Chapter 12
SA PAGPAPATULOY ng project ni Jeanine ay hindi nawala ang mga tao na tumutulong sa kanya. Sila Caitlyn, Rigor, Justine at ang kanilang modelo na si Voltaire. Sinimulan na niyang ukitin ang likod na bahagi ng sculpture. Medyo mabilis na siya kumilos dahil saulo na niya ang mga cuts ni Voltaire. Madali naman siyang matuto at makasaulo ng mga detalye. Isang achievement sa kanya na makaukit ng tao. Natuwa siya kaya nang mag break time sila ay kinunan niya ito ng picture sa phone niya. Ipapakita niya ito sa Papang niya kapag umuwi siya sa Paete.
Papang, tiyak na matutuwa ka sa natutunan ko. You will be proud of me.
Lumapit sa kanya si Voltaire. Nakasuot ito ng bath robe na puti.
"Mukhang malapit nang matapos. Kung sakali saan mapupunta iyan project mo?" curious na tanong ni Voltaire.
"Hindi ko alam. Baka iuwi ko na lang ito sa bahay."
"Are you serious, kasya ba iyan sa kwarto?"
"Nagkasya ka nga sa kwarto ko, eto pa kaya." papilosopo niyang sabi.
"Kanina ka pa. Nang aasar ka ba? Hindi mo nga ako pinakain ng salad inasar mo pa ako na retokado ako. Even my sculpture image can say my natural aesthetic."
Hinila nito ang kamay niya at pinahawak sa mata, pisngi at itong nito.
"Kapain mo kung may plastic o puffy ang mukha ko."
"Ano ba?" bigla siyang napahinto nang mahawakan niya ang labi nito. Basa, malambot at mainit. At tila ang init niyon ay hinigop ng kanyang katawan.
Not again!
Muli niyang nilaban ang init na iyon at agad na lumayo dito.
"Oo na, kumbinsido na ako. Sorry na. Dahil doon dobleng salad na ang ipapakain ko sa iyo sa sahod ko."
Napangiti si Voltaire.
"That is good to hear. Asahan ko iyan ah."
Bumalik na sina Caitlyn at Rigor na may dalang mga pagkain. Nang ilapag ng mga ito ang kanilang dala ay namangha ito sa katatapos lang niyang paglilok sa back part ng kanyang project.
"Ang ganda na. Parang Greek Sculpture na. Ewan ko na lang kung hindi ka pa ipasa ni Sir." na-amaze na reaksyon ni Justine.
Na flattered siya.
"Jeanine , halika. May sasabihin lang ako." tawag ni Caitlyn
Sumama siya at iniwan ang mga lalake sa loob ng Fine Arts Lab.
"Bakit. Caitlyn, Ano iyon?"
"May tanong lang ako. Nakita ko kasi ito sa isang Fashion Site sa Japan."
Sa cellphone ni Caitlyn ay nakita niya si Voltaire na cover model ng isang magazine. Nagulat siya.
Bigla siyang napatingin kay Caitlyn na nag aabang sa sagot niya. Bigla niya rin naala ang nagdaang pakiusap ni Voltaire kay Manong Oxford.
"Please, huwag mong ipaalam na nandito ako. Ayoko na sa Japan. Ayoko na maging modelo. Ayoko na maging tagapagmana ng Ichihara!
"Siya ba ang Voltaire Ichihara na nasa magazine?" curious na tanong ni Caitlyn.
Binulungan niya si Caitlyn.
"Oo, pero sana i secret muna natin. Ayaw ni Voltaire na may makaalam na nandito siya sa Pilipinas?"
"Bakit?"
Umiling siya.
"Keep it a secret. Anuman ang dahilan niya, irespeto natin."
"Ano mo ba siya? Hindi mo pa nasabi kung anong ugnayan niyo?"
"Kakakilala ko lang sa kanya. Mahabang kwento , Caitlyn. Kapag natapos ang project ko sasabihin ko sa iyo ang lahat pero sana kung ano man ang nalaman mo , itago mo muna." pakiusap niya.
"Okay. It seems na harmless naman siya ang paligid. I will keep it safe."
"Salamat.Caitlyn. I am so blessed na may mga kaibigan akong katulad niyo."
" I was touch. Tara balik na tayo sa Lab. Can't wait sa kwento mo. But now, focus tayo magawa na ang project mo."
"Salamat talaga. Caitlyn."
Pumasok na sila dala ang rising motivation na matapos na ang kanyang project.
ILANG ORAS ang lumipas at sa wakas ay naukit na ni Jeanine ang David Millenial version niya pero wala pa itong kulay. Pagod man pero may galak sa puso niya na nagawa niyang ilabas ang hugis na nais niya.
"Kulay na lang, Jeanine. We will see the full beauty of your art. But for now i can say, it is a stunning art." na amaze na sabi ni Justine.
"Really, I owe you all this. Walang ganito kung wala kayo." grateful niyang sabi.
"Lalo na sa iyo, Voltaire."
Napangiting sabi ni Voltaire na kakatapos lang na magbihis.
"Finally, I did my part. Masaya ang experience ko na makapagpose sa isang sculpture piece." natuwang reaksyon ni Voltaire.
"Bukas ko na ito kulayan guys."
"You can do it pero I am sorry hindi na ako makakasama, Jeanine. Aayusin ko ang pagpunta ko ng Mindoro. Gusto ng papa na doon ako mag semestral break." ani Rigor
"Ganoon din ako, mag rereview ako sa special exam ko sa anatomy. Kaya nandito rin ako para sa review and now i am ready. " ani Justine.
"So ako lang ang sasama kay Jeanine."ani Caitlyn.
"Malaki na ang nagawa nyong ito sa akin. Alam ko na lahat tayo naghahabol para ma-comply natin ang mga requirements para pumasa. Hayaan niyo, maipapasa ko ito nang maayos at maganda. Salamat sa inyo."
Natuwang nag group hug sila. Napansin niya na nakatingin lang si Voltaire sa kanila. Matuwid ang ngiti. Batid niya na masaya din ito sa nangyari.
"Tara, dude. Join in our group hug." yaya ni Rigor.
Agad namang lumapit si Voltaire at sumama sa kanila.
"Hindi magiging maganda ang sculpture kung wala ang ating pogi at machong model na si Voltaire." appreciative na sabi ni Justine.
"I am just a model. It's like somebody giving you a puzzle that's already put together."
"At naging kumpleto ang lahat dahil sa iyo." may ngiti sa labi niyang sabi.
Napakunot noo si Voltaire sa sinabi niya.
"I am just here when you need it. Just you did when i need you."
"Ha?" nagtaka siya sa sinagot nito.
Saan galing iyon? Ano'ng ibig niyang sabihin?
Tila pumitik sa dibdib niya ang sinabi nito. May kiliti.
"What's the score?" in teasing tone ni Justine. At nagtawanan ang mga ito.
"Score? Oh, we are not love team!" agad niyang sagot para hindi mag isip ng pagpapares ang mga ito. Pero nakadarama siya ng pag-iinit ng pisngi.
"You are blushing. Come on, Jeanine." tukso ni Rigor.
Napansin niya si Voltaire. Pigil lang ang tawa nito. His eyes are smiling.
Huwag sana niyang seryosohin ang mga ito. she wished.
"Mabuti ba magligpit na tayo. Ang dami niyong kuda! May pasok pa ako sa Store." pinili na niyang pangunahan ang pagliligpit at pangunahan ang lahat sa bagay na dapat hindi mangyari.
Ang maugnay siya kay Voltaire sa bagay na hindi dapat siya.
Dahil may pinaglalaanan na ito ng puso nito.
Si Serena.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...