Ezekiel's POV
Senator Akahashi arrived infront of us together with his partner, Aquila Reyes. Kasunod nito ang kotseng sinasakyan ng tatay ko. Halos magkakasabay lang sila ng pag-baba at mabilis na lumapit sa pwesto namin. Hindi pa kami ganon kaayos ni Papa kaya ilang pa ako sa kanya.
After what happened between the two of us, I can't seem to face him or talk to him. I can forgive but I cannot forget. No matter how hard I tried to forget, I will still remember everything. Makalimot man ako, siguro eh super lakas nalang talaga ng pagkakabagok ng ulo ko. Pero gayunpaman ay lumapit ako rito at nag-mano. He's still my father and I still need to respect him dahil at the end of the day, nasa puder pa'rin niya ako nakatira.
"Ezekiel, where's my son?" Ang bungad na pagbati sa akin ni Senator Akahashi. Mabilis lang akong umiling dito kasabay ng pag-rigodon ng aking puso dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Senator, hindi ko po alam. Umalis po siya kanina dahil may emergency daw po. Hindi ko naman na nagawang sundan siya dahil sinabi niyang bantayan ko na lamang ang friend namin dahil isinugod po siya sa ospital kanina. I've been trying to contact him for hours pero wala po akong nakukuhang response sa kanya. Sorry po kung nagkulang ako sa pagbabantay kay Natsumi..." usal ko at naiyuko na lamang ang aking ulo dahil sa hiyang nararamdaman ko. Natatakot rin ako na baka sumama ang tingin sa akin ng ama ni Natsumi. Ni hindi pa nga kami nakakapagusap ng personal at pormal hinggil sa relasyon na meron kami ni Natsumi tapos ganito naman ang mangyayari. I promised to myself that I will not let Natsumi get away from my sight pero eto... clueless kami kung asan siya.
"No it's okay, hijo. Hindi mo naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Don't worry, we'll get him track down and will definitely have him safe back with us. For now, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala." Ayaw ko man sumangayon sa sinabi niyang magpahinga ako pero wala na'rin akong nagawa. Nang marinig ko kasi ang salitang 'magpahinga' ay parang doon lang ako nakaramdam ng pagod. Napa-buntong hininga na lamang ako at nagpaalam. Iniwan ko na sila mama doon at pumasok na sa loob. Sinalubong ako ng dalawa kong kapatid na nag-aalala ang itsura.
"Kuya, kachat ko si Kuya Ash kanina nasa ospital daw si Kuya Marco. Okay naba siya?" Tanong ni Kian. Malungkot lamang akong ngumiti dito kasabay ng pag-iling ko.
"Hindi pa namin masasabi since hindi pa naman gumigising si Marco."
"Eh si kuya Natsumi? Nasaan siya? Nahanap na ba siya? San daw siya nagpunta kuya?" Si Kiana naman ang nag-tanong. Kahit kelan talaga ang batang 'to ay napaka-daldal. Ginulo ko ang buhok nito at muling umiling ng malungkot.
"Hindi ko din alam eh. Hindi pa siya umuuwi kaya andiyan ang parents niya, sila Senator Akahashi at Tita Aquila. Andiyan din si Papa sa labas kasama nila." Malungkot sila ngunit ng mabanggit ko si Papa ay mabilis na nag-liwanag ang kanilang mukha pero di rin kalaunan ay nawala rin ang liwanag na iyon at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Kuya okay na ba kayo ni Papa? Hindi na ba siya galit sayo?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila kaya't nanatili akong tahimik.
"Totoo ba Kuya na boyfriend mo si kuya Natsumi?"
"Ayaw niyo na ba kay Kuya kasi boyfriend ang meron siya imbes na girlfriend? Nandidiri ba kayo sa'kin at kinakahiya niyo na ako?" Hindi ko na napigilan pang lumabas iyon sa aking bibig. Kita ko ang pagtanggi nilang dalawa at pag-ilibg indikasyon na hindi iyon ang nararamdaman nila at nais na iparating sa relasyon namin ni Natsumi.
"Hindi kuya! Okay lang naman samin! Tsaka sabi kaya ng idol kong si Chanyeol from EXO "I think love isn't just something between a man and a woman." We all have the freedom to love whoever we love! At isa pa! Mas maganda kaya si kuya Natsumi kesa sa mga babae! Ang bait-bait pa niya at matalino pa!" Natawa na lamang ako sa sinabi ng kapatid kong si Kiana nakita ko ang pag-simangot ni Kian dahil sa kadaldalan ng nag-iisa naming kapatid na babae. I looked at him at ngumiti siya,
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomanceSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...