Cole Sprouse as Ezekiel Azyra Elizar (worried Zeke for y'all♡)
Ezekiel's POVMagkakasama na kami ngayong magbabarkada sa loob ng ICU. Hindi pa rin ganoon ka-stable ang lagay ni Marco. He's in a really critical condition na kung hindi maaagapan at matututukan ay maaaring tumapos sa kanyang buhay. Halos mag-iilang oras na'rin kami nila Flame na nandito at kasalukuyang inaantay si Vlad at Ash na bumalik. Umuwi muna kasi silang dalawa sa apartment na tinutuluyan ni Marco para kumuha ng mga gamit na maaaring magamit ni Marco sa pansamatala niyang pananatili dito sa ospital hangga't hindi pa maayos ang kalagayan niya.
Sa totoo lang ay hindi namin alam na magbabarkada ang gagawin. Pare-parehas kaming balisa. Flame and I tried to call Marco's parents pero laging nauuwi sa voice message. Hindi rin namin macontact ang iba nilang relatives dahil bukod sa hindi namin kilala yung iba, yung nag-iisang relative ni Marco na kumopkop sa kanya noon at nakatira dito sa Pilipinas ay pinagmalupitan siya noong bata siya.
I can't help but to also worry more when I can't contact Natsumi. I've been calling him. Simula kasi nung umalis siya, ni isang tawag o text ay wala akong narecieve mula sa kanya.
"Tol, ano? Kumalma ka. Masyado ka namang tensyonado." Natatawang sabi sa'kin ni Flame ng tapikin ako nito sa braso para kunin ang atensyon ko. Tinignan ko siya gayundin si Marco na payapang natutulog sa kama niya at pinasadahan ng tingin ang pag-hinga niya, stable naman kaya bumalik ang tingin ko sa teleponong hawak ko.
"Hindi pa kasi nagpaparamdam si Natsumi. Anong oras na oh? Alas-otso na! Kanina pang 6:30 yon naka-alis! Ni ha ni ho wala siyang sinasabi!! Hindi siya ganon! Bihira lang siya magtext pero magiinform yon!" Halos naghihisterikal kong sabi. Napakamot naman sa noo si Flame at inirapan ako.
"Sinabi ko na kasi sayo kanina na samahan mo siya eh! Yan tuloy ngayon nagwoworry ka!"
"Hindi ko naman alam na hindi pala siya magpaparamdam eh. Tangina tol! Kinakabahan ako baka kung ano ng nangyari sa boyfriend ko!" Pagkasabi ko non ay kasabay ng pagpihit ng seradura ng pintuan at pumasok si Ash na nagungunot ang noo habang may bitbit na isang sports bag at grocery. Nagtataka itong tumingin sa akin,
"Oh? Bakit parang gg ka? May nangyari ba?" Salubong ang kilay ni Ash, namamaga ang mata dahil sa walang sawa nitong pag-iyak.
"It's been a couple of hours and Natsumi's still not calling me yet. I'm worried as fuck. I've been contacting him for hours but none of my calls and texts were answered." Namromroblema kong sabi as I trailed my eyes once again to my phone.
"Bakit hindi mo itry na contact-in si Senador? O kaya si Tita Zy? You're worrying too much, Zeke." I just stared at Vlad when he suggested na tawagan ko ang tatay ni Natsumi. Ang huli ata naming pag-uusap ay yung araw na tumawag siya sa akin para ihabilin si Natsumi noong mga panahong may irraid sila. Napa-iwas ako ng tingin ng magsimulang tumawa si Flame, napapangisi naman si Ash at lumapit kay Marco.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomanceSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...