○Chapter 9●

3.1K 135 25
                                    

Song of the Day:
Hunter Hayes - Secret Love

Kasalukuyan akong naka-upo at nakikinig sa kalagitnaan ng klase. Gaya ng ibang estudyante ay hindi ko maiwasang mapa-hikab. Isang linggo na ang nakaka-lipas mag-mula nung first day of school at masasabi kong ngayong week officially nag-start ang klase. Binugbog at binusog lang naman kami ng mga proctors namin sa lessons.

And for sure, if I am not mistaken. Hindi malabong in a month or two, gagawa na kami ng mga kalokohan that would define our 'future', paniniwala nga ng nga matatanda. Like stage plays, thesis, research papers, defense, exams and other stuffs. Hell week at puyatan nanaman kami.

It's also been days since I last saw Natsumi. Busy kasi ito sa pag-aayos ng bio-data niya dahil magpapa-citizenship siya dito sa Pilipinas. Hindi naman aabutin ng taon dahil mayroon siyang koneksiyon. At sa totoo lang ay bihira lang talaga din kaming magkasama at mag-kita sa school. We are taking different strand for our Senior Highschool.

I am a HUMSS, Humanities and Social Sciences student since I am planning on serving on community in the near future. Might as well be a soldier like my dad since yun naman talaga ang gusto ko dati pa. Samantalang siya ay STEM, Science, Technology, Engineering and Mathematics. Nabanggit niya kasi sa akin noon na gusto niyang kumuha ng Technology at Engineering.

Tinanong ko if may balak ba siyang mag-politiko since nasa dugo na nila iyon pero sinabi niyang wala siyang plano. When I opened that topic, he seems to wanted to say more pero itinikom nalang niya ang bibig niya. I never bother to ask him dahil mukhang personal iyon.

"Before I dismiss the class, gusto ko lang sabihin na may ineschedule kaming Team Building for the Senior High Department sa mga susunod na buwan. I'm telling this to you guys para makapag-paalam na kayo sa parents niyo ng maaga. Hindi pa sure kung kailan at saan but just be ready, we are just waiting for Head Mistress Odessa's permission. Class adjourned." Huling sabi ng proctor namin before we take our lunch.

I just sighed and facepalmed. Ayoko talaga sa lahat yung mga ganyang activities eh. Hindi ba pwedeng sa school nalang? Umupo sa classroom? Makinig sa nakakabagot na lesson? I mean come on, nakakatamad ngang mag-aral minsan. Ang kumilos pa kaya? Mind you, dakilang tamad ako kaya ganyan takbo ng utak ko. *internally laughs*

I can hear and feel different reactions from my classmates as they skidded off with maybe a smile or a frown. Isinarado ko nalang ang aking mga mata. Wala akong planng kumain and all I ever wanted to do is to sleep. Napa-sarap kasi ang pag-lalaro ko ng ROS kagabi. Napa-hikab ako,

"U-uh.. Zeke.." nag-salubong ang kilay ko ng marinig ko ang boses na iyon.

"What do you need, Melissa?" Malalim at may talim kong tanong, pinapahiwatig na hindi ako interesado na makipag-kwentuhan.

She's Melissa Fuentes and have been chasing me for 2 years. Transferee siya last school year at unfortunately kaklase ko siya and more unfortunate event ay.. well, hindi naman sa pagmamayabang. She has a feelings for me. At sa kabila ng pagiging masungit ko ay lumalapit at nakikipag-usap pa rin siya akin. Siyempre, inaapproach ko rin naman kasi hindi naman ako ganun ka-bastos ano. At ngayong Seniors na kami ay magkaklase pa rin kami. Ewan ko nga kung ito ba talaga ang gusto niyang strand o sinundan lang ako eh tsk.

"N-nothing. I bakd cookies kasi last night at gusto kitang bigyan. I hope you'll accept it." Binuksan ko ang mga mata ko before sighing. Inayos ko ang upo ko and lend my hand waiting for her to give me the baked cookies. Her face lit up. Nanginginig at mabilis niyang inilapag yung well-wrapped box of cookies sa palad ko.

"Thank you for this." Sabi ko at bahagyang itinaas yung box, sinuklian ko rin siya ng maliit at medyo awkward na ngiti just for a little bit of appreciation. Lumaki naman ang ngiti niya and tuck her hair behind her ears. Woah. That gesture.

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon