The bold and the beautiful man.

105 13 0
                                    


Chapter 10

HALOS maghapon na si Jeanine sa Fine Arts Lab kasama si Voltaire at mga kaklase niya. Papunta na siya sa kalahati ng kanyang inuukit. Napapabilib siya dahil hindi niya nakitaan ng pagod at yamot si Voltaire. Gumagabi na rin kaya nagpack up na rin sila.

"Bukas na lang ang ibang parts pero grabe ang ganda na ng first half ng sculpture. Magaling ka pa rin, Jeanine. Kuhang kuha mo ang mga cuts." na amaze na sabi ni Caitlyn.

'I am dead tired pero masaya ako at nagawa ko ito." may hingal niyang sabi. 

Tapos nang magbihis si Voltaire at nagyaya na itong umuwi.

"Bukas na natin tuloy iyan. Let's call it a day."

Natulala niyang reaksyon kay Voltaire.

"Okay lang sa iyo na ituloy ito bukas?"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto. Eto na nga naglilinis na kami."

Napangisi lang si Voltaire at tumulong na rin ito magligpit.


MAGKASAMANG naglakad si Jeanine at Voltaire papunta sa Oxford Compound. Napatingin siya kay Voltaire. Relax pero hindi umiimik at nagsasalita. Siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

"I am full. Thanks." tugon nito. Bigla silang huminto nang tumapat sila sa bahay ni Serena.

He became sad again.

"Hindi pa rin siya umuuwi."

"Hindi natin siya napagtanong kanina. Dahil sa biglang paggawa ko ng project ko."

"Pwede ba natin siyang ipagtanong bukas bago natin gawin ang project mo?"

"Oo naman."

Napangiti ito at nagpatuloy na silang naglakad. Nakasalubong nila papasok ng compund si Karlo.

"Uy, Jeanine. Ano na? "

Napatingin ito kay Voltaire.

"Siya iyong dinala mo na inaapoy ng lagnat? Okay ka na, bro?"

"I am okay. Thanks by the way."

"Ano mo pala siya, Jeanine?" curious na tanong ni Karlo.

"Pinsan ko. Kinuha kong model sa project ko."

Napatingin si Voltaire sa kanya at kinindatan niya ito tanda ng pagsakay nito sa sitwasyon.

"Sige, may night out kami ng mga kasama ko sa store. Bonding tayo minsan."

Dumeretso na sila sa kwarto. Agad namang lumapit sa bintana si Voltaire. Muli na namang itong lumungkot nang makita na madilim ang bintana ni Serena.

"Wala talaga siya."

"Magpapatulong na rin ako kina Caitlyn kung kilala nila si Serena. Mas maraming tao ang naghahanap sa kanya. Mas madali nating siyang mahahagilap."

"Thanks."

Naglatag na siya ng banig na kanyang hihigaan. Talagang napagod siya sa kanyang ginawa. Hinayaan na lang niya si Voltaire na magmasid sa bintana.

Patuloy na nagmamahal, umaasa sa pag ibig na sadyang napakailap.

"Talagang mahal na mahal mo siya?" 

Mapait itong ngumiti sa kanyang tanong.

"I loved her, she is all i ever had. Nagkakaganito ako dahil sa kanya."

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon