Napuno man ng galak ang puso ko ng marinig ang mga I love you na ibinabato niya lamang para sa akin pero mabilis itong napalitan at rumehistrado ang pagtataka sa akin sa mga huling sinabi nito. Anong kinatatakutan niya? Ang sasabihin ba ng iba? Ang opinyon at magiging rwaksiyon ng ama ko sa relasyon na mamamagitan sa aming dalawa? Wala siyang dapat ikatakot dahil ako ang kasama niya. At anong hindi ko siya deserve? Nagpapatawa ba siya? I deserve no one but him. I don't want anyone but only him.
"Ano?" Tila nabibingi kong sagot sa kanya. Nagsimula siyang humikbi na siya namang ikinataranta ko. Namumula na ang mga mata nito marahil sa kakaiyak. At kung magpapatuloy pa ang pagiging emosyonal niya, baka tuluyan na siyang hindi makakita dahil sa pagiging singkit niya idagdag pa na mamamaga ang mga mata nito panigurado.
"You don't deserve someone like me. You see, I'm.. gay.. I can't give you a normal family. Can't even give you a... child.. especially apo's for Tito Kiel and Tita Zyra.." naka-yuko ang ulo nito at mabilis kong sinakop ang kanyang dalawang malulusog na pisngi para iangat at iharap sa akin. Pinunasan ko ang luha ni Natsumi bago ngumiti rito at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"Sshh... wag ka ng umiyak. At isa pa, anong hindi m oako kayang bigyan ng pamilya? You are, Natsumi. You are already a family for me. And anak? Maraming ways! We can adopt! For sure malaking tulong rin iyon kay Tita Aquila mo na mayroong foundation for orphan kids right? There are so many ways for us to be happy. Kaya please, stop thinking about those negative things including leaving me." May ngiti kong sabi rito. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya kaya masasabi kong kumalma na siya ng kaunti dahil nabawasan na ang panginginig nito. Malamig na'rin kasi ang simoy ng hangin dahil lumalalim na ang gabi at nandito pa kami sa tabi ng karagatan.
Tinanggal ko ang jacket na suot ko na binili pa sa akin ni Papa galing ng Davao noong mayroon itong trabaho doon kasama ang Presidente. Iniikot ko ito sa balikat ni Natsumi na mabilis na nabaling ang tingin sa akin. Akma pa sana siyang tatanggi ng umiling ako at binalot na siya nito.
"Go take it, nilalamig na ang baby ko. I will never let you get hurt by anyone okay? Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at ginawa mo iyon kanina? Is there something bothering you? Is there someone bothering you?" Pagtatanong ko. At sa huli ay nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata indikasyon na may naitanong akong related sa bumabagabag sa isip niya. Someone? Sino naman kaya iyong demonyo na umaaligid at dinudungisan ang kainosentehan ng future ko?
"H-ha..?? Uhm... nilalamig na---"
"Natsumi." Mariin kong tawag sa kanya. Kung nayroon mang mang-alipusta sa kanya, gusto kong siya ang magsasabi sa akin. Gusto kong oparating sa paraan na ito na malalapitan niya ako kapag may problema siya, na andito lang ako palagi para umalalay sa kanya.
"K-kasi... kinausap ako ni Melissa.. She told me, she likes you at gusto niya sanang magpatulong sa akin to have you but.. I confronted her hanggang sabi nasabi kong I like you and y-you like me... back.. She took it as a joke and..." nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at hinayaan ko nalang. Inilipat ko ang isa kong kamay sa likod niya at hinapit siya papalapit sa akin.
"And?" May tuwa sa aking dibdib knowing that he was able and brave enough to tell someone that he likes me.
"And that's when she told me that I am guy and there's no way in hell that you would fall for me..." hindi ko maiwasanv makaramdam ng galit kay Melissa. Ang akala ko kasi ay malinaw na ang relasyon na namamagitan sa aming dalawa at iyon ay ang hanggang pagkakaibigan lang ang meron kami at hindi na lalagpas pa doon. I never thought that she's this desperate to come to Natsumi and tell these kind of words to my baby.
"You know, before this mess happen. I prepared a dinner date for the both of us. I'm planning to be yours tonight and you, to be mine. Kaso, ayun nga. Nasira ang lahat." Malungkot at may halong panghihinayang kong sabi sa kanya. Hindi naman ako nasasayangan sa pera na pinanggastos ko kundi sa oras at sa pagkakataon na nasira dahil lang may mga taong pilit na sinisira kami. Humiwalay ako sa pagyayakapan namin at tinignan siyang nanlalaki ang mata. Hindi ko maiwasang matawa. He looks really cute. I just flashed an apoligectic smile. Maya-maya ay umatras ito mula da akin at bigla nalang lumuhod. Mukha tuloy siyang nagpropropose.
Magsasalita sana ako nung kinurot niya yung hita ko na nakapag-padaing sa akin kaya natawa siya. Sumenyas siyang manahimik ako kaya ganun nga ang ginawa ko.
"Worthy or not of your love, I know we are destined for one another. I know I am childish, not matured enough to enter this whole new kind relationship but I will make you happy the way you make me. Hindi ako papayag na maging rebelde tayo ng saradong pag-iisip ng lipunan na kinabibilangan natin just because we chose love. Ezekiel Azyra Elizar, will you be my boyfriend?"
□■□■□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeynFinish na ba? Finish na??? Dejk hahahahaha. Short upfate dahil rush lang itooo!! I am rushing the scenes and the update para matapos ko na siya dahil naglalaban-laban ang mga plots and ideas for the next possible stories na ppwede kong ipublish huhu.
Please share, comment, vote and continue to support Ezekiel and Natsumi's story!! Lovelots~
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomanceSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...