"Hindi ako makakasama" pamamalita ko sa mga kasama ko na siyang nakapag-patigil sa kanila. Nakita ko ang pangungunot ng kanilang noo at pag-tataka.
"Ano? At bakit naman? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong ni Flame na siyang nakapag-pairap sa akin. Para siyang nanay sa sunod-sunod niyang tanong.
"Nag-text si Papa. Pinauuwi ako." Sabi ko sa kanila. Nag-taas naman si Marco ng kamay niya at pumunta sa harapan ko,
"Ipagpapaalam nalang kita kay Tito!" Umiling ako sa sinabi nito. Siguradong mahalaga ito dahil mukhang kauuwi niya lang sa bahay.
"Hindi na. Mukhang importante talaga ito dahil kauuwi lang ni Papa sa bahay. Bawi nalang ako next time." Naka-ngiti kong sabi at tinignan si Natsumi na bagaman dismiyado ang itsura ay hindi naman siya kumontra. Hinalikan ko ang sentido nito at sinabihang i-inform nalang ako through text tungkol sa mga mangyayari sa pag-alis nila.
"Ingatan niyo si Natsumi ah? Ipagkakatiwala ko muna siya ngayon sa inyo. Bawi talaga ako next time!" Nagpaalam na ako at umalis. Trycicle na ang sinakyan ko para mabilis akong makauwi ng bahay.
Ano naman kayang meron o problema at parang biglaan nagtext si Papa sa'kin? Through chat lang naman kami nagkakausap non at napakabihira pa kung tutuusin. Kamustahan lang pagkatapos non ay okay na.
----------
"Anong kahibangan ang pinagga-gagawa mo, Ezekiel??" Mabilis na rumehistrado ang pag-tataka sa akin ng iyon kaagad ang tanong na sumalubong sa akin pagkauwi ko sa bahay. Naka-uniporme pa si Papa. Samantalang si Mama ay nakatayo sa likod niya at nag-aalalang nakatanaw sa aming dalawa. Wala pa ang mga kapatid ko dahil alas kwatro pa ang uwi nila.
"Anong sinasabi mo, Pa?" Tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong alam sa kung anong tinutukoy at sinasabi niya. Hindi naman ako manghuhula!!
"Pinatawag ako ng school mo at sinabing may binugbog ka daw!" Nanguyom ang kamao ko sa sinabi niya at sa dahilan kung bakit kami nag-aaway sa mga oras na ito. Pinatawag pala nila si Papa pero hindi man lang ako ininform?? Ni hindi man lang kami kinausap nung lintek na guidance counselor na'yon???
"Pinatawag ka tapos akong akusado hindi man lang nila ininform? At hindi ko siya binugbog pa! Isang sapak---"
"Sinakal mo siya at muntik mo na siyang mapatay!"
"Deserve niya yon--"
*PAK*
Ramdam na ramdam ko ang malaki at magaspang na palad ng aking ama na tumama sa kanang pisngi ko. Para akong nahilo at namanhid bigla. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Oo pinapalo niya ako noon pero ginagawa niya yon kapag inaasar at kinukulit ako.
"KIEL! DOS!" Sigaw ni Mama. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Mama na parang iiyak na at ng akma itong lalapit ay pinigilan siya ni Papa kaya't hindi nalang ito mapakaling nanatili sa likod nito.
"Ganyan ka ba naming pinalaki ha? At hindi lang iyon ang unang beses na ginawa mo! Noong team building niyo muntik mo ring mapatay ang isang estudyante! Basagulero ka na ba ha?!" Kita ko ang panlalaki ng mata niya at paglabas ng ugat sa kanyang noo. Nagngangalit ang kanyang mga kamao na halatang pinipigilan ang sarili na saktan ako.
"Nagawa ko lang iyon dahil binabastos nila si Natsumi!"
"At ano naman ngayon sayo kung gawin nila kay Natsumi iyon? Lalaki siya at kaya niyang protektahan ang sarili niya! Anak pa siya ng senador!" Nakagat ko nalang ang ibaba kong labi. At ng makapag-isip ako ng isang desisyon that will either break me or fix me, hindi na ako nag-dalawang isip pa.
"Dahil mahal ko si Natsumi! Boyfriend ko siya! At bilang boyfriend niya, kailangan ko siyang protektahan!" Nakita ko ang panlalaki ng mata niya umamba nanaman siya na sasampalin ako kaya't ipinikit ko na lamang ang mata ko para salubungin ang hagupit niya.
BINABASA MO ANG
[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)
RomantikSi Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo at sundan ang yapak ng kanyang ama. Tahimik lang ang buhay niya noon, walang prinoproblema na kahit n...