In the Flesh

132 14 0
                                    


Chapter Three

HINDI PUMASOK school at sa Convenient Store si Jeanine. Naka-focus sa gagawin niyang 'ENTRAPMENT OPERATION' para mahuli ang taong pumapasok sa kuwarto niya nang walang paalam. Nasa ilalim siya ng kama niya kasama ang kanyang baseball bat. In case na mapalaban ay may weapon siya. Naiisip niya na mukha itong punk o kaya haragan sa kalsada. Naiinis na siya dahil nag iisip na siya ng hindi maganda.

Pero mabango at may mamahaling jacket.

Haist, sana mahuli ko siya!Para matahimik na ako at manahimik na siya, Hindi tama ang ginagawa niya!

Lumipas ang umaga, tanghali, hapon at pagabi na.

Nasa ilalim pa rin siya ng kama hawak ang baseball bat. Tiniiis niya ang gutom at talagang hindi umalis doon. Kailangan na isipin nito na talagang walang tao sa loob ng kuwarto.

Sinipat niya ang relo. Mag -aalas siyete na.

Gutom na siya. Medyo hilo na rin. Pero nag extend pa siya ng pasensya. Malakas ang loob niya na mahuhuli niya ang pasaway na iyon.

Handa siya. Nakatulong naman ang mga kuya niyang pulis at mga criminology student na maturuan siya ng Martial Arts. Lalaban siya at titiyakin niya na may kakalagyan ang taong iyon.

Naalerto siya nang may narinig siyang tunog ng kalawit ng seradura sa bintana. Mabilis lang ang pagkiskis at mukhang nabuksan na ntio ang bintana.

Nariyan na siya! 

Humigpit ang kapit niya sa baseball bat. Kinabahan na siya. Lalo pa iyong nag igiting nang marahan itong lumapag. Napasinghap siya nang makita niya ang sapatos nito Parang barko. Mukhang nakaupo na ito sa kama niya. Sa kadiliman ng kuwarto niya parang glow in the dark sa puti at ganda ng sapatos nito. It looks so expensive. Ganoon yata ang mga sapatos ng mga NBA Basketball players. At ang nakakagising ng gutom niyang sikmura at masakit nang likod ay ang amoy nito. 

Ang bango. Ang lakas makalimot ng sakit at inis.

But she stayed focus. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon.

Mabango man ito o hindi ay kailangan niyang harapin ito. Hindi tama ang ginagawa nito.

"Alam ko kung nasaan ka?" nagsalita ito

Nagulat siya. Nanigas at biglang na blanko.

"Alam ko na may tao. Huwag ka nang magtago sa ilalim ng kama. Labas na." mahinahon ito. He has a deep cold voice. DJ ba ito o voice talent. Bakit pati boses nito at may kapangyarihan na pag-igtingin ang kabog ng dibdib niya? Umangat ang mga paa ito na nagbigay daan para lumabas siya sa ilalim ng kama. Padapang siyang gumapang palabas at tangan pa rin ang baseball bat at nang makatayo ay bigla niyang nabitawan ang baseball bat na gumulong sa sahig.


Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang lalakeng nakaupo sa kama niya. Ang laking mama. Nakasuot ng puting t-shirt at pants. Nakasampa ang mga paa na may sapatos sa kama. He is man in white. Pangahan na may pinong balbas at sa kadiliman ng kwarto at kumikinang ang asul nitong mata na parang holen. handsome eyes pero mukhang malungkot. Binuksan niya ang ilaw at sa pagbaha ng liwanag at ganap niyang nasilayan ang kabuuang kakisigan ng lalakeng ito.

Napaatras siya. hindi niya ito inaasahan. She's expecting a hooligan or a punk. Iba ito. Napahikab pa ito at humiga sa kama.

"Sino ka? anong ginagawa mo dito?" bumalik siya sa huwisyo at kinuha ang bat. Itinuon ito sa lalakeng iyon.

Kahit na nakaguwapo nito, Hindi rason na pumasok pasok ito sa kuwarto niya. Bawal ang ginagawa nito.

"You can hit me and sue. Do it. I am useless. Wala na sa katinuan ang mga ginagawa ko?

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon