The Fierce vs The Pierced

99 12 0
                                    


Chapter 7

TINAPATAN ni Jeanine ang kabangisan ni Voltaire. Kapag alam niya ang tama at karapatan niya.Hindi siya umuurong.

"Sa maiksing panahon nakilala kita at bakit ba ako magtataka na kaya mong gawin ito sa taong kumalinga sa iyo kahit na hindi niya obligasyon. Sige, paaalisin mo ako dito dahil lang sa makasarili mong interes. Then bring it on, hindi kita uurungan!"

"Then fine! Let us see kung sino ang mawawala dito and definitely it's not me."

Isang malakas na katok ang bumulabog sa kanila. Agad iyong pinagbuksan ni Jeanine.

"Manong Oxford?"

Napansin niyang hindi mapinta ang mukha nito. Agad itong pumasok at hinarap si Voltaire.

"Paano mo nasasabi iyan sa taong nagpakita sa iyo ng kagandahang loob. Hindi kita pinalaki na walang hiya!" may awtoridad na sigaw ni Manong Oxford kay Voltaire.

Ang kaninang leon ay biglang naging kuting. 

"Narinig ko ang pag uusap niyo ni Jeanine. Hindi ko iyon nagustuhan. tama siya, siya ang nakatira dito. Siya ang masusunod. Kung ayaw niya sa na may kasama, irespeto mo. Oo kayo ang may ari nito pero huwag mong gamitin iyon para pumaibabaw at gamitin ang pagiging may ari mo para magpaalis ng tao. Nakakadismaya ka! Nagkakaganyan ka dahil lang sa isang babae."

"HIndi lang isang babae si Serena?"

"Mukhang may idea na ako kung bakit iniwan ka ni Serena. dahil iba na ang ugali mo. Hindi na nga kita kilala. Naging sikat ka lang na modelo yumabang ka na! Hindi ka naman dating ganyan. At kung hindi maganda ang dulot ng pagbabalik mo dito, sasabihin ko sa daddy mo na nandito ka sa Pilipinas!"

"Please, Manong. Don't tell them na nandito ako, please!"

"Eh di umayos ka. Huwag kang barubal! Magsorry ka kay Jeanine."

Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.

"Sorry..." wala sa loob nitong sabi.

"Ok. At mabuti na rin na pag usapan na natin ito Manong Oxford. Mukhang magaling na po siya. Pwede na po ba siyang umalis na. "

"Narinig mo iyon, Voltaire. Irespeto natin ang desisyon ni Jeanine."

Isang matalim na titig ang ipinukol ni Voltaire sa kanya at pabalagbag na umalis ng kwarto.

"Aba siya pa ang matapang! Pambihira!" nasuyang reaksyon niya.

"Pasensyahan mo na. Sige, susundan ko lang baka saan magpunta."

Napakibit balikat siya at sinara ang pinto.

Sa wakas wala na siya!


PAPASOK na si Jeanine sa school. Nakagayak na siya at ila-lock na ang bintana at pinto. Baka na naman pumasok si Voltaire. Iba ang tigas ng ulo niyon. Mukhang hindi papakabog. Pero nang niya isara ang pinto sa kanyang paglabas ay natigilan siya nang maamoy niya ang amoy ni Voltaire.

Naiwan ang amoy niya. Bakit hindi niya naisama?

Amoy lalake na ang kwarto. Pero infairness hindi mabaho hindi katulad sa mga kuya niya. Ang amoy nito, parang nagbibigay ng apoy sa kanyang dugo.

Hay nako, Jeanine. Your senses are fooled. Tama na. wala na siya. hindi ka niya bubulabugin. Sana....

Malakas niyang ni-lock ang pinto at malalaki ang hakbang na umalis.

Nadaanan niya ang tapat ng bahay ni Serena. Nakita niya doon sa Voltaire. Nakasandal sa pinto ay kumakain ng burger. Kahit na naka-cap ito ay halata niya ito.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon