○Chapter 16●

2.3K 90 1
                                    

Song of the Day:
Richard Walters - I'm Sorry

Nagising ako sa malakas na pagyugyog sa balikat ko at matinis na boses na kanina pa ako ginugulo. Kanina pa ako gising pero ayaw ko lang idilat ang mata ko dahil mahapdi ito. Late na kasi akong nakatulog kagabi at masyadong nababad sa telepono dahil nawili nanaman ako sa pag-lalaro ng ROS.

"Kuyaaa!! Gumising ka na diyan! Kung hindi ka gigising itatapon ko yung pinakamamahal mo---" inaantok at papungas-pungas man ay mabilis akong bumangon. Pakiramdam ko pa nga ay nabanat ang katawan ko sa biglaang pag-galaw. Umiikot din yung ulo ko kaya nasapo ko nalang ang sentido ko. Ano bang problema ng kapatid kong ito at ang aga mambulabog?

"Kiana. May pasok pako ng alas-siete ano bang pinuputok ng buchi mo?" Iritado kong sabi at kinapa ang bedside table ko para kunin ang aking cellphone pero wala akong nakapa.

"Asan yung---" I was about to throw a fit when Kiana shoved my phone into my chest. Tumutunog at nagvvibrate ito.

"Kuya Flame had been calling you for hours." Masungit na usal nito sa akin. Maldita. Kumunot ang noo ko at hinayaang mag-ring ang telepono ko. Mukhang nakakasanayan ko na atang pag-antayin yung mga taong laging tumatawag sa akin. Ilang taon na'rin ng huling tumawag si Flame. Nanahimik ako at nag-isip ng dahilan kung bakit niya naisipang bumangon muli sa hukay. Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung bakit.

Shit. Ngayon pala ang uwi nila sa Pilipinas.

"Uwi pala nila ngayon! Ugh. Teka... bakit ang aga mo gumising ha?!" Tanong ko na isinigaw yun sa tenga niya. Naka-tanggap ako ng sabunot kaya't halos mabitawan ko yung cellphone ko. Pinitik ko yung ilong niya dahilan para mabitawan ako. I hissed at her. Grabe. Ang brutal talaga ng mga babae. Ganito kami lagi ni Kiana. Bihira lang kaming mag-usap pero pag nag-kataon, puro asaran at sakitan lang inaabot namin. Kiana's... hmmm, how do I explain her? She's smart, outstanding in class, honor student, part of the school paper pero nagagawa niya pa'ring makipag-socialize. Ewan ko ba sa batang ito. Ang galing niyang mag-manage ng oras niya. Sana hanggang pag-tanda.

Well, kay Kian, bihira lang kami magsama dahil lagi akong nasa school samantalang siya laging nasa loob ng basketball court. Aiming for MVP kasi siya this school year at plano niya ring iimpress yung mga coaches na part ng isang Private Organization who helps and give sponsorship to those amazing and who have a potential when it comes to basketball and any sorts of sports. I'm not the athletic type but we are close and I am his no. 1 supporter kapag may inaattendan siyang liga. Siyempre suporta rin hindi lang sa pangarap niyang maging basketball player pero para rin sa pag-aaral niya. Good thing naman na their school requires the varsity players to have a high grade to be part of the team and if not, you are out. They are both grade 7 students, btw.

"Sasama ako bakit ba!" Pinasadahan ko siya ng tingin at talaga ngang seryoso siya na sasama sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata at sumilay ang mapang-asar na ngiti sa aking labi. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya sasama,

"Crush mo pa'rin si Flame ano? Yiieeee!!" Kiniliti ko siya at umalingawngaw ang malakas na tawa at asaran sa silid ko. Nakalimutan ko na yung tumatawag at yung oras. Hindi pa sana kami titigil ng marinig namin kung paano kalabugin ni Papa yung pader na nagseseperate sa kwarto ko at kwarto nila ni Mama. Nasakop naming dalawa ang bibig namin at tahimik na humagikhik.

Kinuha ko na ang telepono ko at sinagot na ang tawag. Kasabay non ay ang pag-tayo ko at pag-punta sa banyo,

"Ano ka ba! Ezekiel kanina pa kami tumatawag sayo! Talaga bang kinalimutan mo na kami bilang isang kaibigan?" Napa-ismid ako sa narinig at nanatiling tahimik. Tama kayo ng nabasa. May mga kaibigan ako. Lahat sila ay nasa states na habang naiwan ako dito sa bansa. They had left matapos mailibing si Jaira noon.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon