Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Halos panghinaan na'rin kasi ako ng buto. Ni ang ihakbang ata ang mga paa ko ay hirap na hirap na ako. I didn't mean to act like that. Hindi ko naman palanong saktan siya eh. Ang plano ko lang naman eh mananahimik nalang ako at kakalimutan ko nalang yung sinabi ni Melissa. Pero kasi ng makita ko siya parang nagbalik lahat. Reality just slapped me so hard. I realized everything na dapat kong marealize. Oo mahal ko si Zeke pero...
Hindi sapat ang pagmamahal ko lang. Maraming pangangailangan si Zeke na sa babae niya mismo makukuha. May pangangailangan yung magulang niya tulad ng manugang na babae, at higit s alahat mga apo. Imposible namang hindi gustong magka-apo nila Tita Zyra at Tito Kiel dahil kahit na masungit at seryoso ang mag-asawa ay siyempre! Magulang ang dalawang ito! At alam kong malaki ang inaasahan nila kay Zeke lalo na ang sundalong ama nito. Ano nalang ang mukhang ihaharap ni Zeke sa papa niya pag pinaalam nitong sa isang baklang tulad ko ito nagkagusto? Hindi ko lang sinira ang pagkatao nito, ang pangarap niya kundi ang relasyon na namamagitan sa kanilang mag-ama.
Gusto ko ang pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. At naramdaman ko iyon kay Zeke. Pinagdududahan ko man siya pero alam kong sincere siya. Pero hindi ko maatim na kapalit ng kaligayahan na meron ako ay may masasaktan, at siya pa sa higit ng tao na maaaring maapektuhan ng relasyon na meron kami kung sakali.
"Hiro???" Napa-tigil ako sa paglalakad ngunit nanatili akong naka-yuko at hapit-hapit ng kamao ko ang bandang dibdib ko dahil nakakaramdam ako ng pag-kirot dito. Naramdaman ko ang pag-lapit ni Jairus na siyang tumawag sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Bakit ka umiiyak?" Malambing ang kanyang boses pero walang nakakahumaling na sensasyon na tanging si Zeke lang ang kayabg magparamdam sa akin.
"Hindi ako umiiyak...." tanggi ko at mabilis na pinunasan ang mga luha ko pero nahinto ako ng saluhan niya ang aking palad gamit ng kanya. Gulat akong tumingin sa kanya.
"Si Elizar ba?" Hindi ako naka-hulma at tinitigan lamang siya. Bigla siyang ngumisi at hinawi ang mumunti kong buhok na humaharang sa aking mukha.
"Siya nga ang dahilan ng pag-luha mo. When I confessed to you, tinanggap ko ang pag-tanggi mo. I thought na real love means letting go but I promised to myself that once I saw you crying just because of that bastard, I will get you from him. He's dangerous, Hiro. That man is a rebel of the past, the reality, even love. Kapag meron siya ng pagmamahal na gaya mo, sisirain ka lang rin niya. Hiro, ako nalang. Hindi kita sasaktan." Nanginig ako sa mga sinasabi niya. Sinisiraan niya ba si Zeke? Nalilito man ngunit tinignan ko ang kanyabg mga mata. Nakita ko ang pinaghalong sakit, galit at pagmamahal. Hindi ko maintindihan. Tila kasi kilala niya na si Zeke noon pa at may matindi siyang pinaghuhugutan.
"Jairus..." marahan kong tawag dito bago yumuko at iiwas ang akibg tingin. Sa pangalawang pagkakataon irereject ko nanaman siya. Nakokonsensiya ako pero mas okay na yung ganito, yung malinaw.
"So-sorry.. pasensiya na talaga... ka-kapatid kasi ang turing ko sayo at hindi ko talaga kayang lumagpas pa doon..." tumawa siya ng malakas. Kinabahan man ako ngunit nanatili akong tahimik.
"Is that another rejection? Man! Zeke surely knows how to handle and manipulate people ariund him huh?" May halong amazement, inis at panunumbat ang kanyang sinabi na tulad ng ginawa ko ay pinanatili ko ang pagiging tahimik at bumulong na lamang na sorry.
"Can I hug you?" Naiangat ko ang aking ulo. Bilang pag-bawi at pampalubag loob ay pumayag ako sa kagustuhan niya. Mayroon aking sinserong ngiti na siya namang sumalamin sa kanyang mukha na nagpa-gwapo sa kanya.
Mainit sa kanyang bisig ngunit hindi ito sapat para maibsan ang sakit nanararamdaman ko sa mga ora sna ito. Para kasing kanta na on repeat yung mga sinabi sa akin ni Melissa kanina at gayundin ang itsura ni Zeke ng iwan ko siya kung saan kami nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Muli nanaman akong nag-sorry kay Jairus na tinawanan na lamang niya. Oo nga't may maliit kaming hindi pagkakaintindihan ni Zeke pero hindi ko naman kayang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya at ientertain itong si Jairus.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomansaSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...