○Chapter 50●

1.2K 38 3
                                    

Now Playing: Say Something (I'm giving up on you)

Third Person's POV

"Zeke, it's been months... hindi ka pa rin ba talaga gigising? Wala ka na bang balak gumising??" Usal ng binata at muli na naman nitong naramdaman ang pamumuo at pagdaloy ng luha niya mula sa kanyang maganda ngunit malulungkot at pagod na mga mata. Humilom na ang sugat ng binatang nakaratay sa pahingahan ngunit ang peklay at alaala ng masalimot na pagmamahal ay habang buhay na mananatili rito at paniguradong kailanman ay hindi malilimutan.

Pitong buwan na ang lumilipas na ang lumilipas at sa pitong buwan na iyon ay nanatiling tulog si Zeke magmula ng mangyari ang trahedyang talaga namang sinubok at sumusubok sa relasyon nilang dalawa. Ilang linggo ring nasa ospital si Natsumi noon peri mabilis siyang naka-recover dahil minor injuries lang naman ang nakuha niya at kinailangan lang niya ng pahinga. Hindi tulad ni Zeke na nag-mistulang human shield niya. Naikwento sa kanya na talagang bugbog sarado ang katawan ni Ezekiel at nasa dalawang bala ang tumama sa kanya.

Inangat ni Natsumi ang kanyang nanginginig na akamy para haplusin ang humoak na pisngi ni Zeke ngunit hindi niya magawa. Tila may pwersang pumipigil sa kanya.

It was guilt and pain that was tripping all over his system. But mostly, it was sympathy. Awa dahil Zeke do not deserve all of this. Siya ang dapat na nandito, nakahiga, naghihirap. Guilt dahil sa hinagap, hindi niya naisip na magiging ganito ang kahahantungan ng pagmamahalan na meron sila. Ni hindi man lang niya nagawang protektahan si Zeke. Napaka-hina niya. Noon pa man, tama na si Melissa. Hindi siya nararapat para kay Zeke. Zeke can do everything for him, whatever it takes but he can't do the same thing because he's weak, he's a coward and he's stupid.

Galit siya. Galit na galit sa taong rason kung bakit nagdudusa si Zekd, kung bakit oras-oras ay nakikipaglaban si Zeke para sa buhay niya. Galit siya sa taong gumawa nito na tinuring niya ng matalik na kaibigan. He never thought that Jairus could do this kind of evil thing. Masyadong nilamon ng galit ang puso ni Jairus. Naalala niya pa na sinabi sa kanya ni Jairus ang dahilan ng paggawa biya ng napaka-laking kasalanan, at iyon ay ang gusto niyang makapag higanti kay Zeke na para kay Natsumi ay walang kabuluhan.

Ano bang makukuha mo pag naghiganti ka? Will it satisfy you? Will it make you happy? Will you be happy after doing it? Ano? Bakit? Para saan?

Na gagawin niya kay Zeke ang ginawa ng mga taing nanakit at pumatay sa kapatid niya... si Jaira. Ang liit nga naman ng mundo ano? Maganda man o hindi ang mangyayari ay pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana.

"10th monthsary natin ngayon. Ni hindi man lang natin naranasang mag-celebrate ng monthsary. Namimiss ko na yung kahit walang mga flowers, may hugs and kisses. Kilala mo si Mang Ernie? Yung pinagbilhan ko ng fishball sa may kanto noon? Tapos yung mga tambay na humabol sa'tin? Wag kang mag-alala, kaibigan ko na sila! Pati na'rin sila Ash!" Masiglang kwento ni Natsumi habang inaasikaso ang kasintahan sa pamamagitan ng pagpupunas ng basang towel sa katawan nito.

"Lagi kitang naikwekwento sa kanila kaya kilala ka na nila. Gusto ka nga nilang makita ng personal eh! At alam mo ba, okay na sila Flame at Ash. Si Vlad... siya pa'rin naman si Vlad." Bumaba ang tono ng pananalita niya ng maalala ang kalagayan ni Vlad. Sa nakikita niya okay naman ito matapos mawala si Marco. Siguro okay kapag kausap sila pero kapag sumapit na ang madilim at malamig na gabi, hindi na.

Wala na si Marco.

Hindi na kinaya ng puso ni Marco at tuluyan ng nawala. Base sa naikwento nila Ashley sa kanya, noong araw na umalis si Vlad para sumama na mag-rescue sa amin ay ang araw rin na nawala si Marco. Yun din yung araw na dumating ang papa niya galing states. Kumbaga hinintay niya lang ang papa niya para tuluyang mawala sa mundo. Everything was a mess. It was like hitting a 2 birds with a one stone. Everyone was devastated, lalo na si Vlad. He was hard to talk that time.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon