○Chapter 29●

1.5K 60 3
                                    

Natsumi's POV

We are all just staring at one another nung umalis si Marco at Vlad. Mas tumindi ata ang tensiyon at awkwardness sa aming apat kahit na hindi naman kami yung nagka-problema. Hindi ko maiwasang mapa-nguso and toy with the hem of my uniform dahil hindi ako sanay na ganito kaheavy ang atmosphere ng grupo. Sanay kasi ako na kumpleto kami, maingay at naghaharutan lahat hindi yung para silang hindi magkakakilala kasi hindi nagpapansinan at nagaaway pa. After all ay si Marco pa yung parang pinaka-apektado. Siya kasi itong tinuturing namin na happy pill talaga.

"Didn't you notice na may problema si Marco?" Nabasag ang katahimikan ng magsalta si Flame. Walang emosyon ang kanyang mukha at tila nanlalamig ang kanyang pagkatao na taliwas sa kanyang pangalan. Para pa atang mas lalong lumala ang tensiyon ng mag-iba ang timpla ng itsura ni Ash na kanina pa tulala simula nung umalis si Marco.

""What? So ano? Is it now my fault?" Sikmat ni Ash na napaturo pa sa sarili. I looked at Zeke's face ng may pag-aalala sa kung ano nanamang posibleng mangyari. Panigurado kasing silang dalawa naman ngayon ang mag-aaway.

"Zeke..."

"Stop it, Ash, Flame. Huwag na kayong mag-away. Marco just needed time and some space." Pag-sasalita ni Zeke sa seryoso ngunit mahinahon na pananalita. Ash looked at him with disbelief before shaking his head for diasgreement na parang hindi ito sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.

"Nope, Zeme. I need to clear things out because this bastard is being a jerk! "

"Oh! Come on Ash! Simula pa lang noon hanggang ngayon ganyan ka na! Huwag mong binabaliktad ang sitwasyon! You are the real jerk here! Insensitive jerk! Bakit mo ba kasi pinipilit na sumali ng pageant si Marco? Alam mong he easily gets stressed!" Tumataas na ang boses baritonong boses ni Flame at ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot kasi bakit ba sila nag-aaway? Bakit ba nila pinapalaki yung gulo? Diba magkakaibigan sila? Pwede naman nila itong resolbahin ng hindi nagsisigawan at nag-aaway ah?!

"Do not ever bring out the past! And now ako pa ang masama! I just wanted to help Marco! Bunababa ang grades niya! His outstanding in class is so damn poor and low! At ang tanging paraan para makabawi ay ang sumali siya ng pageant! Myghad! Ikaw na nga ang tumulong ikaw pa ang masama!" Padabog na tumayo si Flame mula sa kanyang kinauupuan dahilan para tuluyan ng mabaling ang atensyon samin ng mga estudyanteng unti-unti ng pinupuno ang canteen kumpara kanina na kaunti lang at bilang sa daliri. Napakapit nalang ako ng mahigpit sa braso ni Zeke. This is the first time I saw Flame so furious and outrageous lalo na kay Ash. Sweet kasi ito sa huli kaya seeing him like this is so strange and scary.

"You forget right? Nakalimutan mong he's still coping up with his depression, am I right? And you also forget that forcing him to do things without giving a damn care about his mental state and emotional stability would make every effort he did to get over it will go to waste. You're just.. DAMN IT!! Any emotional and mental stress will make things worst!! At alam mo kung anong mas malala don? Yung ikaw yung magiging dahilan!! Fuck Ash! Sa dinami-rami ng pagkakataon bakit ngayon ka pa naging bobo????" Naihilamos na lamang ni Flame ang kanyang palad sa mukha niya at hinawi ang buhok dahil sa matinding damdamin na nararamdaman. Sa mga sinabi niya ay nakita ko ang gulat na sumalamin sa mukha ni Ash gayundin kay Zeke indikasyon na nakalimutan nga talaga nila na may ganung uri palang sitwasyon. Malamang ay masyado silang nakampante sa pag-aakalang okay na si Marco dahil masayahin nga ang kaibigan namin na iyon.

Hindi ko din maiwasang makaramdam ng gulat dahil wala akong alam sa sitwasyon at walang nakakapagsabi sa akin kaya wala rin akong karapatang mag-react o magsalita patungkol sa issue. But it is just so absurd that the one who laughs the most was hiding the scariest part of his life. If only I can leave now and look for Marco and hug him so tight at damayan siya sa pag-iyak while giving him encouraging words, I will. Pero siguro dapat pa naming kumalma lahat pero hindi na lumala pa ang sitwasyon.

"Dude... sorry..." pagsasalita ni Zeke ng may tono ng pag-aalala at paghingi ng paumanhin. Napabuntong hininga na lamang si Flame.

"You guys are unbelievable. Malaman ko lang na he'll attempt suicide again. Hindi niyo na kami makikita. I'll bring him back home." Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong magsalita si Ash ng akma nitong ibubuka ang kanyang bibig upang magsalita at tuluyan na'ring umalis.

"Everything's going to be fine, Ash. Hayaan mo na lang sila. We all need to cool our heads down. Then after that, we'll talk about it." Pag-aalo ni Zeke habang may maliit na ngiting naka-paskil sa kanyang mukha. Zeke can really handle a situation well. Mas pinaiiral niya ang mature mentality kesa pa ang sumawsaw sa gulo. If he needs to step down to make things better, he will. Nahihirapan man pero pinilit ni Ash na ngumiti at magpasalamat sa boyfriend ko. Nag-aya na si Zeke na umalis so we bid our goodbye kay Ash na piniling manatili sa canteen. Tahimik lang kami habang nag-lalakad at tinatantya ang bawat sasabihin since we came from a sensitive argument awhile ago.

"I... didn't know that Marco undergo depression.." panimula ko. Narinig ko ang pag-tawa niya ngunit ramdam ko naman ang lungkot dito. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na ibinalik ko naman.

"Yeah. He's been suffering those bago pa man namin siya makilala. He cam from a broken family. Parehas ng may sariling pamilya ang parents niya at siya naiwang pinagpapasa-pasahan ng kamag-anak. Until nangyari yung insidente noon so his mother took him. Magkamag-anak si Marco at Flame kaya ganun nalang ang pag-aalala ni Flame. Well we all are, since he tried to do suicide before. Sadyang nawala lang talaga sa isip namin iyon." Napa-buntong hininga pa ito. Habang iniisip ko yung mga sinasabi niya ay hindi maiwasang makita yung sarili ko kay Marco. Parehas lang kaming broken family. Ang pinagkaiba lang namin ay mayroon siyang mga kaibigan na handang umalalay sa kanya at tulungan siya. Hindi ko mapigilang hangaan si Marco. Kasi sa kabila ng hirap na nararanasan niya ay never akong nakarinig na nagreklamo siya. He's so strong.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung patungkol sa insidenteng nangyari sa kanilang magbabarkada. I've been dying to ask him questions pero napipigilan non dahil sinabihan niya akong mag-hintay. Sinunod ko naman dahil may tiwala naman ako sa kanya at nararamdaman kong mabigat pa rin iyong nga nangyari sa kanya.

"Ezekiel?" Lumingon ito at para pa siyang nagulat maybe because I called him in his complete first name na bibihura ko lang gawain depende kung naiinis ako sa kanya or may gusto kaong sabihin. I stared at his perfectly shaped and deep eyes. It is like a hole that swallow ke up to the core. Kahit ilang beses ko pang matitigan ang nakakatunaw niyang mata ay hinding-hindi ako mag-sasawa. He's like a raging and blinding fire and I am the moth. That no matter what people and warn me not to get close to him, I will. At hindi ko pagsisisihan ang desisyong lumapit sa kanya. I know this man can protect me at all cost and I will do the same thing just for him.

"About the incident---"

"HIRO!!!"

□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeyn

Hiro daw, sino kaya yun? Hahahaha. I know antagal maireveal ng past nila kay sorry for that huhu.

Tagal ko ng di nakakapg-update kaya minadali ko ang pag-gawa nitong chap na'to. Sobrang busy lang talaga at wala ng time para magtype, meron man pero for academical purposes hehe. Miss you all! Salamat sa patuloy na pagsuporta, pagbabasa at pagvote sa story nila Ezekiel at Natsumi. Mahal namin kayo!!

Please share, commebt, vote and support! Love you~

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon