○Chapter 5●

3.7K 157 3
                                    

"Natsumi-kun..." tawag ko sa kanya bago ako lumapit ng maingat at kalkulado. Naka-tingala lang ito sa akin at halata ang gulat sa kanyang mga mata, kahit na malabo ang paningin ko at nababasa rin siya ng ulan ay alam kong naghahalo ang ulan at luha niya.

Huminga at napayuko nalang ako sa hiya. Hindi ko naman kasi inaakalang aabot pala sa ganito. At isa pa, ayoko talaga sa lahat ng may umiiyak ng dahil lang sa kagagawan ko. I don't deserve anyone's tears.

"Why are you here? I thought you told me to get lost?" Kumurap-kurap ako sa narinig ko. Right. Sineryso niya nga. Too innocent and sensitive.

"I am here to bring you home. Your parents are worried." Sabi ko at umupo ng naka-indian sit sa harap niya. He is hugging his knees close to his chest habang nakapatong ang ulo niya rito, he looks more cute and smaller. His light brown eyes wandering innocently. Thin lips pale and quivering because of cold. Wala naman akong magawa dahil parehas basa ang damit namin.

"If they are worried about me, they should be the one looking for me. Hindi yung iaasa pa nila sa iba." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at sa pag-tatagalog niya. Marunong naman pala siyang mag-tagalog pinapahirapan niya pa ako tsk. Tinitigan ko siya ng marinig ko yung unang sinabi niya. Mukhang may lamat ang pamilya nila.

Kung sabagay, hindi naman malabo. Kami nga ng pamilya ko rin meron dahil madalas na wala si Papa sa bahay. Umuuwi nga, tulog na kami. Aalis din ng bahay ay mahimbing ang tulog namin. Ang mga Kaido pa kaya na malaki talaga ang tungkulin at gampanin sa gobyerno? Lalo pa ngayon na maraming naka-atang na trabaho kay Senator Kaido dahil taga-pamahala siya ng isa sa Against Human Trafficking Team ng Pilipinas.

"They are worried and they are looking for you. And besides, we are all worried for you. I wouldn't be here if we aren't." Sabi ko na tila pinakikiusapan ang isang 3 years old na nagttantrum tuwing hindi nakukuha ang gusto. Parehas kaming basa at patuloy na nababasa ng ulan and none of us seems to mind. I actually find it soothing and relaxing.

Masarap din pala sa pakiramdam na malaya ka at walang rules na iniisip. Yung tipong hindi ka matatakot na mapagalitan o mahusgahan dahil lang sa paulit-ulit mong pagkakamali.

"You are only here because they asked you to. Paano kung hindi? Edi hindi mo ako hahanapin diba? Haha. Shame. You all only cared for me because my parents said so." Nabaling ang atensiyon ko sa kanya. And this time, I was really speechless. Napa-titig nalang ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung pangungulila sa magulang. Masyado itong malungkot at malayo sa Natsumi na bwinisit ako sa party kanina.

"I just want a friend." Sambit niya at nag-flashback sa akin na sinabi niya rin ito kanina nung 'nag-aaway' kami. "You can look for someone that is far more better than me." I told him in a silent and low voice. Humina na'rin ang ulan. I am just staring at his face. As if memorizing his ethereal features.

"Pero ikaw ang gusto kong kaibigan." Huli niyang saad. Nang tumayo siya ay tumayo na'rin ako para sundan kung saan man siya pupunta. Mahirap na at baka kung saan nanaman ito mag-punta. Humakbang siya at nagulat nalang ako ng bigla siyang mag-collapse,

"Natsumi!" Mabilis akong kumilos at maagap siyang sinalo. Mabuti nalang at malapit lang ako sa kanya. Halos tumama na kasi ang ulo niya sa lupa. Sinuportahan ko ang bigat naming dalawa. Bagaman nahihilo ay may lakas pa naman ako para buhatin siya pauwi ng bahay.

"Fuck. What is so special about me? I am just merely a son who knows nothing but to follow rules." Bulong ko sa sarili ko habang tinititigan si Natsumi. Although he is pale, kita mo pa'rin ang gandang meron siya. Mali man sabihin but he is too beautiful for a guy. Hinawi ko ang bangs niya para makita ko ng mas malinaw ang itsura niya. He is surely an angel.

Pinag-landas ko ang hintuturo ko sa pilik-mata niya pababa sa ilong hanggang huminto ito sa kanyang maninipis na labi. Hindi ko maiwasang mapa-lunok dahil sa lambot nito. Saglit ko pa itong dinama hanngang sa marealize ko ang ginagawa ko. Nahigit ko ang hininga ko at binawi ang aking kamay.

Sana wag dumating ang panahon na sa dinami-rami ng pwede kong pagsisihan. Ang nakikila siya ang mapipili ko.

Umiling nalang ako sa pinag-iisip ko at binuhat siya ng pa-bridal style. Nagdedeliryo na nga ata ako. Ramdam ko ang init ng katawan ko pero mas dama ko ang init ni Natsumi kahit na may suot siyang damit. Mabuti nalang at hindi malayo itong minipark sa bahay namin. Malapit na kami sa bahay ng may mga bodyguards na lumapit sa akin at mabilis na kinuha si Natsumi sa mga bisig ko. Para namang mas lalo akong nilamig at nabigatan nung wala na akong hawak.

Nakita ko pa ang pag-lapit nila Mama sa akin. Parang biglang nag-slow motion at umikot ang buong paligid. May nakikita ako pero wala akong naririnig. Nagdilim ang lahat at pakiramdam ko ay nahuhulog ako.

Nahuhulog ako sa kawalan. Hindi ko alam pero ito ang unang beses na natakot akong mahulog.

"Ezekiel!!!!"

Mahulog ng walang kasiguraduhan kung may sasalo ba at handang sumalo sa akin.

--------

Bahagya akong nagising ng may mga kamay akong naramdaman na yumuyogyog sa aking balikat. Ugh. Bakit lagi nalang akong ginigising? Wala na ba akong pagkakataon na makatulog ng maayos? Ni sa hinagap ay hindi ko man lang inakala na ganitong klase pala ng bakasyon ang pagaaksayahan ko ng oras. Akala ko kasi ay hihilata lang ako sa kama at susunod sa mga utos nila Mama at Papa.

"Zeke gising!!" I just gritted my teeth when I heard those voice. Sheezus Chries. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako makakapamuhay ng normal. Everything's still better noong si Senator Akahashi at ang asawa palang niya ang kilala kong nag-eexist. Exaggerated may it sound but everything changed when I met Natsumi.

"Now what? Ano nanamang gulo ang dala mo?"marahas kong tanong sa garalgal na boses. I slowly opened my eyes at ibinaling ko kaagad iyon sa taong kasalukuyang nasa gilid ko. Naka-yuko lang siya and he is fumbling on his fingers that is now next to my hands.

"S-sorry." Tinanggal ko ang pagkakatingin ko kay Natsumi at nakipagtitigan sa kisame,

"What for?"

Tumikhim siya and I can see on my peripheral vision that he lowered his head like a submissive puppy. Nagsisimula ng mamula ang mga daliri niya dahil pinipisil niya na ito ng sobra. Gusto ko man iyong hawakan para pigilan siya ay hindi ko magawa. Tila kasi naparalisa ang buo kong katawan.

"Sorry for everything. Sorry for messing you up." Sabi niya at hindi ko maiwasang mapa-ismid sa huli niyang inilahad. Nakakatawa siya na nakakainis. Hindi ko alam! Pag kasama ko siya, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Umiikot yung isip ko, umiikot yung kalamnan ko, umiikot yung mundo ko. Yung mabilis na pag-ikot. Tila isang ipo-ipo.

"I am already a mess even before you came." Mapait at makahulugan kong sabi sa kanya pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Bagaman ay mas lalong yumuko.

Namalagi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Komportable kami sa sitwasyong ito at walang sino man sa aming dalawa ang gustong sirain iyon. Medyo umayos na'rin ang pakiramdam ko.

"Thank you for looking for me. Ikaw lang ang kauna-unahang naka-hanap sa akin sa tuwing ginagawa ko ito." I shifted my gaze to him and I once saw his blinding smile. Gabi na and the only thing that lights up the room is my mini light bulb but fuck.

He seems glowing up in the dark.

□■□■□■□■□■□■□■□■
Written by: ImPeyn

Zeke's literally confused with Natsumi haha. More confused moment pa ang madadaanan ni Zeke sa mga darating na chapters hihi.

Dedicated to ms. neestruction_ dahil isa rin siya sa inspirasyon ko sa pag-sulat. Her book Defying The King is just so great and geniusly well-written.

Please read, vote, share and comment po!

[#Wattys2018] Rebel Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon