MASAYANG ginawan ni Jeanine si Voltaire ng Green Vegetable salad. Ngayon lang siya uli nagawa niyon para kay Voltaire. Habang hinahalo ang lahat ng mga ingredients ay naramdaman niya ang pagdulas ng mga kamay ni Voltaie sa tiyan niyan at ang pagdikit ng katawan nito sa likuran. Napakainit na kiliti ang dulot niyon sa kanya.
"Hindi ko ito mahahalo nang maayos."
"And why?" tanong nito na may paglalambing sabay halik sa leeg niya. Natawa siya at kinilig sa naramdaman niya. His breath brushes her nape.
"Pagkatapos mong kumain, mag ahit ka. Nakakatusok na ang pinong bigote at balbas mo."
"Am I still good looking kahit may bigote at balbas ako?" nang aakit na tanong ni Voltaire. Natatawang hinarap niya ito at napasinok siya sa gulat nang muntik nang magbangga ang kanilang labi. Kapwa sila nangkatinginan sa kanilang mga mata at sa kanilang labi.
"Can you please go there, Mr. Ichihara. I lose my concentration. Please...." parang batang pakiusap ni Jeanine.
"Fine!" nakangiting kumalas si Voltaire na parang kriminal na taas ang kamay na sumuko at naupo sa kama.
"Good boy!" may kindat niyang sabi.
Ngumiti si Voltaire at ang mga mata nito na puno ng ningning.
MAGKASALO na kumain ng Green Vegetable Salad sina Voltaire at Jeanine. Napahinto siyang kumain nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Voltaire.
"Kumain ka pa, ano ba?" na-conscious niyang reaksyon.
"Busog na ako when I see you eating."
"Konti lang ang ginawa ko, kumain ka na."
"Ngayon lang kita natitigan nang ganito. No doubts, no uncertainty. You are more beautiful when i see your face that loves me."
Tila may malamig na apoy na nag-aangat ng puso niya sa sinabi na iyon ni Voltaire.
"So, sinagot na ba kita?" may pagak niyang clarification.
"You said you love me too right?"
"Hindi mo man lang ako niligawan?"
"Fast track. Fast love."
"Hindi dapat ganoon. Filipina pa rin ako. May culture kami na dapat nililigawan."
"Kahit na tayo na?"
May ngiting sagot niya sabay kagat ng labi.
"Then fine. Liligawan kita kahit na girlfriend na kita."
May malaking ligayang dulot sa puso at tainga niya ang sabihing girlfriend na siya ni Voltaire.
Hindi lang isang napakaguwapo, napakabait at malaking puso ang kanyang kauna-unahang boyfriend. She was blessed by having him. More than a total package. Hindi niya ikina-regret na ibigay ang priviledge na ito ang unang lalakeng minahal niya at nawa'y panghabangbuhay na ito.
DINALA ni Voltaire si Jeanine sa isang lugar sa Sampaloc. Sa Dangwa.
"Thank God I still know this place." natuwang reaksyon ni Voltaire.
"Alam mo pala dito."
"Dinala ako dito ni Mama. Dito namin binili ang bulaklak na binigay ko sa teacher ko sa teacher day."
"Wow. Sweet ka pala sa mga teacher."
"Hindi naman masyado. I have to do it para pumasa hahhaha."
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomansaHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...