The Patient H (Handsome)

130 13 0
                                    


Chapter 4

NAPILITAN si Jeanine na ipagluto ang kanyang 'pasyente'. Isang mainit na instant ramen para sa maligalig at nilalamig na nilalang.

Tahimik ito. Sinilip niya ito. Tulog ba ito? Nang maluto na ang ramen ay agad niyang inilapit ang bangko malapit sa kama. Uumungol pa rin ito. Walang ibang binabanggit kundi

"Serena........"

"Serena ka diyan. Gets ko na. Jowa mo ang babae diyan sa tapat. Gusto mo siya kausapin. Kailangan mo magpalakas. Kumain ka muna at uminom ng gamot. Sa sobrang init mo, para na tuloy sauna itong kwarto."

"I have no appetite....It is hot. "

"Hoy, ang lamig lamig kaya."

"Serena...."

Napailing na siya. Talagang iyong babaeng iyon ang nasa isip niya kahit may sakit ito.  Kung naiinitan ito, kailangan talaga na bumaba ang temperature nito. Naisip niya na kunin ang isang sando niya. Kailangan sumingaw ang init nito. Kinaya niya na inaangat ito pasandal sa back rest ng kama. Nagpaubaya naman ito. 

"Ang bigat mo!" hiningal niyang reklamo.

Sinalat niya ang likod nito.

"Basang basa ka ng pawis. Masama ito." Nang huhubaran niya ito ay pinigilan niya ito.

"What are you doing?" tanong nito na nagtataka.

"Basang basa ka na ng pawis. Hindi baba ang lagnat mo kung hindi ka magpapalit. I co cold compress kita tapos kumain ka at uminom ng gamot. Please makipag cooperate ka. Para sa iyo itong ginagawa ko hindi sa akin."

Nagpaubaya naman ito nang hubaran niya. Bigla naman siya nakadama ng pag iinit nang masilayan niya ang magandang hubog ng katawan nito. 

He has a fine cuts. Broad shoulder, wide chest at ang nakakapag init na titigan ay ang abs nito na parang abalone. Nangingintab pa iyon sa pawis. 

Sanay na siya makakita ng mga topless na lalaki dahil puro lalake sa kanila noong nasa Laguna pa siya at kahit mga ilang lalake sa edaran nito ay madalas ding hubad baro pero wala lang sa kanya.

Pero ang isang ito. Tila may umiikot na ipo ipong apoy sa dibdib niya paikot sa buo niyang balat hanggang kalamnan niya.

Ako yata lalagnatin dito. Tama na!

Pinili niyang labanan ang kung anumang ipu ipong apoy na iyon at agad na sinuutan ito ng sando.

Ganoon pa rin, ang hot pa rin nito. Literal at physical.

Kaysa madarang ay nag focus siya na i cold compress ito. Pinunasan niya ng malamig na tubig ang noo, braso at leeg nito. At matapos niyon ay pinakain niya ito. Sinubuan niya pa ito at matapos niyon ay pinainom ng gamot.

Muli niyang pinakiramdam kung mainit pa ito o hindi. salamat sa Diyos at hindi na ito masyadong mainit at ibinalik niya ito sa pagkakahinga.

Humimbing na ito. Nakadama siya ng relief.

Pasalamat ka, mabait ako at lumaki na may malasakit sa kapwa.  Pero paano naman ako?

Siya naman ang namurublema. Wala siyang higaan.

Bayani ka, Jeanine. Bayani! kantiyaw niya sa sarili na napakamot ulo. No choice kinuha niya ang banig na ayaw niyang gamitin dahil kinatai siya. Naisip niya na lagyan iyon ng isa pang kumot at ginawa niyang unan ang bag niya.

Tiis ganda para sa taong ito. Kawawa naman. Sana maayos na siya bukas para makausap. Ngayon lang ang pagpapakabayani ko. Ngayon lang!

Sa pagod ay nakatulog na siya. Umaasa na bukas ay balik sa normal na routine ang buhay niya.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon