○Chapter 22●

1.9K 73 9
                                    

Song of the Day:
Nightcall ft. Dreamhour - Dead V

Ezekiel's POV

Lunes ngayon at alas tres pa lang ng umaga ay gising na kami lima nila Flame upang mag-handa at mag-ayos ng mga gamit para sa Team Building ba tatagal ng dalawang araw. We would be spending our 2 days and one night at Matabungcay Beach sa Batangas. Nang matapos ako ay naupo ako sa carpeted floor ko. Napa-iling nalang ako. Si Mama talaga, mahihirapan lang akong magwalis ng sahig dahil sa carpet na nilagay niya tsk.

Tahimik akong nag-isip isip. Nang malaman ko na sa isang beach resort kami magtteam building ay agad akong tumawag sa isang restaurant doon at nagpa-reserve para sa isang dinner date. Plano kong hingiin ang kamay ni Natsumi para tuluyan na kaming maging official. May sapat naman akong ipon at kakuntsaba ko rin si Mama patungkol s apakulo kong ito. Wala pa akong nasasabihan sa kahit na sino na barkada ko dahil busy pa kami sa kanya kanya naming buhay.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung sinabi sa akin ni Natsumi nung isang araw,

"Jairus confessed to me. He said he likes me."

Halos kumulo ang dugo ko ng marinig ko yun. Ni hindi ko na nga ata alam kung naong klase ng itsura ang pinapakita ko eh. Tahimik lang ako nung nabanggit ni Natsumi iyon. Hindi naman siya nag-react dahil parang wala lang sa kanya ang confession ni Jairus dahil binasted niya daw ito ngunit may nakikita akong kaunting pag-aalala at awa. Confident naman akong sa akin lang siya pero hindi ko talaga maiwasang magalit. Mag-iba lang talaga ang ihip ng hangin talagang maghahalo ang balat sa tinalupan.

I was in the train of my thoughts when my phone rang. Kinuha ko ito at ng makita kong si Natsumi ang tumatawag ay walabg pakubdangan ko itong kinuha. Nang sagutin ko ang tawag ay halos mahiga ako sa alapaap ng marinig ko ang boses ni Natsumi. Para talaga siyang anghel though may pagka-malalim ang boses niya dahil nag-matured na ito. Pero malambing at napakagraceful ng boses niya sa tenga.

"Good morning Zeke-chan!" Napa-ngiti ako ng marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko naman maiwasang mapahikab dahil aminin ko man o hindi ay hindi ako nakatulog nitong mga nakaraang araw dahil sa nasabing pagcconfess ni Jairus kay Natsumi.

"Good morning din, princess... hmmm... gusto ko lang malaman... a-ano... hindi mo naman gusto si Jairus diba? Hindi mo naman ako ipagpapalit?" Napa-kamot pa ako sa aking batok kahit na hindi naman niya ako nakikita. Nahihiya rin kasi akong itanong sa akanya yon dahil nagtutunog clingy ako pero hinayaan ko nalang dahil gusto ko rin namang iparamdam na gusto kong maging malapit kami at mas tumibay ang sinisimulan palang namin na relasyon.

"Bakit mo naman naitanong? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?? Hahahaha" hindi ko maiwasan ang iikit ang aking mata sa sinabi niya. Marunong na siyang mang-asar at mang-inis. Dapat ko na ba siyang patigilin sa kakalapot kila Flame??

"Stop teasing me ugh." Naiiling ko nalang na sabi at nasapo ko pa ang noo ko pero hindi ko naman maitanggi na sumilay ang ngiti sa aking labi. Ang cute at ang hot niya lang kasi at the same time. Nakakainis din na masyado akong whipped and head over heels sa kanya pero hindi ko isasaboses ang reklamo na'yon dahil enjoy na enjoy ko rin naman.

Ang landi ko.

"Easy! Of course I don't like him. Alam mo namang... baliw na baliw ako sayo." Bigla kong nahigit ang hininga ko at halos malaglag pa yung panga ko sa pagkakabuka nito. Shit. Yung puso ko ata tumigil na'rin sa pagkabog.

"S-sige na. Bye! See you at school!!!" Mabilis niyang sabi at pinatay na ang tawag ng hindi man lang inantay ang sagot ko. Maya't-maya ng magising ako sa katotohanan dahil sa tawag ng mga kaibigan ko sa baba ay napa-iling nalang ako at nanghihinang sinapak-sapak ang dibdib ko baka sakaling bumalik ulit sa normal ang tibok ng puso ko.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon