Alas-onse na ng gabi at magkakasama kaming mag-babarkada dito sa mansion ng mga Kaido. Dahil nga sa pakiusap ni Senator Akahashi na kami muna ang bahala sa kanyang anak habang wala sila ng kanyang asawa ay naisipan naming samahan si Natsumi ngayong gabi dito sa bahay nila.
Nakapag-paalam na ako kay Mama na kung pwede ay kay Natsumi muna ako mag-palipas ng gabi. Nung una ay hindi siya payag kahit pa na malapit lang bahay namin dahil may pasok pa bukas at mahirap yung mag-pabalik balik ng bahay. In the end napapayag ko rin ito dahil si Natsumi na mismo ang nakiusap. Eh ginamitan ng charms eh? Yung tingin nga ni Mama non may halong pang-aasar eh.
"Maging maingat ka ha? Anak ng senador yan. Gumamit ng proteksyon!"
Halos sumabog ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ni Mama bago ako umalis ng bahay. Hindi ko nga inaakala na magagawa niyang sabihin sa akin yon dahil bihira lang magsabi ng kalokohan si Mama.
"Nasan pala si Natsumi?" Napa-baling ang tingin ko kay Marco na komportableng naka-hilata sa malaking sofa nila Natsumi. Ito talagang isang 'to, hindi pinipili ang lugar na paglalagyan ng kahihiyan at dito pa sa bahay ng senador nag-sabog ng kawalang-hiyaan tsk. Andito kasi ako sa sahig naka-salampak dahil malamig at malinis naman ang sahig nila kahit lingguhan lang kung pumunta ang kasambahay nila.
"They're upstairs. Silang dalawa ni Ash." I answered at hindi ko maiwasan ang mapa-hikab. Inaantok kasi talaga ako pag walang ginagawa. Hindi naman ako maka-gamit ng telepono dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. I really hate using phone when I'm with anyone. I just find it really rude knowing na mag-kakasama nga kayo pero mas nakatuon ang pansin sa mga hawak na telepono. Mas okay ng pasulpot-sulpot lang ang topic no.
Kaya nga itong sila Flame, Vlad at Marco ay tulala lang na naka-tingin sa kisame dahil talagang pinag-bawalan ko silang gumamit ng cellphone.
"Eh? Girls talk?" Humagalpak ng tawa si Marco samantalang hindi naman namin maiwasan na matawa ni Vlad dahil sa sinabi ni Flame. Kahit kelan talaga ang isang 'to.
Binatukan ko siya bago tumayo at nag-inat inat.
"Oh? San ka pupunta? Huwag mo sasabihing makiki-girls talk ka rin sa kanila? Ikaw ah!" Mapanuksong tingin at tono ng boses ang iginawad sa'kin ni Vlad na prenteng naka-upo sa single sofa. Dinampot ko yung isang unan na hinihigaan ni Flame at binato dito. Nasalo naman niya ito at tinawanan pa ako pandagdag sa pang-iinis. Umirap nalang ako at muling napa-hikab at nag-simulang mag-lakad suot suot ang pambahay na tsinelas na talagang naka-laan para sa bisita ng mga Kaido.
"Sa may pool lang. Magpapahangin. Kumain na kayo diyan kung gusto niyo pang kumain. Nagpa-order si Natsumi kanina bago kayo makarating." Usal ko at hindi na pinansin ang pang-aalaska nila na masyado daw akong feel at home.
Pagkalabas ko ng kanilang back door patungo sa backyard at pool area ay hindi ko maiwasang idipa ang aking kamay na tila isang agila na nakalaya sa himpapawid at singhutin ang sariwang hangin. Napapalibutan kasi ng halaman at puno ang backyard nila kaya maaliwalas ang simoy ng hangin. Halatang pinasadya.
Pumwesto ako sa gilid na parte ng pool at naupo sa damuhan habang naka-pangalumbaba at nakatitig sa kawalan. Andaming tumatakbo sa utak ko sa mga oras na ito. Lalo pa't tahimik ang paligid at mag-isa lang ako. Ito ang madalas kong pampalipas oras. Ang matulala at malunod sa sarili kong pag-iisip.
Simula sa pag-iisip ng future ko kasama si Natsumi, lalo pa't ngayon na nagka-aminan na kami. Aware naman ako sa magiging reaction ng tao at wala akong pakielam don. Oo, marahil kasalanan sa mata ng Diyos. Pero... siya nga ay never kong narinig o naramdaman man lang na magreklamo. Tapos anong karapatan ng iba na kwestyunin ang mga taong nakakaramdam ng ganito sa kanilang kaparehang kasarian hindi ba? Hindi ko lang talaga maintindihan. O sadyang malupit lang ang mundo. Hindi ko alam. Minsan naiisip ko, mali'to at minsan naman tama. Pero para sa'kin, kuntento na ako. Tanggap man o hindi. Tama man o mali. Basta andiyan si Natsumi. Panatag ang loob ko.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomanceSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...