○Chapter 15●

2.5K 92 4
                                    

Song of the Day:
Evanescene - My Immortal

Pumasok na ako ng bahay pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni at pag-tambay sa harap namin habang nakatitig sa bahay ng mga Kaido. Pabagsak akong napa-upo sa sofa namin. Malakas akong napa-buntong hinga at tulala lang ng ilang minuto sa tv na kasalukuyang naka-bukas at ang kasalukuyang palabas ay balita. Mataman akong nakatitig dito at hindi alintana ang panhahapdi ng mata ko sa matagal na pagkakatitig sa screen. Hindi ko alam ang gagawin ko. I want to go after him. Habulin siya. Kausapin siya. Sabihin na bigyan niya pa ako ng kaunting panahon for me to tell who is the real me.

"Dos, naka-uwi ka na pala." Lumihis ang tingin ko mula sa tv screen at nabaling ito kay Mama na kagagaling lang ng kusina. Nakakarinig ako ng mga tunog ng kubyertos at marahil ay kasalukuyan silang kumakain. Dahil sa dami ng iniisip ko, hindi ko man lang sila napansin. Tumayo ako at nag-mano sa kanya bago muling maupo.

"Wala ka bang balak kumain?" Pagtatanong nito pero umiling ako. Busog pa naman ako at wala talaga akong gana. Nag-salubong ang dalawang maninipis niyang kilay indikasyon na hindi niya nagustuhan ang pag-iling ko sa inaalok niya,

"Hindi ka nanaman kakain? Lagi ka nalang sa labas kumakain, puro ka fast food. Nabasa ko sa internet na masama ang puro fast food ano!" Litanya niya. I mentally snickered and face-palmed. Lagi kasing babad itong si Mama sa facebook at ayan, puro siya 'nabasa ko sa internet masama yan, yon'. I stared at her. Not knowing what to say next. Para akong na-blangko ng mapa-tingin ako sa kanya. Gusto kong umiyak na parang isang bata at hayaan akong malusaw sa init na ibinibigay na yakap ng isang ina.

Aaminin ko, hind ako ganoon ka-vocal, ka-sweet at mabuting anak. Bagaman sinusunod ko yung mga inuutos nila, masasabi kong hindi pa'rin ako yung anak na hiniling nila. I have my imperfections, flaws and mistakes that still keeps on haunting me over the years.

"Ma...?" Tawag ko dito at naramdaman ko nalang ang panginginig ng boses ko ganun na'rin ang kalamnan ko. Naramdaman kong mayroong namumuong tubig sa mata ko at nagbabadyang tumulo pero pinigilan ko ito. Pagod na akong maging mahina. At ayoko rin ipakita kay Mama na mahina ako. Ako ang panganay, lalaki pa. Hindi dapat ako mag-pakita ng kahinaan sa loob ng pamilya na'to. This personality of mine, not wanting to be weak and a bother... It is all kudos to both of my parents.

Through the years, simula bata hanggang ngayon. Never nilang pinakita sa akin, sa amin na napapagod na sila. Na nahihirapan na hindi lang sa problema dito sa loob ng bahay kung hindi sa mga kapatid nila. Both Mom and Dad have a conflict between their own family such as their siblings and parents. Hindi nila alam pero naririnig ko lagi ang mga phone calls na natatanggap nila mula sa mga Tito and Tita's ko. I can hear and feel their frustrations, their sadness, the guilt of not being there to their parents who were sick because they need to take care of us. Bring the best for us. Make and give everything just for us.

"Dos, hey, may problema ba? Nag-away ba kayo ni Natsumi?" Rumehistrado ang pag-aalala sa kanyang mukha. Bagaman mababakas ang katandaan at pag-lipas ng panahon ay masasabi kong maganda pa'rin si Mama. Siya pa'rin yung babae na hinabol-habol at minahal ng tatay ko noong college sila hanggang sa ngayon.

"Ma, what if hindi yon nangyari? Would I live without regrets, nightmares, fears? Mabubuhay ba ako ng hindi binabagabag ng konsensiya ko? Apat na taon na Ma, pero andito pa'rin lahat. And now that Natsumi is involved with me, natatakot akong magaya rin siya kay Jaira." Nakita ko kung paano nag-bago ang itsura niya. Mula sa pag-aalala ay kalungkutan at awa ang nakikita ko. Hindi ko rin maiwasang maawa sa sarili ko. I admit it myself, that despite of being a guy. Marami akong bagay na kinakatakutan. That despite of being a son of a soldier, son of a strong man, I get scared. I've got fears, so many fucking fears.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon