The Annoying yet charming model

82 8 0
                                    


Chapter 14

HINATID ni Voltaire si Jeanine sa Z Lite Convenient Store.  Ibinigay na niya ang susi ng kuwarto niya.

"What is it?" napamaang na tanong ni Voltaire.

"Syempre susi."

"I know. Para saan ito?"

"Mamaya pang 7am ang uwi ko, ikaw na muna bahala sa bahay doon ka na matulog. Tapos pag uwi ko ako naman. Tapos alis ka na. hindi talaga uubra na magsama tayo sa iisang kuwarto. May tiwala naman tayo sa isa't isa pero wala akong tiwala sa mga tao sa paligid. Ayokong mag isip sila nang hindi maganda."

"Okay sa akin iyon." natuwang tinanggap ni Voltaire ang susi.

"Oh my God!" nanlaki ang mata niya nang marinig niya ang nagsabi niyon. Nasa likod niya si Rabelle na halos malaglag ang panga kasabay ng black bag na hawak nito.

"Oh no?" naalarma siya. Hindi siya aware sa presensya at reaksyon ni Rabelle.

"Why, Jeanine?"

Sa wakas narinig niya nang tama ang pangalan niya. Musika iyon sa pandinig niya. Pero parang sampung sirena ng ambulansya ang tili ni Rabelle nang tumakbo ito papunta kay Voltaire at buong higpit na niyakap ito.

"Voltaire, my baby boy!!!!!!!!!"

"What a...? What?" nagulantang na reaksyon ni Voltaire.

Napailing na lang siya at natatawa nasapo ang ulo.


HINDI na nakauwi si Voltaire at sa tulong niya ay kinausap nila si Rabelle. Sa convenient store sila nag usap habang nakaduty sila.

"Bakit hindi mo sinabi na magkakilala kayo?" may hinampong sabi ni Rabelle.

"We did not knew each other personally. Dont take it that way?" pagtatama ni Voltaire

"Ah, sabi mo eh." napakagat daliri na sabi ni Rabelle.

"Please keep it a secret, Rabelle walang dapat makaalam na nandito siya." pakiusap ni Jeanine.

"Hindi dapat na nandito ako. I have my reason so i hope you dont mind."

"Bakit ka nga pala nandito?" curious na tanong ni Rabelle

"Personal, sorry i cant share it. "

Biglang lumungkot si Rabelle.

"Iyan , natupad na ang pangarap mo na makita siya. Masaya ka na dapat. tao rin yan si Voltaire. Intindihin natin ang mga bagay na personal sa kanya." pagpapaintindi ni Jeanine kay Rabelle.

"If my mission is accomplished. I will treat you, okay ba iyon?" ani Voltaire.

"Date ba iyan?" kinilig na sabi ni Rabelle.

"Puwede."

Halos maglupasay sa galak si Rabelle. Natawa lang sina Voltaire at Jeanine.

"OA na! ano lang? Parang higad na inasinan?" natawang hinila ni Jeanine ang buhok ni Rabelle

"Ano mang mission yan. matutupad yan basta yung date natin ah!"

"Sige na , Voltaire. Magpahinga ka na. Ako nang bahala dito."

"Okay, I need to rest at hihintayin kita, Jeanine. Marami pa tayong pag uusapan." sabi nito sabay kindat at umalis na.

Kumindat pa? Haist! nakadama siya ng pitik sa loob ng kanyang dibdib sa pagkindat nito.

"Bye, Baby boy!" 

Nang makaalis na si Voltaire ay inasahan na nya ang Question and Answer portion nila ni Rabelle.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon