa school,

"Did your mom cooked this?" Tanong ko sa kanya, trying to start up some conversation. Umiling naman siya at mahinhing hinawi ang kahabaan niyang buhok, inipit niya ito sa likod ng kanyang tenga. Nang matapos siyang mag-ayos ay kita kong pinagpapawisan na siya. Tsk. Rich kid. I got my towel and throw it at him.

"Punasan mo nga yung pawis mo. Para ka ng naliligo." Sabi ko sa kanya at pinanood siyang punasan yung pawis niya. I suddenly felt the wind blowing causing for the trees to dance on their own. Gayundin ang mullet style na buhok ni Natsumi. Mullet hair style are usually for bad guys pero sa kanya, nag-mukha lang siya lalong babae.

Busy ako sa pag-titig sa kanya ng may kumalabit sa isip ko at na-realize kong masyado na akong nawiwili. I cleared my throat and sat straight back. Gutom na talaga ako. Kung ano-ano na itong pinag-gagagawa ko.

"Hindi pa ba tayo kakain? Ang tagal mong kumilos kahit kelan." Dinagdagan ko ng inis ang tono ng pananalita ko para maibaling yung atensiyon ko mula sa kanya kahit papaano.

"You're so demanding and whinny!" Nag-salubong ang kilay ko sa sinabi niya and before he fully seat, I raised my body 80° at inilapit ang mukha ko sa kanya. Letting only a little amount of air to pass. Rumehistrado ang gulat sa mukha niya,

"What? Me? Say it again." Tanong ko sa pinaka-seryosong paraan. Nakita ko kung paano siya lumunok. Diretso lang akong nakatingin sa light brown niyang mga mata. Trying to stop myself from glancing on his lips. Baka tuluyan akong mawala sa ulirat kung sakali. It looks so good and relaxing staring at him like this. Ang kinis ng mukha niya. Halatang alagang-alaga. Ano kayang turing sa kanya ng buong pamilya niya ano? I bet he's living a very peaceful life.

Ilang beses siyang kumurap-kurap ang mga mata as if analyzing the situation we are in. Triny niyang buksan ang maninipis niyang labi a multiple of times but no words ever came out. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-ngisi at mas lalong inilapit ang mukha ko para asarin siya. I felt my heart skipped pero hindi ko pinansin. Normal lang naman siguro iyon dahil sa kung ano-anong kababalaghan ang pinagga-gagawa ko. Maybe I'm just nervous. Maybe.

Isang galaw lang, paniguradong mag-sasalo ang aming mga labi. I don't know but that thought brought a bigger sly grin on my lips.

"Call me demanding and whinny once again. I'll make sure to show who's the real one." Tumawa ako ng mahina before nudging his nose with mine and I pulled back. Sumalamin sa kanyang mukha yung ekspresyon ko kanina nung kagatin niya yung tenga ko. I guess ito yung ganti ko sa kalokohan niya kanina. Hindi ko man alam ang ibig sabihin din ng sinabi ko but hell I care, I'll definitely show him in many ways.

Maayos na akong umupo at may ngiting hinablot yung pagkain na para sa akin. Hindi ko ma-explain at maintindihan pero kay Natsumi lang ako ganito, maybe I'm starting to treat him as a friend?? But maybe again, mas malalim pa kesa sa pagiging isang kaibigan ang nagiging tingin ko sa kanya. Hindi ko ma-explain. Naguguluhan ako! Umiling nalang ako at sinimulan ko nalang ang kumain and swear, it's so yummy!

"Hey, kumain ka na. By the way, who cooked this? Ang sarap." It is a bento, well for some of you na hindi alam ang bento. It is a type of meal na madalas sineserve pang breakfast and it is a very popular meal in Japan, similar ito sa American dish na omelette since parehas na may itlog at fried rice. Pero yung sa bento kasi, pwede mong lagyan ng other dish and most of all, pwede mong lagyan ng various shapes. Like yung kanin naka-hulmang ulo ng panda.

Nanginginig naman siyang tumalima sa sinabi ko. I mentally laughed. What a kid.

"I c-cooked... them." Nanlaki ang mga mata ko at kahit wala ng laman ang bibig ko ay hindi ko pa'rin mapigilan ang mabulunan. Mabuti nalang at maagap siya sa pag-abot ng tubig sa akin.

"N-nani? *cough*" naka-tanggap ako ng death glares sa tanong kong iyon.

"Why? Do you think hindi ako marunong? Tsk." Natawa ako and agreed. Inambangan niya ako ng hampas pero mas lalong lumakas ang tawak ko. I am just staring at him habang parehas kaming kumakain. Ibinaba ko ang kutsara ko at isinandal ang baba ko sa aking palad, matamang naka-titig sa kanya.

"Pwede na."

"What do you mean 'pwede na?'" He cutely frowned at hindi ko mapigilan ang muling pag-buhay ng ngisi sa aking mga labi.

"Pwede ng mag-asawa."

□■□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeyn

Ang harot nila. Hindi ko kinakaya hahaha.

So dedicated po ang chapter na ito kay king021 dahil sa pagbabasa at pagbibigay ng suporta sa storyang ito at sa isang nagsisimulang writer palabg ba gaya ko. Sana maipagpatuloy mo ang pagbabasa nito! Salamat po!~

Please read, vote, comment and support this story! Mwaps~

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon