Song of the Day:
Brisom - BalewalaNag-commute ako pabalik. Straight face at tahimik lang ako. Ni hindi ko nga ata narinig yung sarili ko nung namasahe ako at sinabi kung saan ako ibababa. Alam kong may maitim na aurang naka-paligid sa akin dahil sa mga tingin na ibinabato sa akin ng mga pasaherong kasabay ko dito sa loob ng jeep. Ilag silang lahat na para akong isang kriminal na handang sumigaw ng, 'holdap'to! Walang kikilos.' May ayaw at nanginginig pa nga kapag may nag-aabot ng bayad sa akin.
Hindi ko nalang pinansin dahil walang ibang laman ang utak ko kung hindi si Natsumi. Just the thought of him being held by someone makes my whole existency tremble in fear. Nakakatakot pala na malamang hindi ikaw yung para sa kanya kahit na itinutulak kayo ni tadhana para sa isa't-isa. How funny because it never cross my mind that I would be saying and thinking about these kind of cheesy words.
Kung hindi pa nga ako kinalabit nung driver ay malamang nalagpasan ko na iyong subdivision namin. Wala na akong panahon pa para batiin ang mga guard na nasa post na nakasanayan ko ng gawin at dire-diretso lang na naglakad. Ang bigat ng pakiramdam ko. Saktong pagka-pasok ko sa loob ng bahay ay napa-hikab ako. Nag-mano ako kay Mama na kasalukuyang nanonood ng teleserye.
"Ginabi ka ata. Kumain ka na," ani Mama sa akon pero tumanggi lang ako sa huling sinabi niya. Wala akong ganang kumain at gusto ko lang matulog. Muli akong humikab. "Sinamahan ko po kasi yung kaklase ko at nilibre akong kumain. Hindi na ako nakapag-text dahil wala na akong load." Pag-sisinungaling ko. Kita ko ang pag-kunkt ng noo niya. Ayaw niya kasi sa lahat ay iyong lumiliban kaming tatlong magkakapatid sa pag-kain. Akma pa sana siyang mag-sasalita ng mag-madali akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Once I got inside, napa-singhot ako at naamoy ang lavender scent ng kwarto ko na laging inisprayan ni Mama nung nabili niyang Home Perfume sa Quiapo nung nakaraang buwan. I plop my body on my bed and lazily crawled to have a comfortable position. Maka-higa akong nag-tanggal ng uniform. Lagi ko naman itong ginagawa sa tuwing tinatamad at inaantok na ako kaya hindi na ako nahirapan pa.
Pinipilit kong matulog pero sa tuwing pumipikit ako ay pagmumukha ni Natsumi ang bumabalandra sa utak ko. Ilang beses akong pumikit at dumilat, hinahanap ang tulog ko pero wala! Inis nalang akong napa-bangon at ginulo ang buhok ko. Why does Natsumi keeps on ruining me? Hindi pa ba sapat iyong kwestyunin ko ang kasarian ko dahil sa pagkakagusto sa kanya? I just bit my lip and heavily sigh before grabbing may phone. Bumalikwas pa nga ako dahil sa gulat nang bigla itong mag-ring. Rumehistrado ang numer at pangalan ni Natsumi sa screen ng phone ko.
Hindi ko alam kung bakit but there's a sudden surge of happiness in my heart. Just thinking na baka sakaling suyuin niya ako at pagbigyan siyang pawiin yung takot na meron ako, eh talagang nakakagaan na ng puso at loob. Hindi man ako yung tipo nang tao na nagpapa-habol, pero natutuwa akong gagawin niya iyon. Ang pag-habol sa akin. Sana.
Tinitigan ko pa iyon ng matagal. Nawala ang tawag pero bumalik rin kaagad. Ilang beses na ganon at hindi ko maiwasang matawa. Mangiyak-ngiyak na siguro ang pasaway na iyon. Umubo muna ako at inayos ang buhok ko kahit na boses lang naman ang maririnig. Tuluyan ko ng sinagot ang tawag, "Ezekiel!!" Naramdaman kong kumabog bigla ang puso ko at nanuyo na ang labi ko ng marinig ko ang tinig niya.
Napipilan ako. Gusto kong mag-salita pero ayokong sapawan ang tensyonado ngunit nakaka-relax na boses niya. Feeling ko ay naka-pout siya ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Nagpa-lipas ako ng ilang minuto at walang nagtatangkang mag-salita sa aming dalawa. Hinayaan ko lang siya, tutal siya naman itong tumawag at nag-aaksaya ng load.
"Bakit hindi ka nag-sasalita? Kanina pa ako tumatawag..." narinig ko ang pag-singhot niya. Napa-ismid ako. Ang babaw talaga ng luha niya kahit kelan. Hindi mo aakalaing anak siya ng isa sa matinik na Senador at apo ng dating emperor ng Japan eh.
"Mag-salita ka naman oh.." he pleaded with a sob but I didn't comply. I just want to hear him. Ibinagsak ko ang katawan ko at humiga. I felt sore at doon ko lang napansin na kanina pa pala ako naka-upo. "I hear you moving. Nasa kama ka na ba? Are you about to sleep?" I closed my eyes and just listen to his voice. Kumpara kanina ay hindi na lumitaw si Natsumi sa isip ko.
"Well, it's okay na matutulog ka na. Atleast before you sleep, it is my voice the last thing you'll gonna hear." I immediately opened my eyes wide. Parang may sumuntok sa dibdib ko dahilan para kapusin ako ng hininga. Bigla akong umubo at kinapa ang kaliwang dibdib ko na ngayon ay nagwawala na. Shit! Natsumi.. UGH.
"Natsumi, ano bang itinawag mo?" Usal ko. Finally I found my voice to speak. Mukha naman siyang nagulat dahil may naulinigan akong nalaglag.
"Ouch!!"
I mentally face palmed. Kahit kelan ang clumsy niya.
"Zeke! Buti namana ang nag-salita ka na. Akala ko kinain mo na yung dila mo." I sighed. Kaya minsan wag kayong mag-tataka kung kwekwestyunin ko ang nararamdaman ko sa kanya. -___-
"Natsumi." Diniinan ko ang pag-tawag sa pangalan niya and I heard a hasty movements from the othe line. "Are you still angry?" He asked then suddenly, the scenario from earlier made me clench my fist. Napa-higpit ang hawak ko sa telepono ko at naalala kung paano siya ngumiti at makipag-tawanan kay Jairis kanina.
"Sino naman ang hindi maiinis sa ginawa mo kanina? You let me wait for you for hours tapos ikaw naman andon nakikipag-lan---" dian. Mabilis kong itinikom ang bibig ko. I silently knock my head. Wala akong karapatang pag-salitaan siya ng ganon. Kung sakali man na magawa ko, I'll completely get out of his life and never show up again. Babae o mapa-lalaki man, kahit anong gender. Wala silang karapatan na makatanggap ng paninirang puri just because we are blinded by our own anger for them. Respeto pa'rin ang pairalin natin dahil pare-parehas naman tayong tao, may pagkakamali, may pagkaka-iba.
"So naiinis ka lang? Hindi ka galit?" Huminga ako ng malalim. "Of course I'm not." I heard him squealed becahse of maybe, happiness and I, myself can't help the smile that is starting to grow in my lips. My heart is beating again like an orchestra na tila kaaya-aya ang bawat tono. I just noticed na iba ang tibok niyo kapag masaya at galit ako. The tempo of the beats are different.
"Pwede ba akong pumunta diyan?" Tila nahihiya niyang sabi. Napa-hikab ako. "Ayoko." Pang-aasar ko sa kanya.
"Eh???" Rinig kong reaksiyon niya. Naramdaman ko na ang unti-unting pag-bagsak ng talukap ng mga mata ko. I was about to drift off but before that,
"Ikaw bahala."
I would love to see you when I woke up.
□■□■□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeynDedicated para kay ate NamiYaSwift to thank her sa pag-gawa nung book cover ko. Alam ko pong late dedication na kaya sorry po hekzhekz.
Pambawing update sa inyo mga kumare't kumpare. Nainis kasi ako sa last update dahil minadali ko siya para maipublish kaninang umaga dahil aalis na kami non. And while nasa byahe kami kanina, tinapos ko itong chapter 12. Andito na kami sa Vigan at sa kasamaang palad, umuulan at baka hindi pa kami makapasyal huhu. So anyways, salamat kay author neestruction_ sa pag-recommend nung kanta sa itaas, pakinggan niyo at panoorin na'rin yung official MV. Ang gandaaaaa!!!
Please read, vote, comment and support mga kumare!! Dahil sa suporta niyo, this story keeps on going and made me more inspired. Salamat po.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomanceSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...