Mabilis at nagmamadali kaong umalis sa lugar kung saan ko halos mapatay si Jairus. Nanginginig ang buo kong katawan kasabay ng pagkamanhid nito. Mabilis at mabigat ang bawat mga pag-hinga ko. Napa-hilamos na lamang ako sa aking mukha gamit ang kanay kong may bahid pa ng dugo marahil nanggaling sa ahas na si Jairus.
Hindi ko na kasi nakontrol yung sarili ko kanina. Tila may bumulag sa akin at tuluyan pinutol ang tali na pumipigil sa sarili ko na gumawa ng hindi maganda. Andaming tumatakbo sa isipan ko nung mga oras na'yon. Paano kung hindi na pala ako gusto ni Natsumi? Paano kung nag-bago ang isip niya at hindi na ako ang gusto niya? Aaminin ko marami akong pagkukulabg at pakiramdam ko ay hindi sapat yung effort ko para iparamdam sa kanya yung nararamdaman ko di tulad ni Jairus na showy at talagang malapit sa kanya. Hindi naman malabong magka-developan ang dalawa. Fuck!
"SHIT SHIT SHIT!!" Hindi ko mapigilan ang mapasabunot sa buhok ko. Halos mabanat ko na ang buo kong anit sa pagkakahigpit ng kapit ko rito. Para kasing dito na naka-depende yung sarili ko, yung tamang wisyo ko. Na para bang sa oras na bitawan ko'to baka matuluyan na akong mabaliw. Hindi. Baliw na ako. Iniisip ko pa lang na mawawala sa'kin si Natsumi ay talaga namang nakakapanginig laman.
"AAAAAHHHHHHH!!!!" Sigaw ko. Wala naman kasing mga tao dito sa pwesto ko. Hindi ko na makita ang pinanggalingan ko. Tanging ang walang dulong karagatan na lamang ang natatanaw ko at mga bato dito sa lugar kung saan ako dinala ng galit na nararamdaman ko. Muli akong sumigaw ng pagkalakas-lakas. Gusto kong malunod. Malunod sa alak, sa tubig alat at sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong mag-drama pero tangina lang. Ganito pala ang pakiramdam ng mga romance drama na napapanood ko sa mga teleserye.
Napa-upo na lamang ako. Mukhang hindi ko na ata maitutuloy ang plano kong dinner date sana namin ni Natsumi at opisyal kong paghingi ng kanyang kamay. Nasira lang lahat kasabay ng pagkasira ng puso at buong pagka-tao ko. Hindi ko alam kung anong pagkakamali ang nagawa ko o ako mismo yung mali eh.
Ni wala pa nga kaming nasisimulan eh. Plano ko pa nga lang gumawa ng hakbang para mapatotohanan na seryoso ako sa kanya.
Naihilamos ko na lamang ang nanginginig kong palad sa aking mukha na ngayon ay basa na ng pinaghalong luha at pawis. Ganito ba ang parusa ng Panginoon sa mga taong tulad ko na nag-mahal ng kaparehas na kasarian? O ito ba ang ganti sa lahat ng mga pagkakamaling ginawa ko? Ang maramdaman yung nararamdaman ni Jaira noong ipamukha ko sa kanya na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya? Hanggang kelan ba ako babangungutin ng nakaraan? Hanggang kelan ako magsisisi? Napapagod na'rin naman ako na sa bawat umagang sinasalubong ko, may nararamdaman pa'rin akong hinagpis, lungkot at pagsisisi.
"Jaira! Hanggang kelan mo ba ako balak pahirapan ng ganito?" Tanging pag-iyak ko na lamang at tinanaw ang kawalan, hinihiling na sana ay biglang lumitaw sa kung saan si Jaira at sagutin ang katanungan ko. Hindi ko naman nais na sumbatan siya dahil sa umpisa palang ay wala naman siyang kasalanan pero nadadala nalang rin siguro ako ng sakit na nararamdaman ko at naghahanap ng mapagbubuntungan nito. Ayoko ng ganito. Yung masikip ang dibdib ko at tila hirap dumaloy ang hangin sa sistema ko.
"ZEKE!!" Humahangos na lumapit sa akin si Natsumi. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
"Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka na doon! Gumawa ka lang naman ng malaking gulo! Pagagalitan ka ng Papa mo at posibleng masuspend ka kung hindi niyo ito mapag-uusapan ni Jairus kasama ang mga teachers ng maayos. Bakit mo naman kasi sinapak si Jairus?! Nananahimik yung tao!!!" Galit at mataas ang boses niyang turan sa akin. Mali pala ang akala ko. Hindi siya nag-aalala. Nabibigla pa akong tumingin sa kanya dahil ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. At dahil pa sa Jairus nayon.
Umigting ang panga ko. Mas nangibabaw ang sakit kesa galit. Knowing na mas kinakampihan ni Natsumi si Jairus ay talaga namang nakakalusaw ng buong pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomansaSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...