○Chapter 34●

1.3K 58 29
                                    

"Ezekiel..."

Hindi ko maiwasang magulat at kumunot ang noo ng makita ko ang isang tao na ayaw ko ng makita kailanman. Naka-suot ito ng uniform nga mga estudyante na napili para maging marshall at mag-assist sa mga papasok at lalabas ng university, gayunrin na para mapanatili ang maayos na sistema ng Zircon.

Matagal-tagal ko na'rin siyang hindi nakita at naka-usap man lang. Bigla namang rumehistro sa'kin ang alaala kung saan sinampal niya si Natsumi. Nakagat ko na lamang ang ibabang parte ng aking labi. Matagal na'yon, at isa pa babae siya kaya't hindi ko na kailangang patulan pa siya.

"May problema ba?" Pagtatanong ko, bagama't hindi interesado ay ayaw ko namang maging bastos. May respeto pa'rin ako sa nanay ko at gayundin sa ibang babae.

"Pw...pwede ba kitang makausap?" Napa-irap nalang ako bumuntong hininga dahil sa narinig kong sinabi niya.

"Pwede naman. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo sa'kin ngayon." Dumekwatro at umusod ako ng kaunti upang mayroon siyang pwesto na mauupuan. Mahaba naman itong bench kaya kakasya naman siguro kaming tatlo nila Natsumi. Idagdag pa na sexy ang boyfriend ko. Sakto lang naman ang pangangatawan ko at ganun din naman si Melissa.

"G-gusto ko sana nung tayong dalawa lang?" Nagtataka akong napalingon sa kanya at susumbatan na sana siya dahil napaka-demanding niya eh siya na nga lang itong nanghihingi ng pabor ng dumating Natsumi.

"Zeke! I bought hottodoggu for youuu~" I looked at Natsumi na masayang naglakad papalapit sa akin pero mabilis ring nawala iyon ng maglakbay ang kanyang mata kay Melissa na kasalukuyan pa'ring nakatayo.

"M-melissa?" Pagtatanong ni Natsumi. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo. Handa ng umalis. May mga rides pa kaming hindi nasasakyan. At isa pa, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa presensiya ni Melissa.

"Natsumi, pwede ba kaming mag-usap ni Zeke? Kaunting oras lang naman ang hinihingi--"marahas ko siyang hinarap. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Ganyan na ba talaga ang mga babae sa panahon ngayon? Pilit na nag-hahabol at pinagmumukhang tanga ang mga sarili nila? Hindi na sila nahiya. Tapos kapag nasaktan at napahiya, inisisisi sa mga lalaki.

"Sinabi ko na kanina diba? Kung gusto mo akong makausap, sabihin mo na ngayon. Bakit kailangan pa na tayong dalawa lang?" I can feel the frustration and madness that running through my veins. This day was a full of shit. As long as I can, I am trying to save this day not just for me but also for Natsumi. It is Foundation day, and we should be celebrating and having fun not getting stressful.

"Natsumi, tara na--" hinawakan ni Natsumi ang braso ko at nanatili sa kanyang pwesto ng akayin ko siya papaalis. Nagtataka akong napatingin sa kanya. At ng magtama ang kanyang tingin ay alam ko na kaagad kung ano ang nais noyang iparating.

"Sige na. Mag-usap na kayo. Maghihintay na lang ako dito sa bench. And besides, baka this is the time for us to forget the misunderstanding sa ating tatlo." I just let out a heavy and long breath as I fix my hair with a frown. Tinignan ko si Melissa, at binalik ko kay Natsumi ang tingin at sumang-ayon ako. Siguro tama siya. Hinalikan ko muna ang kanyang labi at umalis na kami ni Melissa.

Melissa brought me to the nearest hallway. Dahil hindi naman kalayuan ang pwesto namin kay Natsumi, thoigh hindi ko siya makita, ay naririnig ang ingay. But we still can hear one another moderately.

"Spill." Panimula ko. I should've not waste some time. Pupuntahan pa namin si Marco sa gym mamaya para magbigay ng suporta sa upcoming pageant niya.

"I like you, no, I love you." Para akong tatakasan ng ulirat sa sinabi niya.

"Seriously?? Melissa, ganyan ka ba kadesperada? You disturb me just for that?" Nailagay ko ang aking kamay sa magkabilang gilid ng aking bewang. I saw the tears that started to flow out of her eyes and I almost feel bad when I saw that, almost. Napailing rin ako at tinalikuran na siya. I can't handle this.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon