○Chapter 28● 《Special Chapter》

1.7K 75 16
                                    

Special Chapter for Marco and Vladimier

Marco's POV

Nagmamadali kaong lumabas ng canteen dahil sa inis na nararamdaman ko. Inis kay ash, sa pesteng event na'yon, sa mga teachers na ginagamit yung grades ko para pakinabangan ako at higit sa lahat sa sarili ko. Naiinis ako kasi ganito lang ako. Yung tipong patapon. Pakiramdam ko ang lampa-lampa ko. Wala na ata akong patutunguhan sa buhay. Yung tipong kinakaya at pinipilit mong mabuhay pero parang hindi ka talaga hinahayaan ng tadhana.

Nakarating ako sa lugar na walang tao. Hindi ko alam kung saang part ito nang university pero laking pasasalamat ka nalang dahil ako lang mag-isa.

I am tired of acting happy. I am tired of acting as if no problem can pull me down. Napapagod na ako na ganito nalang yung buhay ko. Eversince I was a kid everything was already fucked up. My family, the relationship of my parents, my life. My whole life is so fucked up. Naidadaan ko na nga lang yung mga problema ko na sa bawat araw ay mas bumibigat habang pasan-pasan ko sa pamamagitan ng pag-tawa. Malalim kaong napabuntong hininga, I even struggled from breathing dahil biglang sumakit ang dibdib ko. Ganito lagi sa tuwing humihinga ako ng malalim, hindi kinakaya ng loob ko kasi punong-puno ng laman na puro hinanakit.

Natulala na lamang ako. Ang layo ng tingin ko pero heto ako, nandito lang. Lugmok sa kalungkutan habang pinipilit kong maging masaya at ilang taon ng nakatago sa makulay at walang bahid ng imperpeksiyon na maskara.

"Marco...." muli akong huminga ng malalim ng marinig ko ang tawag na iyon. Hindi talaga nila maintindihan ano? Kung sabagay, ano namang alam nila? Ako lang naman itong may malaking problema. Yung pakiramdam na parang ikaw lang mag-isa. Maramig nakapalibot sayo pero mag-isa ka pa'rin. Tawa ka ng tawa pero hindi ka naman masaya.

"Bakit ganon? Ikaw laging umiintindi pero sila never kang naintindihan? Laging pinipilit yung gusto nila na nakakalimutan nila na sa isang bagay, may involve na ibang tao. Na hindi lang sila, na merong iba. Vlad... ganun ba ako kahirap intindihin? Ganun ba ako kahina na ibang tao yung nagdedesisyon para sa akin? Ganun ba ako kahirap mahalin? Ganun ba ako kahirap pahalagahan? Wala ba talaga akong karapatang sumaya? Kahit isang beses lang, iparamdam niyo naman sa akin na hindi ako nag-iisa." Nanatiling tahimik ang lalaking ilang taon ko ng mahal. Yung lalaking handa kong pag-alayan ng buhay kahit pa na hindi niya gagawin yun para sa'kin. Mahal ko siya kahit ang sakit-sakit na. Mahal ko siya kahit nakakapagod na.

"Vlad. I'm tired. I'm fucking tired. I'm tired that any moment, I'll loosen up. I'm tired that any moment, I'll fade away." Bumulalas ang hagulgol at butil-butil na luha na nagmumula sa akin. Nag-uumapaw ang emosyon na hindi ko na kaya pang pigilan man lang. Gusto ko nalang sumuko. Napapagod na talaga ako.

"I'm... I'm getting married..." halos hindi ko na marinig ang boses ko na pumiyok pa ata sa bandang dulo. Hinarap ko siya at kahit pa na nanlalabo ang mata ko dahil sa rumaragasang luha ay nakita ko ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mahal na mahal ko siya. Pero ang sakit kasi kahit na sabihin ko pa sa kanya alam ko namang hindi niya ako mamahalin kasi hanggang ngayon si Jaira pa'din eh. Siya pa'din. Nakakainggit nga ang babaeng iyon kasi kahit na patay na siya, kahit na wala na siya, may mga taob gpatuloy pa'rin na umaalala sa kanya at higit sa lahat may isang tao na patuloy na nagmamahal sa kanya. Nakakainggit siya ng sobra. Siya itong patay pero maraming nagmamahal. Pero ako.. ako itong buhay, wala. Mag-isa lang. Naaawa ako sa sarili ko ng sobra.

"Nagpapaka-lielow lang ako. Sinusulit yung buhay binata ko. I'm.. I wonder if how many kids we were going to have? Magagawa niya kaya akong mahalin? Magagawa niya kayang iparamdam na hindi lang ako nag-iisa? Na kahit papaano, kahit pambayad utang lang ako, masasabi kong worth it iyon at iyon ang pinaka-tamang desisyon na ginawa ng magulang ko." Mas lalong lumakas yung hagulgol ko. Hindi ko na talaga kinakaya. Napahawak nalang ako sa dibdib ko kasi nahihirapan na akong huminga at nagsisimula na itong magsikip. I looked up and saw the dark and gloomy sky.

Are you now happy to see me like this? Masaya ka na ba Lola? Masaya ka na ba na nahihirapan yung anak sa labas mong apo? Masaya ka na ba na nagdudusa yung apo mong bakla? Masaya ka na ba--

"MARCO!!" Naramdam ko ang pagbagsak ng katawan ko sa pinaka-comforting na lugar na napuntahan ko. Sa mga bisig ni Vladimier. Bagama't masama ang pakiramdam ko, hindi ko maiwasang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa init at yakap na naibibigay ni Vlad.

"Marco tama na.. sshh... stop crying... damn. I wish I can take away your pain right now." Ramdam ko ang pag-aalala at sinseridad sa boses ni Vladimier. Pinapakalma ako nito sa pamamagitan ng paghagod niya sa likod ko pero mas lalo lang yata akong naging emosyonal. Nababasa na ang uniform ni Vlad kaya sinubukan kong umatras at humiwalay mula sa kanya pero hindi niya ako hinayaan at mas lalo akong niyakap ng mahigpit.

"I love you..." I whispered. Kailangan kong sumugal dahil baka ito na ang huling pagkakataon ko na masabi ko ito sa kanya. Okay lang kahit hindi naman niya ako mahalin eh. Hindi naman ako nagmahal para mag-demand ng pagmamahal pabalik. At isa pa, choice ko ito. Hindi ko alam kung wrong o right choice ang ginawa ko. Basta isang araw nagising nalang ako, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Mahal na mahal.

"What? Marco? What did you say?" Bakas nanaman ang gulat dito.

"I love you. Noon pa. I'm not expecting for you to love me back. I just wanted to tell you. Besides, this... this might be the last time I'll be seeing you dahil ilang buwan lang ay aalis na ak---"

"You're not getting married." Ano? Anong sinasabi niya? Mainit man at komportable sa bisig niya ay ninais kong makawala roon upang matingnan siya pero tulad ng gianwa niya kanina ay hindi niya ako hinayaang makawala at inayos ang pagkakayakap sa akin kung saan nakalingkis na ang matipuno at malalaki niyang braso sa halos buong katawan ko. Nahihibang na ba siya?!

"Let go Vlad! You don't know what you are saying! Kung hind ako magpapakasal, masisira lalo ang pamilya kong sira na!! I can't afford to see my Dad behind the jail! Okay ng wala siya sa bahay wag lang sa kulungan." May halong pagsusumamo at pagmamakaawa na sabi ko sa kanya as if kaya niya akong tulungan habang nagpupumilit pa'ring makawala mula sa kanya. Nanlambot na lamang ako. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong maging pagod.

"Vlad... please... patayin mo nalang ako... ayoko na... please..." nanginig ang katawan ko at napayakap nalang ako kay Vlad para kumuha ng lakas dito. Nanghihina na ako at nararamdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko mabuti nalang ay hawak ako ni Vlad dahil kung hindi, tuluyan na akong babagsak at malulugmok.

"Marco, it's hard. I know. But always remember that I am here to carry you when you're tired. Okay lang mapagod but please don't give up. And please, Marco, please!! Don't think of dying. Wag mong tatangkain na magpakamatay ulit. I'll go wild kapag may nangyari ulit na masama sayo. You're not getting married because I will going to help you, we will going to help you." Usal ni Vlad habang patuloy ang pagpapatahan sa akin. Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay mas lalo ata akong naiyak o kung may luha pa ba akong ibubuhos. Drain na drain na ako. Ramdam ko na'rin ang pananakit ng ulo ko sa pagiyak ng sobra. Namamaga na'rin ang mata ko. To be held by this man I've been loving and wishing for years is so fulfilling. Kuntento na ako na magkaibigan kami as long mananatili siya sa tabi ko. At hindi naman mahalaga kung mahal ka ng mahal mo. Basta naipaparamdam mo ito sa kanya sa tamang paraan.

"Kaya *sobs* naman namin. You don't need *sobs* to help us..." paghikbi ko. Naramdaman ko ang pagiling niya at marahang hinawa ang buhok ko na basa na ng pawis. Pinaghiwalay niya na kami at malumanay ngunit seryosong tumitig sa namamaga at patuloy na lumuluha kong mata.

"No. You're not going to be the payment of the debt of your family. Pera ang nawala? Pera rin ang babalik. Tutulungan ko kayo. Basta walang aalis at walang ikakasal."

□■□■□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeyn

Medyo ang heavy nung scene. Ang sakit lang sa puso na magsulat ng ganitong scenario. Yung hinahayaan mo yung sarili mo na hindi mo na naiisip yung scenario kundi mas nangingibabaw yung nararamdaman mo. Wala talaga akong balak mag-add ng special chap for the two of them pero ewan ko ba! Ang lakas ng hatak nila sa akin.

Well, I hope you guys will enjoy this new update. Salamat sa patuloy na pagsuporta sa pamamagitan ng pagbabasa at pagvote ng bawat chapters ng story ko. Grabeng saya talaga ang dulot nito sa akin na kahit small-scale author lang ako ay naaappreciate niyo ako. I've been planning to publish a new book pero gusto ko kasi talaga tapusin muna ito. Nasa draft ko lang iyon at once talaga na matapos ko ito, wala ng awat pa hahaha.

Please vote, share, comment and support! Maraming maraming salamat!!on a user

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon